ROA 26

20 1 0
                                    

Chapter 26

I almost caught him glaring at me.

Mabilis niya rin naman itong iniwas at ibinalik ang mata sa bintana. His arms were crossed on his chest and his face could tell how gloomy the weather is.

Ilang segundo kong tinuon ang mata sa kanya, inaantay kung babaling siya ulit pero hindi naman. I fixed my eyeglasses and looked down on my laptop.

I crossed my legs and focused on my work.

We're on our way to Astalier.

Mga two weeks kami roon. At least ako at si Craig, pero sigurado uuwi agad si Wyatt at Mr. Zamion. 

We used Tito Wancho's private plane. It's the small one though. Sapat lang para sa aming apat. Marami pa ngang space kaya doon na lang namin nilagay ang mga gamit namin.

Magkaharap ang upuan namin, sa bandang gitna ako nakaupo at katabi si Wyatt. Kaharap ko naman si Craig pero nakasiksik siya sa dulo at nasa kabilang dulo rin si Mr. Zamion.

I don't know what's his deal this time pero kanina ko pa napapansin na gusto niya na akong lusawin sa titig niya.

I am still fixing the program. Kaya kahit on the way na kami, hindi pa rin ako nagpapahinga. Gusto ko lang na pagkatapos tignan ng lugar, may maipapakita na akong program. After that, we can proceed with the materials.

"This is better." bulong sa akin ni Wyatt at tinuro ang ginagawa kong screen for battery consumption.

Tumingin ako sa kanya. "I know, right? The last time was pretty common. The coding though was more complicated but look..." sagot ko at namamanghang tinuro ang outcome sa laptop.

He grinned at me and nodded.

"Ilang minuto pa?" masungit na turan ni Craig. Tinutukoy ang minuto namin sa ere.

"Twenty minutes pa, Sir." sagot ni Mr. Zamion at tinignan ang relos niya.

Huminto ako sa ginawa at bumaling sa kanya ulit. Sinalubong niya ako ng matalim at tingin. He also crossed his legs and his lips in thin line.

But instead of removing my gaze I continued staring at him. Our eyes locked.

"This program was better than the first one. You're new at this, right?" tanong pa ni Wyatt sa tabi ko, I could feel his breath on my ear.

My eyes remained on Craig. I didn't give him any expressions but I also didn't move.

Lumipat ang mata niya kay Wyatt tapos ay bumaba sa laptop ko bago umirap at itinuon muli ang mata sa bintana.

I almost rolled my eyes. I went back to my work and continue talking to Wyatt.

"How long are you gonna stay, Mr. Zamion?" tanong niya ulit.

Gulat siyang hinarap ni Mr. Zamion dahil sa biglang tanong. "T-Three days, Mr. Tonjuarez. Babalik rin ako next week, kailangan lang talaga ako sa kompanya."

My eyes were on the screen but I am observing his movements. He shifted his position and deeply sighed.

"I hope you can do your job efficiently while you're here. Nasa Astalier tayo para magtrabaho. Ayoko ng may abala at bumabagal ang trabaho." may riin niyang tugon.

I bit my lower lip and proceeded on typing.

"Of course, Sir! I'll do my very best. We all do our best in our projects.."

I felt him staring at my direction again. "Hmmm. I see... kaya pala wala pa akong narereceive na updates sa program?" my finger froze from typing.

Lumipad ang mata ko sa kanya at hindi na ako nagulat nang mahuli ko muli siyang nakatingin. Bumuntong hininga ako at inayos ang salamin at upo ko. Naramdaman ko naman ang paglayo ni Wyatt at umupo na lang rin ng maayos.

Raindrops of Astalièr (Tonjuarez Series IV)Where stories live. Discover now