Chapter 2

418 41 20
                                    

Chapter 2

Secret

*****

Kaye's POV

Pagkadating ko sa pintuan, nandoon si Boy, nakatayo. Hinihintay ako..

" Girl, umupo ka muna diyan. Wala pa siya eh. " Sabay punta niya doon sa may upuan at inalok akong umupo.

Mga ilang segundo ang nakalipas, nakita kong pumunta sa amin si James...

Tumayo si Boy at lumapit kay James.

" Kaye, ito nga pala si James.. Kaibigan ko. " pagpapakilala ni Boy. Wait! Let me process my brain, ang gulo na kasi. Bakit niya kilala si James. Siya ba yung ipapakilala niya sa akin!?

" Oh hi Kaye! What a small world " nakangiti na sabi ni James. And again, mapapangiti ka talaga sa kanya dahil doon sa pisngi niyang mapula at may dimples.

" Ahh... Ehh.. Y-yeah! " Na-aalala ko yung nangyari sa amin kahapon. Nilalamig nanaman yung mga kamay ko. Kinakabahan ako! Ito yung pakiramdam kapag nasa harapan ako ng madaming tao. Nauutal at namamawis.

Tinignan ni Boy si James at tumingin rin sa akin. Nginitian niya ako. Kaya napatingin tuloy ako sa ibaba.

" A-ano nanaman ha!? " saway ko. Feeling ko kasi, may malalim na ibig sabihin yung ngiti niyang ganyan. Parang bang... pinag-iisipan niya ako na may gagawing masama.

" W-wala naman. " sabay humarap ulit kay James at hinawakan yung isang balikat. " Salamat ha James! Kung wala ka doon, baka may nangyari ng masama kay Girl. "

Laging ganyan si Boy. Baby na bay ang turing sa akin. Lagi niya naman ako hinahatid sa bahay, kaso nga lang... Nung araw na 'yun ay may sadya talagang humadlang para magkakilala kami ni Papa James ko.

" Ok lang yun, basta para sa isang magandang katulad niya. " Panglalandi niya sa akin.

M-maganda!? A-ako? Oh my... oh my... Namumula na yung buo kong katawan sa sobrang kilig. Hindi ko na to kakayanin.

Brian's POV

Isang magandang katulad niya? Nenang mo! Hindi ko alam, pero may naramdaman akong inis sa kanya, kapag nakikita kong nakikipaglandian siya kay Girl.

Nakita kong namula si Girl nung narinig niyang maganda raw siya. Kaya tinignan ko si James at binatukan ko ng malakas. Ewan, hindi ko rin talaga alam kung bakit ko 'yun nagawa. Bigla na lang kasi gumalaw ng kusa yung kamay ko.

" Aray naman! Bakit mo naman ako binatukan! " Mukhang napalakas ata! Ang sama ng tingin niya sa akin eh.

" Sorry James! Hindi ko kasi napigilan, ang corny mo kasi! " biro ko. Sus, wag kang ganyan. Kabago bago mo pa lang nakilala si Girl. Samantalang ako, matagal na kaming magkakilala niyan.

" Yun lang ba ang dahilan Boy? " sabay tayo niya at lumapit sa akin. " Nag- J-jelly ka eh! " nakangiting sabi ni Girl habang tinutusok ako ng siko niya sa may tiyan.

" A-ako? Mag s-selos? H-hindi ah! " Oo. Nagseselos ako! Sa dami dami ng ginawa ko sa kanya, hindi man niya bigyang halaga ang ginagawa ko. Pero, yang si James, isang sinpleng pagligtas lang sa kanya... Ay ewan!

Tumingin ako kunyari sa relo ko at nag ayos na ng gamit.

" S-sige alis na ako! Baka makagulo pa ako sa inyo. Bye! " sabay takbo ko ng mabilis papalayo sa kanila.

Ipinakilala ko si James sa kanya para makita kong masaya siya. Pero, hindi ko akalain na ganito ang mararamdaman ko kapag nakita ko sila magkasama.

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon