Chapter 5

333 34 28
                                    

Chapter 5

Cottonbuds, Hotdog and Cashmire

*****

Kaye's POV

" Aray! " May bumato kasi sa akin ng isang crampled paper. Tinignan ko kung sino yung nambato sa akin.. Nakatingin ang masama sa akin ang isang magandang babae, na may sobrang puti na balat. Itinuturo niya yung papel na parang gusto niya ipabasa sa akin yun.

Binuksan ko yung papel at may nakasulat nga dito..

Cashmire Montenegro. Tandaan mong mabuti yang pangalan na yan. Kasi yang taong na yan ang magpapahirap sa buhay mo!

Cashmire Montenegro. Siya nga pala yung die-hard fan ni James. Literal na die-hard yang babaeng yan, siya yung tipong papatay para lang kay James.

Siguro nagalit to sa akin dahil sa ginawa ni James kanina. Pero sorry siya, pinili ako ng Papa James ko kaysa sa kanya. Kahit anong gawin niya, sa akin parin ang huling halakhak! Muwahahahaha!

Si Cashmire din pala yung SALOT-utorian namin dito sa room. Katulad ni James, all in one package din tong babae na to.

Magaling rin siya magbalat kayo, halata naman 'di ba? Kala mong napakabait chu chu.. Kilala kasi siya bilang isang kagalang-galangang estudyante ng paaralang ito. Kapag kausap ng ibang teacher at co-students ko, ay kala mong hindi makabasag-pinggan kuno ang babaeng ito. Pero lalabas ang kamalditahan niyan sa mga taong may koneksyon kay James.

Yeah.. At nasample-an ako ng kamalditahan niya. Nung nalaman niya kasi na umaaligid-aligid si James sa akin noong nakaraang araw.. Lagi na niya akong sinusundan at kapag wala na si James.. Lalabas na ang demonyita!

Tanda ko pa noon..

" ANO BA YAN! TUMINGIN KA NAMAN SA DINADANAN MO " sabay kuha niya ng bote na ngayon ay wala ng laman.

" Sorry!! Sorry!! " Kahit hindi ko naman talaga kasalanan.. Nag-sorry na lang ako para walang gulo.. Pinagtitinginan na kasi ako ng masama ng ibang tao dito sa canteen. Kala mong ako pa yung masama.

Nabunggo ko kasi siya ng hindi sinasadya.. Alam ko kasing lumiko na ako noong nakita ko siya, pero halata namang humarang siya sa dinadanan ko.. At sinadya na ibuhos sa akin yung bote niyang may tubig..

Mukhang imposible 'di ba? Pero hindi ko rin alam ang ginawa ng babaeng to eh! Binunggo ko siya at ibinuhos talaga sa katawan ko yung tubig. Para siguro, ang kakalabasan ng nangyari ay kasalanan ko. Galing no? Diyan kasi siya magaling..

Nakangisi lang siyang dumaretso papunta doon sa mga kaibigan niyang nagtatawanan..

Umalis na lang agad ako sa canteen kasi hindi ko na kaya yung kahihiyan na ginawa niya.

Sinabi niya sa papel na papahirapan niya yung buhay ko.. Hindi pa ba pahirap ang tawag nya doon? Halos nag-tiis ako na hindi pumunta sa canteen dahil sa ginawa niya. Nagbaon na nga ako araw araw para lang doon. Tapos hindi pa pahirap ang tawag niya doon!? Yung totoo? Tao pa ba tong babae na to!?

*****

Brian's POV

Papunta ako ngayon sa may secret place namin na nasa pinakamataas na floor dito sa building. As usual, kakain kami ng sabay ni Girl.

Pero kahit parang normal o natural pa rin ang mga ginagawa niya.. Napansin kong may mga pagbabago sa kanya nitong nakaraang araw. Lagi na kasi siyang tulala. Pati kung nag d-day dream siya, bakit siya nasimangot. Siguro may nangyari ata sa kanya..

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon