Part 6

17 1 0
                                    

Leigh's POV

Tinulungan ko si ate Nelia sa mga pinamiling mga paninda na nasa mga karton pa.Isinalansan namen ang mga ito sa mga estante.
Binibigyan ko Rin Ang mga bumibili.

Nagulat pa Ako ng makita Ang Oras sa relo sa bisig ko.Quarter to twelve na!Kaya pala nakakaramdam na ako ng gutom at pagod.

Sumakit ang paa at balakang ko sa kakayuko at kakatayo sa pagkuha sa mga karton ng paninda.
Pero ayos na din,kahit papano,nalibang Ako.

"Leigh,Tama na muna Yan.Mauna ka na sa kusina,ililigpit at isasara ko muna itong tindahan at kakain na Tayo."baling sa akin ni Ate Nelia.

Itinigil ko na Ang ginagawa ko at nauna nang pumasuk sa loob ng bahay.

"Oh,Leigh,you're here na!"natigil Ako sa paghakbang sa matinis na tinig ni Ashley.Pababa sya ng hagdan,at mukang kagigising lang nito.

Para naman akong nai-eskandalo sa suot nitong pang tulog.Maiksing satin na short, at manipis na spaghetti strap na kakapiranggot din lang Ang pares nito.Napapangiwi akong naiiling habang pinapasadahan sya ng tingin.

Tsk!Hindi ba 'to nilalamig?!

Agad itong lumapit at yumakap sa akin.

"Oh hi!How are you dear?!I missed you!"malambing na bati nya sa akin habang bumebeso sa pisngi ko.

"Okay naman Ako Ash,".Ani ko.

"Are you excited na ba to study here in Manila?"mukang kinikilig na Sabi nito habang kinakawit Ang braso nya sa braso ko.

"Medyo."maikli at kibit balikat na sagot ko.

"Naku,isasama Kita sa mga parties na pupuntahan ko para naman makilala ka ng mga friends ko."excited na Sabi pa nito.

Natigilan naman Ako at napatingin sa Kanya..

As if?!
Tss...Ako mapa-attend mo sa mga parties na Yan?

Di na lang Ako kumibo sa mga sinasabi nya.

Hyper e.Hayaan na lang sa mga Plano nya.

"Let's go,let's eat some lunch outside?"
Aya nya pa.

Naku,eto na nga sya.Umaariba na agad.

"Ah pasensya na Ash,pede next time na lang.Tinutulungan ko Kasi si Ate Nelia sa tindahan."medyo ilang Kong Sabi sa Kanya.

"Oh no.I'll take no for an answer. You don't need to help her!C'mon,let's change our clothes first okay?!"pamimilit at hila nito sa akin.

Naiiling na napilitan na din akong sumunod sa Kanya dahil hila nya Ako sa kamay.

Nang makapag bihis,bumaba na Ako at pumunta sa kusina.Dito ko na lang hihintayin si Ashley.

"Ate Nelia,inaya ho ako ni Ashley na kumain sa labas."

"Ganun ba?O Sige,maganda din naman na maranasan mo yang paglabas-labas para masanay ka dto sa Manila."nakangiti nyang baling sa akin habang iniinit sa microwave Ang ulam.

Naupo Ako sa upuan at humarap sa kanya.

"Pasensya na ho,Di na kita matutulungan sa tindahan."

"Naku,okay lang ano ka ba!Gawain ko Yun."nakangiti nyang sulyap sa akin.

"Let's go Leigh!"tawag ni Ashley saken Mula sa sala.

"Una na ho kami Ate Nel."paalam ko sa kanya.

"Sige,mag-iingat kayo ah."Ani nito.

Tumango lang Ako sa kanya Saka tumalikod na.

Simple lang Ang suot ko.
Fitted maong short na gang sa taas lng ng tuhod,maluwag na itim na damit na hanggang siko Ang manggas na Hindi naka tuck-in,at sneaker na nilagyan ko lng ng manipis at puting medyas.
Masarap sa pakiramdam,at Dito Ako komportable.

HANGGANG...(Leonard & Leigh Anne )Book 1Where stories live. Discover now