Chapter 7

166 20 2
                                    

Chapter 7

Suspension or not?

*****

Brian's POV

Calling Brian Fuentes. Kindly proceed to my office. Thats all.. Thank you.

Ng marinig ko ang mga salitang iyon, nakaramdam ako ng kaba at takot. Biglang namawis ang aking mga palad.

Bakit ka kinakabahan Brian? Wala ka namang ginawang masama 'di ba? Ipinagtanggol mo lang naman ang bestfriend mo, kaya wala ka dapat ikatakot. Tama! 'Wag kang kabahan..

Tumayo ako sa pinag-uupuan ko. Tinignan ko lang si Sir sa mata. Tumango lang siya at nagpatuloy sa pagsusulat sa blackboard.

" Pwede ba akong sumama Boy? " nag-aalalang tanong ni Girl. Sa sobrang pag-aalala niya, makikita mo sa kanyang mga mata na pwede na siyang umiiyak.

Naawa tuloy ako sa kanya. Na kung tutuusin, ako dapat talaga 'yung kaawaan. Ay ewan! 'Di bale na!

Umiling lang ako at ngumiti sa kanya bago lumabas ng room. Sorry Girl.. Para sa kapakanan mo rin 'to. Mas pipiliin ko pang mapag-isahan nila ako kaysa masama ka pa sa pwedeng mangyari.

Habang papalapit ako sa Principal's room, naramdaman ko nanaman 'tong kaba na 'to. Pero iba na 'to.. Pakiramdam ko, kahit anong mangyari sa akin dito sa room na 'to ay ok lang. Masaya akong hindi ko kasama si Girl.

3rd Person's POV

Habang unting unting binubuksan ni Brian 'yung pinto ng office.. Naa-aninagan niyang mukhang galit na galit ata 'yung Principal. At syempre, nakita niya rin na nakangisi sila Cashmire pati 'yung mga kaibigan niya. As you can see, nauna nang pumunta sila Cashmire sa office.

Samantala, nabuo na rin ang isip ni Kaye. Tumayo na rin siya at nagpaalam..

" Sir, may I go out? "

Tumango lang 'yung teacher nila at nagpatuloy ulit sa pagsusulat sa blackboard.

Mga ilang segundo lamang pagkalabas ni Kaye, nagpasya na rin si Alex na sumunod. Kahit kinakabahan, tumayo rin siya at nagpaalam.

" S-sir, may I go out? "

Sa ngayon, medyo nagulat 'yung mga kaklase nila dahil sa biglaan niyang pagtayo at pagsalita.

And again, tumango ulit 'yung cool na cool nilang teacher. Iniisip niyang kung bakit naging sunud sunod naman ata ang pag-alis ng mga kanyang estudyante. Pero hindi na rin niya pinahirapan ang sarili at nagpatuloy ulit sa pagsulat sa blackboard.

Nagdadalawang isip na naglalakad si Alex papuntang Principal's Office. Kahit paano kasi, alam niya kung anong nangyari sa loob ng video na kumalat.

Pagkatapos kasi mag-usap nila ni Brian. Nagmamadali siyang pumunta sa C.R. para mailabas ang ihi. Kilig na kilig na kasi siya habang kausap si Brian.

Pero dahil walang kapaki-pakialam 'yung mga tao sa C.R, hindi na lang siya pinansin. Lalo na't hindi siya gumawa ng kahit anong tunog o ingay pagkapasok niya dito. Para nga siyang multo lang napadaan nung mga oras na 'yun.

" So ano 'tong kumakalat na video sa internet? Ba't nandito kayo!? " Sabay pakita ng Principal nung video kay Brian.

Nilunok muna ni Brian ang kanyang laway bago magsalita.. Hanggang ngayon kasi, kahit alam niyang wala si Kaye.. Kinakabahan pa rin siya sa nangyayari..

" S-sir, maniwala man po kayo o hindi.. W-wala po akong kasalanan. "

" 'Wag mo nga akong gawing tanga! Sa tagal ko ng naging guro dito sa paaralang ito, ngayong principal na ako.. Hinding hindi mo ako maloloko! Ts.. Sino ba namang kriminal ang aamin sa sarili niyang kasalanan? "

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon