Part 8

7 0 0
                                    

Leigh's POV

Nang nasa Robinson Galleria na kami,
Agad ipinark ni Mario Ang kotse nya.

"Tara,Leigh,asa National bookstore si Liz,may bibilhin daw syang libro."
Baling nya saken.Kinuha nya Ang kamay ko at sabay na kaming naglakad.

Nang malapit na kami sa bookstore,nag ring Ang cp ko.

Sininyasan ko si Mario na Mauna na,sasagutin ko lang ang tawag.

"O,Ashley,"

"San ka na?What time uwi mo?"

"Robinson Galleria.Di ko alam Kung Anong Oras Ako ihahatid nila Ayo.Bakit?"

"Pupunta Kasi kami mayang nine ng Gabi sa Bahay nila Lander.Birthday ng Mommy nya,tuloy tambay na din kami.Gusto Sana kitang isama."

Napapikit at napasimangot naman ako sa Plano nya.

"Pass Ako Ashley.Im sorry,pero hindi ko naman mga kakilala yang mga friends mo."

"Kaya nga isasama Kita para mas makilala mo pa Sila.And besides,gusto ka nila.Gusto nilang mas makilala ka pa nila."pamimilit pa nito.

Pusa naman oh!

"Di Ako sigurado Ashley.Ayokong umoo Ngayon.Malalaman mamaya.
Sige na,intay na ako nila Mario."pagtatapos ko sa usap namin

"Oyy,ah,sasama ka!"pangungulit pa nito.

Ini-off ko na Ang end button ng call nya.

Naiinis Ako sa gusto nyang mangyari.
I mean,hello,circle of friends nya yun.Ayoko Yung parang excess baggage Ako na kelangang ipagdukdukan para maging "in" sa grupo nila.

Awkward na Yung pakiramdam ko kanina sa KFC,gusto nya ulitin na naman mamaya!

Alam mo Yung pakiramdam na Ikaw lang Yung mukang alien sa grupo,?
Yung lahat sila nagtatawanan at nagkaka intindihan samantalang Ako parang mukang Ewan sa isang tabi!

Kainis!grrr!

Bahala ka sa Buhay mo Ashley!
Di Ako sasama!!

Gigil na bulong ko sa sarili ko at lumakad na papuntang bookstore.

"O,bakit parang naghahamon ng away yang mukha mo?!"salubong sa akin ni Liz.Kasunod nya si Ayo na may dalang ilang libro sa kamay.

"Wala.Tapos ka na ba?"malamig na sagot ko sa kanya.

"Oo,babayaran ko na sa counter."sulyap nya pa sa akin.

"Why?any problem Bok?"dagdag pa ni Liz sabay Akbay sa akin.

"Inis lang Ako Kay Ashley.Pinilit nya na nga ako kaninang kumain sa KFC,kasama ung mga friends nya,Ngayon naman,kinukulit nya akong sumama mamaya sa birthday NG nanay NG kaibigan nya.Ano namang kinalaman ko dun,ni Hindi ko nga Kilala Yung kaibigan nya,Yung nanay pa Kaya nun?!"asar na Sabi ko.

Natawa naman si Ayo.

"Problema nga sayo Yan Bok,Kilala Kita e,."napapailing na Sabi ni Liz..

"San ba lakad natin pagtapos mo dito sa bookstore?"lingon Kong Sabi Kay Liz.

"Gusto mo bang manuod ng sine?"
Alanganing tanong nito sakin.

"Ayoko."tipid na sagot ko at nilingon si Ayo.

"Tara sa apartment mo,gusto Kong matulog."humihikab na Sabi ko Kay Ayo.

"Sige,dun na lang Tayo tumambay.
Bili na lang Tayo NG makakain."susog na sagot ni Liz.

Tumango ako at sumunod na lang sa kanila.

Lumapit naman Sakin si Ayo.

"Okay ka lang ba?"bulong nya sakin.

HANGGANG...(Leonard & Leigh Anne )Book 1Where stories live. Discover now