ROA 38

27 1 0
                                    

Chapter 38

Para akong aapoyin sa init ng lagnat nang huminto ang pamilyar na big bike sa gilid ng plaza. Kulang nalang magtago ako sa ilalim ng mesa o hilingin na matunaw ako sa kinauupuan.

Ngayong araw ang simula ng pa liga na pina-organized sa amin ni Mayor. Isang linggo ito kaya mahaba-haba at busy. Pero kahit anong busy ko, nagigising pa rin ako ng mas maaga at namamalengke para magluto.

Magluto ng tanghalian ni Craig. I feel like this is a deja vu. But this time, I am not doing this to pursue him. I am doing this out of guilt for what I did to him and what might cause this in the future.

Kahit nilinaw niya na sa akin na hindi niya na ako gusto, o hindi na sa akin umiikot ang buhay niya, hindi ko pa rin mapigilan ang hindi mag alala. Kasi 'yon nga, hindi dahil sa gusto ko pa siya o gusto kong magustuhan niya ako. Naguguilty kasi ako.

'Yon lang ang dahilan.

And my body recognizes that gesture. Like my body would automatically stand up in the morning and cook for him. I am not even forcing myself, I am doing this with my own will.

Kaya ngayon na mas malinaw na ang lahat. Napagtanto ko kung gaanong nakakahiya sa pride ko ang ginagawa ko. Kapag nasa harap kami ng ibang tao, lalo na't alam kong hindi nila maiintindihan bakit ko ginagawa 'yon kapag nalaman nila, nahihiya ako para sa sarili ko.

"O! Xahandri buti naka habol ka! Tapos na trabaho sa power plant?" tanong ni Caloy nang makalapit si Craig.

Pero ako, parating palang ang motor niya alam kong siya na iyon. Kaya nga medyo pinagpapawisan na ako.

Tumango ito kay Caloy at nilibot ang mata sa maingay na plaza. Suot ang t shirt na navy blue at itim na jeans, inayos nito ang nagulong buhok dahil sa pagsuot ng helmet kanina. He ran his fingers through his hair while his eyes is trying to look for someone.

"Oo, tapos na. Simula na ba ang laro?" tugon nito sa malalim na boses.

"Kasisimula lang! Tama lang ang dating mo at hindi pa mainit ang laban." humalakhak si Caloy. "Pahinga ka muna Engineer. Upo ka muna doon sa bakanteng upuan." turo ni Caloy sa monoblock sa tabi ko.

Lalo akong pinagpawisan. Kinuskos ko ang dalawang palad sa pantalon. Basa na iyon at napalunok ako nang marinig ko ang paghila sa upuan. Nang maamoy ko ang pamilyar na pabango nito nagwalaan na ang paru-paru sa aking tiyan.

Pilit kong itinuon ang atensyon sa laro at hindi siya pinansin. Parang kanina ko pa nakagat ang dila.

Naka pwesto kami sa mahabang mesa na dapat ay sa mga mahalagang bisita. Hindi sila naka attend dahil malakas raw ang ulan sa kabilang bayan. Kaya para hindi sayang ang dito na lang kami umupo, nagkataon lang na walang nakaupo sa tabi ko. O baka nilaan talaga nila para sa minamahal nilang Engineer. Kung alam ko lang e'di sana pumunta nalang ako sa likod ng stage o sumiksik sa mga bleachers.

His arm slightly brushed on mine when he moved. It alarmed my senses and awakened my blood.

Kinagat ko ang ibabang labi at pilit na nanood ng laro. Kinukuskos pa rin ang palad sa hita.

"Your containers." saad niya.

Kahit labag sa loob ay mabilis na lumingon ang ulo ko sa kanya. Para bang hinihintay ko lang siya mag salita at gusto ko talagang mag usap kami.

Hindi ko na naiintindihan ang sarili ko! Parang pati sarili ko kalaban ko na!

"H-Ha?" naguguluhan kong sabi.

He pursed his lips. "Ang mga pinag lagyan mo ng ulam. Saan ko ilalagay o isasauli?" nilinaw niya ang tanong.

Napa awang ang labi at tumango nang makuha agad. "D-Doon nalang muna! Marami naman akong ganoon... kukunin ko pag kailangan ko na." halos habulin ko ang hininga.

Raindrops of Astalièr (Tonjuarez Series IV)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin