Prologue

1.2K 13 0
                                    

Walang edit ang bawat chapter kasi excite ang author niyong ipublish ang storya na ito. Salamat sa din nga pala sa 14k reads sa THE RUTHLESS LUCIANO. sana dumami pa reads niya, salamat sa lahat.

Kaycee

"Sana ay pagpalain tayong lahat ng diyos-"

Naputol ang pakikinig ko sa mga payo ng pastor ng mag-ring ang cellphone ko. Mabilis na nagpaalam muna ako sa kataas-taasan sa amin.

Hindi naman ito tumutol kaya mabilis akong lumabas at nagtungo sa maliit na hardin ng simbahan na ito. Bago sagutin ay nakita ko pa ang isang magarang sasakyan na kakaparada lang sa hindi kalayuan sa akin.

Sinagot ko agad ang tawag ng hindi tinitignan kung kaninong phone number ang tumawag.

"Hello?" malumanay na bungad ko sa katawag ko. "Sino po sila?"

"Kaycee," ang humihikbing tinig ni Kassy ang bumungad sa akin.
Napakunot ang aking noo at lumamya naman ang kanyang boses. "Umuwi ka dito please, ayoko. Ayoko-"

"Kassy, get back here!" panibagong boses ang aking narinig. Lumikot ang aking mata dahil sa hindi pamilyar na boses.

Sasagot pa sana ako kung sino iyon. Nang mamatay nalang bigla ang tawag.

Nang ibaba ko ang cellphone ay muli itong tumunog. May message na dumating kaya muli kong binuksan ang cellphone.

I'm getting married sis, I don't want to be get'n married without you. . .

Ang laman ng message ay nagpagulat sa akin. Paanong hindi ko alam ito? Ano't hindi ipinaalam ni mama? Ni papa?

"Nagbago ba ang disisyon mo hija?" salubong sa akin ni Sister Mary at sinundan pa ng tingin ang bag na dala ko.

Umiling naman ako bago malalim na nagpakawala ng buntong hininga. "H-hindi po,"

Tumaas bahagya ang kanyang kilay. "M-mawawala lang po ako ng ilang araw," nakikiusap na tumingin ako rito. "Pwede ho ba?"

"Hindi ka pa ganap na tunay na madre Manuela, ngunit kung lalabas ka rito ay baka magbago ang iyong disisyon. . ." huminga siya ng malalim.

Napatungo naman ako. Malinaw na malimaw sa akin na gusto kong maisakatuparan ang maging madre at manilbihan sa diyos. Kaya kahit lumabas pa 'ko rito ay hindi magbabago ang isip ko.

"Maaring makahanap ka nang tunay na kaligayahan sa labas-" sandali siyang tumigil at mukhang may malalim na kaisipan siya. "Ngunit may tiwala akong hindi ka sasalungat sa nauna mong disisyon."

Hindi naman ako nakasagot sa kanyang sinabi. Nanatili akong tahimik hanggang sa magsalita itong muli.

"Pinapayagan kita, ngunit kung magbago man ang disisyon mo habang nasa labas ka, ipaalam mo ito kaagad sa akin." paalala niya pa kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.

Tumango ako bago nagpasalamat sa kanya. Wala akong sinayang na oras. Nagpabook ako ng rush flight papuntang luzon.

'Please stay at your seats until we land-'

Hindi nagin malinaw sa akin ang sinasabi ng flight attendant na nasa speakers dahil lumakas ang tunog ng eroplanong nagsisimula ng lumand.

After a couple of minutes we already arrived at the airport. Hila-hila ko ang aking maletang hindi kalakihan habang namamangha sa mga pagbabago dito sa airport.

Ilang years ba 'kong hindi nakatapak dito? Six years? Five? Matagal-tagal din simula nang tumapak ako dito. Simula kasi nung umuwi akong Mindanao ay naging abala ako habang nag-aaral sa dream school ko kaya hindi na 'ko nakabisita pa dito sa luzon. Simula kasi nung grumaduate ako ng BS Education ay naka LPT din ako, wala na 'kong hiling no'n. Sa simpleng propesyon na iyon ay natutunan ko rin na mahalin ang mga bata kaya nagmadre ako o mag-mamadre palang.

"Miss sasakay ka?" kaagad na napako ang tingin ko sa mamang taxi driver. Hindi nawala ang lagkit sa kanyang paninitig sa akin.

Kung hindi lang magmumukang rude ako o mas kung tawagin na masama ang ugali ko ay iirapan ko talaga siya. Idagdag pang hindi ba niya nakikita ang suot ko ngayon? Hindi parin ako nakakapagpalit ng kasuotan kong pang madre. Walang respeto!

Umiling naman ako bago pilit na ngumiti. "Hindi na po MANONG!" diniinan ko talaga ang salitang manong. "May sundo ho ako."

Wala itong nagawa. Nang may pumarang taxi sa harap ko ay mabilis na lumapit ako dito. Saktong may kasabay pala ako kaya nag-agawan kami kung sino ang mauunang magbubukas ng pinto.

"Ako nauna-" natigilan ito ng mapansin ako. Sinulyapan niya ang suot ko bago nagbaba ng tingin. "Pasensya, ikaw na po."

Himala, bigla 'yatang naging malumanay ang kanyang boses at naging magalang. Hindi ko ito pinansin at ginawa nga ang sinabi niya.

Ang bahay namin ay walang katao-tao. Halos inaalikabok na at mukhang matagal ng nilisan ng taong namamahay dati rito.

Binalikan ko pa ang gate namin para masigurong amin ngang bahay ito. Ang numero ng bahay ay pareho parin sa pagkakatanda ko kaya muli akong bumalik sa loob.

"Kassy?" umugong ang pagtawag ko sa pangalan ni Kassy sa buong sulok ng bahay. "Kassy!"

Walang sumagot kaya dahan-dahan kong ibinaba ang dala kong bag. Maging ang maleta ay binitawan ko rin at pumanhik sa ikalawang palapag ng bahay.

Ang amoy ay ibang-iba kumpara kung paano ang amoy nito nung huli kong tapak dito. Kinakalawang ang bawat ding-ding at may mga bahay naman ng gagamba sa ceiling.

Saradong sarado ang kwarto ni Kassy nang makarating ako sa tapat nito. Ang kwarto ko kung saan katapat din ng kanya ay malinis na malinis pero binahayan narin ng gagamba.

Mukhang walang tao.

My substitute wife
(You're not my wife!)

My substitute wife Where stories live. Discover now