Part 5 First encounter

19 1 0
                                    

Leo's POV

Masakit Ang ulo ko na parang binibiyak.Halos alas tres na ng madaling araw Ako nakatulog kanina.
Nagkatuwaan kaming magbabarkada na mag-inuman dahil birthday ni Joel.Isa sa mga barkada ko.
Halos Di ko na matandaan sa dami ng ibat-ibang nainum namin kagabi.
Panay labas ng pulutan at inumin si Joel.

"Ahh,kainis na hangover 'to!"inut-inot akong tumayo sa higaan ko habang sapo ko Ang ulo ko.Lumapit Ako sa bintana ng kwarto ko at binuksan ito para pumasok ang sariwang hangin.

Gusto kong sumuka,pero parang hindi naman.Kinuha ko Ang silya at nakapangalumbabang umupo Ako sa tabi ng bintana.Kalahating mata pa din akong nakapikit..

Antok pa Ako,gusto ko pang matulog,napipigilan lang ng sakit NG ulo ko.

Agaw tulog na Ako ng may marinig akong mahinang tipa ng gitara at malamyos na boses.Ang sarap sa tenga.Parang anghel na kumakanta.
Di ko mapigilang mapangiti.Parang hinihele ako at may pumipisil sa puso ko sa boses na Yun.

Ayokong dumilat.Baka Kasi panaginip lang Pala at biglang mawala kapag dumilat Ako.

Ngunit mahinay na bumukas ang mga
mata ko at halos mapigil ko Ang hinga ko nang makita ko Ang angel na kumakanta sa katapat ng bintana ko!

Dug,dug,dug,dugg,dugg....

Literal na sandali akong natigilan at nakatanga lang sa kanya!Parang tumahimik Ang paligid.Malakas na tibok lang ng puso ko Ang naririnig ko at Ang malamyos na tinig nya!

Pakiramdam ko biglang nanginit Ang pisngi at mga Tenga ko.

Bakit ganito Ang nararamdaman ko?!
Para akong biglang tinamaan ng kidlat!
Parang may biglang humawak at pumisil sa puso ko!
Gusto kong ngumiti,
Gusto kong sumigaw sa saya at sa kakaibang nararamdaman ko ngayon.
Gusto ko syang abutin at hawakan!
B-bakit,parang gusto kong umiyak..??

Wait,whattt?umiyak?why?!

I dunno!
Sa mga Oras na 'to,
Sabay-sabay ung mga nararamdaman ko!Di ko ma-explain!

Luh!parang ewan e!

Muka akong Ewan talaga!
Literal na tulaley!!

Hala!!
Anu tong pakiramdam na toooo?!!

Nahigit ko Ang paghinga ko ng makita ko ang "Anghel" ko na tumayo at ibinaba Ang hawak na gitara.

Tuluyan na syang nawala sa paningin ko.

Saka lang Ako huminga ng malalim na Di ko alam na kanina ko pa pala pinipigilan.

Biglang sumilay Ang ngiti sa mga labi ko,sabay sapo ko sa dibdib ko.
Gang Ngayon,Di pa din normal Ang pagtibok ng puso ko..

Haayy,kakaiba!
Kakaiba Yung pakiramdam na Yun ahh!
May ganun pala?!
Gulat ako dun ah!
Hala,kupido,asa paligid lang ba Kita?!

Tsk!Bullseye ah!
May lightning strike na naganap!
Hahahah!kinilig Ako dun ah!

Nang tuluyang mahismasmasan at magising Ang diwa ko,Saka ko naisipan nang tuluyang bumaba na..kumuha muna Ako ng damit,maliligo Ako para mawala ang hangover ko.

Habang bumababa sa hagdan,nakita ko si Mama na naglilinis sa sala.

"Ma,may babae sa bintana nila tita Lucille akong nakita."Sabi ko Kay mama.

"Ah,baka yun na yung inaanak ni Lucille na kinukwento nya saken.Anak ng kaibigan nya.Inalok nga daw nya na dito tumira sa kanya at pag-aaralin daw nya ng koliheyo."
Lingon nya naman sa akin..

"Matalino daw Kaya gusto nyang papag-aralin.Mukang Di yata kayang pag-aralin ng mga magulang."dagdag pa nya.

Napatango naman Ako.
Di mapigilan Ang sayang naramdaman ko sa puso ko sa kaalamang lagi ko syang makikita.

HANGGANG...(Leonard & Leigh Anne )Book 1Onde as histórias ganham vida. Descobre agora