Part 4

10 1 0
                                    


Leigh's POV

Nagising ako sa pakiramdam na nangingimi ang aking mga binti at nangangalay ang aking leeg.
Dali-dali akong umayos ng upo at nilingon ang katabi kong bintana.
Mukang napasarap ang tulog ko.
Andito na ata kami sa Manila.
Nakahinto Ang bus na sinasakyan ko dahil sa traffic..
Napapikit Ako ng mariin ng sabay-sabay na bumusina Ang mga sasakyan sa labas.

Kainis,Ang ingay!
Sakit sa Tenga!

Mukang Ang ingay ng Metro Manila at mga usok nito ang matagal-tagal bago ko makakasanayan.Dahil laking probinsya ako,syempre,alam ko Ang malaking kaibahan nilang dalawa...
Kung sa probinsya,tahimik, luntian ang paligid,malinis at sariwa ang hangin,may malinis at malinaw na karagatan at ilog,dito naman sa Manila,kabaliktaran lahat ng mga katangiang kinagamayan ko sa probinsya namin.

Pero syempre,kelangan Kong makibagay,at mag-adjust,Di lang sa mga taong makakasalamuha ko,kundi pati na rin sa kapaligiran ko..

Humikab Ako at inabot Ang tinapay sa loob ng bag.Sinipat ko Ang relo sa aking bisig.Quarter to seven.
Mahabang Oras nga akong nakatulog.

Habang kumakain,Di ko mapigilang isipin Ang mga kapatid ko.Paniguradong sa mga Oras na ito,gising na Sila at nag-aagahan na.Ang sumunod sa akin,si Aris,grade six na sya ngaun.Mabait,masunurin at responsableng bata si Aris.Alam ko makakatulong sya ni Nanay sa pag-alaga sa mga iba pa naming kapatid.

Si Ella naman Ang sumunod.Grade four sya,sunod si Laine,Grade 2,at bunso si Abbey,kinder 2 naman sya.
Alagain pa din sya..

Alam ko,sobrang mahihirapan c Nanay sa pag-aalaga at pag-aasikaso sa kanila.Pero buti na lang at mababait Ang mga kapatid ko.

Mag-aaral Ako ng mabuti at kung pwede at merun din lang na sideline na trabaho,gagawin ko,Basta wag lang makakaapekto sa pag-aaral ko.

Kelangan ko ng extra income.
Nuong second year High School Ako,natuto akong gumawa ng pulvoron,pastillas,macaroons,at mga palaman dahil sa Home Economics subject namen.Natuwa Ako at naisip na gawing sideline un.Kaya naman unti-unti akong nag-ipon sa baon ko.Nang makaipon Ako ng four hundred,pinaumpisahan Kong gumawa ng pulvoron at pastillas hanggang sa pati palaman ay nagawa ko na din ng lumaki ng paunti-unti ang Kita ko.

Hanggang sa nakilala na sa Baranggay namen Ang mga gawa Kong Peanut butter,pastillas,macaroons,at pulvoron.

Natigil Ako sa pag-iisip ng tuluyan NG huminto Ang bus na sinasakyan ko sa terminal nito sa Cubao.
Pinauna ko muna Ang mga taong makababa bago ko kinuha Ang iba ko pang gamit at tuluyang bumaba.

"Leigh,iha!"salubong ni Ninang sa akin..

Agad naman akong ngumiti sa Kanya,lumapit at nagmano.

"Magandang umaga ho Ninang!"
Bati ko sa kanya.

"Iyan na ba lahat ng gamit mo?"tukoy nya sa isang may kalakihang bag ko, backpack,at sa gitara ko.

"Opo Ninang."

"O sya,halika na at naku,mainit na!"
Kinuha nya Ang backpack ko at nagpauna nang maglakad sa kotse nya.

Nang makasakay na kami,binuksan nya Ang Aircon ng kotse at nag-umpisang magmaneho.

"Kumusta Ang byahe mo?Di ka ba nahirapan?"Ani ni Ninang.

HANGGANG...(Leonard & Leigh Anne )Book 1Where stories live. Discover now