ROA 37

34 1 0
                                    

Chapter 37

Buong gabi akong gising. Hindi, buong madaling araw ata. Hindi ko alam kung naka ilang balik ako sa terrace para tignan ang bahay ni Craig na ilang metro lang ang layo sa akin.

Pabalik-balik ang lakad ko at hindi mapakali. Ilang oras ko atang ginawa iyon dahil sa dami ng iniisip.

Bakit siya nandito?

Siya ang nakabili ng lupa?

Sa tabi pa talaga ng bahay ko?

Sa lahat ng pwede niyang patayuan ng lupa Iloilo pa talaga?!

Paano niya nakilala si Aling Celis at bakit ngayon ko lang ito nalaman lahat?

Bakit nandito ka Craig?

Halos mabaliw na ako kaiisip ng sagot. Ni hindi ata ako pumikit at inantay ang pagbukas ng ilaw sa bahay nila Aling Celis.

Ala singko palang ng umaga ay lumabas ako ng bahay at pinuntahan ito habang naghahanda sa pagwawalis. Kung hindi ko siya matatanong ngayon baka hindi rin ako makakatulog mamaya!

Kahit wala akong tulog ang talas pa rin ng isip ko! Kailangan ko ng sagot! Bakit nandito ang ex ko?!

"Aling Celis," hindi mapakali kong tawag.

Medyo nagulat pa ito nang makita akong nakatayo sa gilid niya. Hindi pa sumisikat ang araw kaya madilim pa. Ang nagsisilbi naming liwanag ay ang ilaw galing sa labas ng bahay nila.

Hawak ang dibdib ay humarap ito sa akin. "Miande? Ang aga mo naman nagising hija?" hindi ako natulog gusto kong isagot.

Kinagat ko ang ibabang labi at pinagkrus ang braso sa dibdib dahil malamig. Bahagya akong yumuko, sumulyap sa bahay ni Craig bago binalik ang mata kay Aling Celis.

"Ano pong pangalan nang may ari ng bahay?" halos ibulong ko iyon na para bang mahuhuli kami kahit anong oras.

Napapraning na ata talaga ako.

Naguguluhan niya akong tinignan pero sumagot rin naman. "Tonjuarez? Xahandri ba 'yon? Oo basta si Engr. Tonjuarez. Bakit hija? Teka, naibigay mo ba ang ulam kagabi? Nagkita na kayo?"

Napa atras ako at napa lunok. Pumikit ako ng mariin at bumagsak ang balikat. Para akong nasuntok sa sikmura at nagliparan lahat ng natitira kong lakas. Nahihilo ata ako.

Hindi ako nababaliw.

Hindi rin ako naghahalucinate.

Ibig sabihin hindi ko siya namimiss.

Totoong nandito siya at nagkita kami kagabi!

Sa loob ng isang taon matapos kaming mag break hindi na nagtapo ang landas namin! Tapos ay nagkita kami kagabi?! N-Na ganun ang itsura ko? Buong araw ako sa lawak at walang ayos?

Tapos siya bagong ligo?

Kaya sinaraduhan ako ng pinto! Siya nga iyon! Walang duda!

"Miande! Ayos ka lang?" nag aalalang tawag sa akin ni Aling Celis nang muntik akong matumba. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko upang maibalik ako sa tamang pagkakatayo.

Hindi ko na alam saan huhugutin ang boses. Kumurap-kurap ako at nanghihinang binalik ang mata sa bahay ni Craig. Ang katotohanan na nandito si Craig at ilang metro lang ang layo sa akin, ay nagpatayo ng balahibo sa buong katawan ko. Parang sasabog ang puso ko sa kaba.

"A-Aling Celis... babalik muna po ako sa loob. K-Kailangan ko ata munang matulog..." nanghihina kong paalam.

Binitawan niya na ako pero hindi inalis ang mata sa akin. "Sigurado ka kaya mo? Natulog ka bang bata ka? Bakit nahihilo ka?" sumunod siya sa akin.

Raindrops of Astalièr (Tonjuarez Series IV)Where stories live. Discover now