Chapter 9

140 15 4
                                    

Chapter 9

Secret - 2

*****

Kaye's POV

" Girl.. Salamat. " Nakangiting pahayag ni Boy.

Nginitian ko lang siya kasi masaya na rin ako sa nangyari. Kahit paano, nalinaw na rin kahit sa ibang tao man lang na walang kasalanan si Boy.

Ibinaling ko ang aking tingin kay Alex. Pasulyap sulyap siya kay Boy. Mukhang hinihintay niya ata na purihin at pasalamatan siya ni Boy.

Sabagay, kung ako rin naman ang gagawa ng mabuti para sa crush ko... Ay dapat lang! Dapat lang na pasalamatan niya ako! Syempre, mas masaya kung magpapasalamat siya with matching hug and kisses. Yay!

Tinignan ko lang si Boy kung magre-react siya sa ginawa ni Alex...

Lumipas ang ilang segundo, wala pa rin siyang kaalam alam sa dapat niyang gawin. Kaya siguro umalis na lang si Alex ng nakasimangot.

Kung ako kay Alex, ipapamukha ko talaga kay Boy na napakalaki ng ginawa ko para sa kanya kaya dapat lang na pasalamatan niya ako.

Kung hindi niya pa rin ako papasalamatan... Aba'y ibang usapan na 'yan. Pwede na 'yan madaan sa marahas na paraan tulad ng pagsipa mo sa kanyang holy grail. Well he deserved it kung gano'n man ang nangyari.

" Anong nangyari dun? " pa-inosenteng tanong niya.

Tss.. Parang gusto ko tuloy sipain 'yang holy grail mo ngayon.. Letse! Napaka-manhid mo Boy! Para kang bato!

Sinamaan ko siya ng tingin para malaman niyang ayaw ko sa mga manhid. Tss.. Pinapakita't pinaparamdam mo na nga sa kanila na mahal mo sila, pero ano? Nga nga! Wa epek 'yung ginawa mo para sa kanilang pusong bato!

" Nakalimutan mo lang naman siya.. Habulin mo at magpasalamat ka! "

Kainis lang talaga ang mga katulad mong tao, Boy. Naku nako... Kung hindi lang kita bestfriend, matagal na kitang pinatay.

" Ha? " Awtomatiko naman n'yang sagot sabay habol kay Alex.

Hala, sige! Habulin mong bato ka!

*****

Pagkalabas ni Boy, ay lumabas na rin ako. Sinundan ko siya ng pasimple para malaman ko kung ano ang mangyayari.

Nagsuot pa ako ng ninja costume ko with matching albularyo headress para lang sa mga ganitong bagay. Syempre, joke lang 'yun! Hindi ako tanga para gawin 'yun. Pero sabagay, mukhang masaya naman ata gawin 'yun... Magawa kaya minsan.

Nakita kong maayos naman silang nag-uusap. Sa tingin ko naman maganda ang patutunguhan ng usapang 'yon, kaya umalis na lang ako at naglakad papunta sa room.

Good thing, mukhang wala na si Sir. So pwede na rin ako umuwi, last subject na kasi namin si Sir

Kukuhanin ko na sana 'yung bag ko, pero napansin kong may naiwang notebook doon sa upuan ni James. Kinuha ko 'to at tinangka kong buksan.

" Ts.. Hindi sa'yo 'yan Kaye kaya 'wag na 'wag mong bubuksan 'yan. " sabi ng mabait kong konsensya.

" Si James 'yan Kaye! Baka may malaman kang alam mo na... Malay mo, may plano s'yang i-suprise ka! " Sabi ng isa ko pang konsensya.

Ano kaya ang gagawin ko dito? Uhm... Tignan ko na lang kaya! Wala naman si James eh. Pati kasalanan n'ya 'yan! Silip lang naman ang gagawin ko. Hihi..

Lumingon lingon ako sa paligid ng room namin. Walang ka-tao tao. Kaya safe na safe ko ng tignan 'to.

Ibinuklat ko 'yung isang pahina no'ng notebook, nakita kong may equation lang ng math. Ok... Mukhang wala naman akong mapapala dito eh.

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon