Three-guess

352 8 0
                                    

CHAPTER THREE

[Kaycee's point of view]

Sapilitan niya akong hinala papasok sa kung saan ang maraming taong naghihintay. Pinakawalan lamang ni Czergo ang braso ko ng masiguro niya na wala na akong aatrasan para iwasan ang maraming tao.

I even heard his evil laugh, binalingan ko siya ng tingin at inirapan ng suklian din ang tingin ko sa kanya.

Nakita kong papalapit ang pamilya niya, I mean kasama ang pamilya ko. Si mama, si papa. When I took a glance at mom, her eyes are were cloudy, parang galing sa pagiyak at namumugto pa ang mga mata niya kahit na may make up siya.

"Kassy," she called and then looked at Czergo. "Can I excuse my daughter?"

Hindi agad sumagot ang mag-asawang Cordovez, nagtataka kung bakit tila ba seryosong seryoso si mama. Maging ako ay nagtataka rin dahil hindi niya manlang magawang ngumiti, samantalang nang tumingin ako kay papa ay wala itong reaksyon na nakatngin lamang sa 'kin. Parang nanonood lang siya at tinanguhan lang ako.

"S-sure," pagpayag ng babaeng Cordovez, Czergo's mom.

Agad na hinila ni mama ang kamay ko at hinatak paalis nang marinig niya ang pagsang-ayon ni tita Elisia. Nang lumingon ako sa iniwan naming pamilya ay nakasunod ang kanilang tingin sa amin. Iniwas ko rin naman agad ang paningin ko sa kanila at binilisan ang pagsunod sa kay mama.

Nang makarating kami sa mas tahimik sa lugar at walang tao maliban sa amin ay hinarap ako ni mama. Hindi na niya naiwasan ang pagbagsakan ng kanyang mga luha at humagulgol sa harap ko.

She cupped my face, her tears were unstoppable and continued to drooled on her cheeks. Her sobs made me weak. "I'm sorry, Kassy."

Those words hit me big time. Kahit may maliit na inis sa sarili ay hindi ko ipinakita. Anak niya kami, hindi ba niya alam kung ano ang pagkakaiba namin ni Kassy? Kahit na sino namang mga nanay ang nanganganak ng kamabal ay may palatandaan naman sila sa mga ito.

"You're father was really a bastard, he made you as a debt." pagpapatuloy niya habang umiiyak. "Wala akong magawa dahil ang papa mo ang may gusto upang mabayaran natin ang malaking utang sa ibang mga company na naging kasosyo niya!"

Pinigilan ko namang maiyak, ngayon ay malinaw na sa 'kin kung bakit tumakas si Kassy. Is it because our father was really a bastard? O bukod do'n ay meron pang dahilan?

"S-sana, nandito si Kaycee. Siya sana ang ikinasal at hindi ikaw!" sa kanyang tinuran natahimik pa lalo ako. Hinintay ang susunod niyang sasabihin.

"I don't want you to get married yet! Kaycee, si Kaycee dapat ang nandito!" dumiin ang pagkakahawak niya sa mukha ko. Itinago ko ang emosyon na nais kumawala sa mga mata ko. Ayokong makitaan niya ako ng kahinahinala.

"B-bakit po siya ma?" tangi kong nasabi dahil hindi ko malaman kung bakit si Kaycee o ako ang maikasal. Hindi naman kasi nila alam na mag-mamadre ako. They never knew, si Kassy lang kasi ang pinagsabihan ko. Dahil hindi naman papayag si mama, kung si papa lang ay wala naman kaso dahil lagi naman niya akong sinusuportahan sa lahat.

Napailing siya na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Ang mga mata niyang umiiyak ay hinaluan ng galit na emosyon, ngunit saglit lang 'yon dahil nawala rin naman agad.

"Kassy, y-your sister is not your sister–" naputol ang kanyang sasabihin ng makarinig kaming pareho na tinatawag ang pangalan ni Kassy.

"Kassy,"

Nilingon ni mama ang pinanggalingan ng boses bago ako ulit na tinignan. Mabilis niyang pinahid ang mga luha sa kanyang pisngi at mata gamit ang likod ng palad niya. Kinalma niya ang sarili niya at binitawan ako, sandali pa ay niyakap niya ako ng mahigpit at pinakawalan din agad.

My substitute wife Where stories live. Discover now