Chapter 10

132 11 7
                                    

Chapter 10

Twisted Fate

*****

Kaye's POV

Nanlamig bigla ang aking katawan at mas lalong nanlambot ang aking mga paa. Hindi na ako makatayo halos dahil sa sobrang pagnginig nito.

Naalala ko kasi 'yung mga lalaking muntik na akong patayin. Kahit naka-mask 'yung mga lalaking nakatambay noon, ramdam kong sila 'yun! 'Yung guard ni James 'yung nagtangkang patayin ako!

" B-bakit Kaye!? " nag-aalalang tanong ni James sabay takbo niya sa akin at hinawakan ako " Kaye, 'yung paa mo... "

Napatingin naman agad ako sa paa ko. Sobrang nanginginig! Matutumba na nga ata ako kung hindi ako hawak ni James. Dahil doon, napayakap ako sa kanya.

Ang init ng katawan niya. Parang pinapa-relax ako ng init na 'to. 'Yung amoy niya? Grabe! Ang bango bango niya as in! Kung pagtatabihin nga kami, ako pa ata 'yung mukhang hindi na naliligo.

" J-james.. " nangangatog kong itinuro 'yung guard na nakapaligid sa kanya.

" S-sila 'yun! S-sila 'yung sumaksak sa akin! "

Kung si Boy ang nakarinig ng daing ko, siguro galit na galit na siya ngayon. Pero si James, wala kahit isang guhit ng gulat sa kanyang mukha. Para bang wala siyang pakialam sa mga sinabi ko.

" J-James? " Natanong ko na lang ng biglaan kasi kahit anong sabihin ko sa kanya, ayaw niya pa rin maniwala.

Biglang nagbago 'yung naamoy kong pabango. Lalong tumapang na naging dahilan upang mawalan ako ng malay.

*****

Imimulat ko ang aking mga mata at nagsimulang tumayo mula sa pgakakahiga ko sa kama nilang sobrang lambot.

Nagmamadali kong inayos ang gamit ko na nakalagay lang sa may tabi ko. Hindi ko na tatanungin kay James kung ano ang nagyari. Tutal naman hindi niya ako pakikinggan.

Pati hindi rin mapanatag ang sarili ko habang alam ko na nasa paligid ko lang 'yung mga taong nagtangkang pumatay sa akin.

Nagmamadaling palakad-takbo akong lumapit papunta sa may pinto nitong kwarto. Inikot ko 'yung doorknob at unting unting binuksan.

Sumilip ako ng mabilis sa labas. Walang tao. Lumabas na ako sa may kwarto at pa-tip toe akong naglakad papalayo sa bahay nila James--Oo nga pala! May guard sila... Bahala na! Kaya ko malampasan 'yun.

Tss.. Nakaka-turnoff tuloy si James. Hindi ko akalain na kasama niya lang pala 'yung mga taong nagtangkang pumatay sa akin. Pati kung concern siya sa akin, matagal na niyang ipinakulong 'yang mga taong 'yan.

Ano ba naman 'tong pinag-iisip ko!? Masyado na akong paranoid sa nangyayari. Ang bilis naman kasi ng pangyayari.

Pwede naman kasi sigurong hindi rin alam ni James na sila 'yung mga taong 'yun. Sabagay, sino ba naman ang makakakilala sa mga taong naka-facemask? Depende na lang kung ikaw si Madam Auring.

Pati kung kilala ni James 'yun, hindi na sana ako naglalakad ngayon. Siguro hindi lang hilo ang aabutin ko ngayon, matagal na akong pinaglalamayan nila Boy.

Siguro nga, haka haka ko lang 'yun. Pero siyempre, kailangan ko na ring umalis dito. Delikado na. Sa susunod ko na lang sasabihan si James, ng masinsinan. Para matanggal niya na sa trabaho 'yung dalawa.

Nakailang ikot na ako dito sa bahay nila James pero hindi ko pa rin alam kung saan 'yung pinto papalabas. Buti na lang at hindi ko pa rin sila nadadaanan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon