Part 12

3 0 0
                                    

Leigh's POV:

Pagkagaling namin ni Ayo sa UP,sumaglit pa kami sa SM.Nagyaya si Ayo na kumain ng ice cream.
Alas tres na ng hapon ng umuwi kami.
Ipinakilala ko si Ayo Kay Ninang Lucille.Wala si Ashley.Kasama daw Ang  mga kaibigan nito Kaya Hindi sya nakita ni Ayo.
Saglit lang naman si Ayo at umuwi na din ito.

Ibinabalik ko Kay Ninang Yung Tira sa bigay nya sa akin kaninang umaga pero Hindi nya kinuha.Itago ko na
lang daw at ibili pa ng iba pang mga gamit ko na kailangan ko sa school.

Tumulong Ako sa mga bumibili s tindahan.

Bandang alas singko ng hapon,sumama Ako Kay Ninang  bumili ng lulutuin para sa hapunan sa  palengke.

Nagprisinta na Rin Ako na Ako na lang Ang magluluto.Natuwa naman si Ninang at hinayaan nya akong bumili ng gusto Kong lutuin para sa hapunan.

Naisip Kong magluto ng sinigang na hipon at tortang talong..

Nang makauwi kami,inumpisahan ko nang magluto.

Nang makaluto Ako,sabay na kaming kumain ni Ninang.Si ate Nelia naman ay hinatiran ko na lang sa tindahan ng pagkain nya.

Nang makakain,nagligpit na din ako sa kusina.

Pagkatapos ko sa kusina,muli akong pumunta sa tindahan.
Habang naglalakad,tiningnan ko Ang cp ko.
Marami na palang missed call si Nanay,Ayo,at Liz.

"Ate Nelia,paload po Sana Ako."Sabi ko Kay ate Nelia.

"Naku,Leigh,Wala ng load.Punta ka na lang sa labasan,sa unang tindahan makalampas lang sa water station."Ani ni ate Nelia.

"Ganun Po ba.Sige ho,labas Po muna Ako."paalam ko.

Umakyat Ako saglit sa kwarto ko at kinuha Ang wallet ko.
Simple lang Ang suot ko,white t-shirt na medyo maluwang at maong short na lampas tuhod.

Nagpaalam Ako saglit Kay Ninang na nasa sala,nanunuod ng tv bago Ako  tuluyang lumabas ng bahay.

Madali ko lang nahanap Yung tindahan.Medyo malayo nga lang at may mahaba-habang lakarin.

Bumili pa Ako ng isang lollipop bago tuluyang umalis sa tindahan matapos Kong mag-paload.

Habang naglalakad,tiningnan ko Ang relo sa bisig ko.Nine thirty.
Hindi naman nakakatakot maglakad Dito Kasi marami namang lamp post na syang ngbibigay liwanag sa Daan.

Sa unahan ko,may malaking punong mangga na madadaanan.
At may grupo ng kabataan na nagtatawanan at tila mga nakapalibot.

Malapit na Ako sa kanila ng mapakunot noo Ako.May isang kabataang  lalaki na nakaluhod at tila ba pinahihirapan ng isang kabataang lalaki din na nakatayo sa harap nito.

Lumapit pa Ako ng kaunti sa kanila at pasimpleng nagkubli sa Puno ng mangga.

"Mayabang ka De Lara!Pipiliin mo kakatalohin mo!Ga** ka!"sigaw ng batang lalaki sa nakaluhod sa harap nito.

Ngumisi lang naman Ang nakaluhod at tila ba nang-aasar pa.

"Wala akong magagawa Carlo kung gusto Ako ng babae mo.Yung babae mo Ang pagsabihan mo na wag akong landiin!At Isa pa,pangit Yung gi-ef mo para magustohan ko pwede ba!"nakakalokong sagot nito.

Halos takpan ko naman Ang bibig ko sa kakapigil na huwag mapahagalpak sa sagot nito.

Lokong Bata ito ah!Hmm...

"Aba't ga** ka talaga ah!"at magkasunod na sinapak sya sa ulo ng lalaki sa harap nya.

"Totoo naman ah!"at tumayo na ang sinasapak.

"Pangit gi-ef mo!At kung talagang Mahal ka nya,Hindi dapat sya lumalapit sa akin o kahit na sinong lalaki!At para sabihin ko sayo,ni katiting,Wala akong nararamdaman Dyan sa gi-ef mo na mukang Ewan!"dagdag nya pa sa nanapak sa kanya sabay duro Dito.

HANGGANG...(Leonard & Leigh Anne )Book 1Where stories live. Discover now