WYBHBM ~~ Chapter 34 part 2

214K 2K 184
                                    



XANDRIE POV

 

"NO !!!" Hindi kayang tanggapin ng isip ko ang sinabi saken ni Atty.

Napatayo pa ko at hinarap ang abogado.

"No,Atty!! Hindi pwede yan ! Hindi magagawa ni papa yan saken. . .samen !"

"I'm sorry, Xandrei. But that was written in his will. Wala akong magagawa. I also can't believe that your father can do these to you and to your sisters."

"oh god! It can't be. . . It cannot be. . ." I groaned in frustration at pabagsak na naupo sa coach.

Ano bang nangyayari sa buhay ko?

"is it watertight, Atty?"

"Yes.Ang tanging pag-asa mo na lang ay umurong si Mr.Tamaki. . .pero sa nakikita ko determinado syang ipakasal ka sa anak nya."

I closed my eyes tightly.

Shit ! Shit ! Shit !

Hindi pwede .

Hindi pwede 'to.

Yes, I'm about to marry. . .pero hindi sa babaeng hindi ko kilala. No way !

Isa pa, pano si Heira? I honestly want to marry her. I love her. I love her so much. I want to give her my name. I want to be with her. I want to be happy with her.

Pero paano ang mga kapatid ko? Paano ako? Anong gagawin namin kapag nawala angang DVI samen?

Mahihirapan kami.

"atty. Baka may iba pang paraan. Ayokong magpakasal sa babaeng hindi ko kilala ! Ayokong -" iwan si Heira.

 

I groaned again as if I'm pain. The thought alone cuts like a knife.

Ayoko. Ayokong mawala si Heira.

"you can talk to him,Xandrei. Nabanggit nya na balak ka talaga nyang puntahan. Sa susunod na linggo, nandito sya sa pilipinas. Ibibigay ko sayo ang contact number nya." tumayo na ang abogado at tinapik ako sa balikat.

"hindi ko alam kung bakit iniwanan ka ng papa mo ng napakaraming problema. You're too young for this. At kung may magagawa lang ako bilang abogado ng pamilya nyo, I'll do it whole heartedly. Kung nag-aalangan ka sa addendum na iniwan nya, ipapadala ko sayo ang video tape maski ang mga papeles. Ako mismo ang magdadala sa bahay nyo. Umuwi ka muna para makapagpahinga ka." I sighed heavily.

Wala sa loob akong tumayo at tumango.

Para kong nakalutang.

My mind wouldn't process properly.

I'm mentally tired sa mga natuklasan ko ngayong araw.

Paano ko sasabihin sa mga kapatid ko na mayposibilidad na mawala samen ang DVI kapag hindi ako napakasal sa Miyu Tamaki na yon?

Paano ko sasabihin kay Heira na hindi matutuloy ang kasal namin dahil magpapakasal ako sa iba?

Dammit !

Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

I was completely fucked-up .

I was messed.

Ano bang nangyayari saken?

Imbis na umuwi sa bahay , sa cemetery ako dumiretso.

Sa puntod ng papa ko.

Gusto kong magalit. Gusto kong sumigaw. Gusto ko syang sumbatan.

Gusto kong ilabas lahat ng sama ng loob ko nang dahil sa walang katuturang kontrata na iniwan nya .

"bakit mo ba ko ginagawa to?" bulong ko ng nasa tapat na ko ng puntod nya.

"naging masama ba kong anak sayo? Why are you doing this?" hindi ko alintanang umiiyak na ko. I'm a hard man. I never cried kahit pa nga ba ng mamatay ang papa. I have to be strong para na din sa ate ko at kay Xandie. Pero ang kaisipang kailangan kong iwan si Heira at magpakasal sa iba, masakit.

Sobrang sakit.

"bakit ?! Bakit di mo ko gustong sumaya? Bakit pinapahirapan mo ko?! Bakit nag-iwan ka ng mga bagay na sisira lang sa kasiyahan ko?! Bakit kahit wala ka na nakatali pa din ako sa mga dikta mo?!"

"hindi ba ko pwedeng maging masaya, wala ba kong karapatang sumaya? Bakit pinipilit mo ang mga gusto mo? Bakit di mo na lang ako hayaang magpasya para sa sarili ko?" napaupo ako sa damuhan . Napahawak sa noo at pinigilang bumagsak pang lalo ang mga luha.

"Nagpasalamat ako sayo nung una dahil hindi ko makikilala si Heira kung hindi dahil sa testamento mo. I was so happy then. I'm contented and I'm ready to settle down. . .pero bakit kailangang sirain mo pa? Bakit kailangang mag-iwan ka pa ng addendum na sisira saken?"

"all my life I've been a good son. Kaya di ko maintindihan. . .hindi ko magawang maintindihan kung bakit pinapahirapan mo ko. . ."

"kahit gusto kong magalit sayo, di ko magawa. Paano ko malalabas ang galit ko sa isang taong patay na."

Kinalma ko ang sarili ko. Wala. Parang ganun pa din ang pakiramdam ko. Sobrang bigat pa din . Para kong pinapatay sa bawat pagkakataong papsok sa isip ko ang mga mangyayari kung sakaling magkahiwalay kami ni Heira. . .

Paano na ?

Hahayaan ko bang matapos na lang 'to sa ganto ?

Hahayaan ko bang maging laruan lang ako ng isang taong kahit patay na gusto pa ding manipulahain ang buhay ko?

No.

No way.

I need to do something to change his will.

"but I'm sorry,Papa. I'll standa by myself. Kung may magagawa ako para kontrahin ang addendum , I'll do it. I want to marry a girl of my choice not the girl of your choice !" i stand up . "I won't be your puppet in the string. . ." I said with conviction.


Will you be his BABY . . .MAKER ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon