Chapter>11

57 0 0
                                    

“Ed! Can you please explain what the fuck happened?”, nagpupumilit at nagmamakaawang tanong ni Jena.

Yown! Nakuha mo. The FUCK had happen.

Nagpatuloy ako sa paghakbang. Pilit kong inaangat ang mga paa ko. Pero mistulang ayaw pa nitong umalis at gustong makipagpaliwanagan kay Jena.

“Ed! Please! Sabihin mo naman oh!”, umiiyak na din si Jena.

Haha! Ayaw niya pa din ako mawala. Pero siya na din ang gumawa ng paraan para hindi ako manatili sa kanya.

Tumingin ako sa likod. Nakatitig lang sa akin si Jack. Inosenteng titig. Bumalik ako ng loob. Sinubukan akong yakapin muli ni Jena. Pero sinalubong ko siya ng pasimpleng sampal. Mahina lang.

Pero ramdam iyon ni Jena. Iyon ang kaisa-isang beses na sinaktan ko siya. Sa siyam na buwan naming magkasama, ako pa nga ang nagmumukhang battered husband. Hindi ko maatim na saktan siya. Dahil ayon sa paniniwala ko, hindi kinuha ng Diyos sa tadyang ng lalaki ang babae upang gawin lang na punching bag. Hindi upang gawin exercising machine o taong gulong. Ginawa sila upang makasama ng lalaki. Upang mahalin at arugain ng lalaki. Upang ipagtanggol ng lalaki sa kung sino mang magtatangka dito. Upang magkasamang palawakin ang paraiso at pamahalaan ang mga hayop at halaman. Upang gawing asawa’t gumawa ng masayang pamilya. Ginawa ang BABAE upang

-Bunuin ng magkasama ang mga problema ng buhay.

-Alagaan at protektahan ang isa’t isa.

-Bahagian ang bawat isa sa mga natatamong biyaya.

-Alamin at intindihin ang nararamdaman ng bawat isa

-Ehemplo ng kariktan at kagandahan ng mga nilalang ng Diyos.

Kung alam lang sana ito ng bawat tao sa mundo, wala na sigurong tatandang hindi nakakakilala sa kanyang magulang.

At para kay Jack, buong lakas kong ibinuhos ang galit ko sa mundo. Maging ang galit ko sa mga Abu Sayyaff at China, dinamay ko na. Dugo ang ilong ng gago. Tumba siya sa sariling balanse at gulat sa aking ginawa.

Dahan-dahan akong bumalik ng pinto. At sa huling pagkakataon, tumingin ako sa kanilang dalawa. Si Jena, umiiyak pa rin. Si Jack, gulat pa din.

Nakasalubong ko si Aling Marie sa aking paglabas sa gate.

“Teka Ed. Anong nangyari....”

Ngunit bago matapos ang tanong niya ay nakalabas na ako ng gate. Ayokong mag share sa mga panahong ito. Kailangan ko munang mag-isip.

Ang mga asong dati’y kumakahol sa akin, waring umamo at gustong magtanong kung anong nangyari. Nakatitig lang din ang mga hayop at dahan-dahang sinusundan ako ng tingin. Wala sa dati nilang routine ng pagtahol.  Papalabas ako ng subdivision nila ng maisipan ko umupo.

Nilapitan ako ni Buknoy, ang labrador na kumagat at nagpabago ng buhay ko. Tumabi siya sa akin. Tuloy pa din ang pag-iyak ko nang madatnan niya ako. Napangiti ako.

Inakbayan ko siya na waring tropa ko. Kinuha ko ang baon kong tinapay at pinakain ko siya.

“Buknoy, siguro huling punta ko na ‘to. Kaya kung gusto mo akong kagatin, gawin mo na. Baka sakaling magbago ulit ang buhay ko at makalimutan ko ang subdibisyong ito.”

Dinilaan niya ang pisngi ko at bahagya akong nakiliti.

Matapos niyang kumain, humimlay at nahiga siya sa harap ko. Hinimas-himas ko ang likod niya.

Siguro nga, di pa natin kilalang lubusan ang mga tao sa paligid natin. Hindi pa natin alam kung paano sila umutot, tumae, umihi, maghugas ng pwet, maligo, mangulangot o suminga ng sipon. Hindi pa kilala ng tao ang ginagalawan nito. Lalong hindi pa kilala ng tao ang isa’t isa. Araw-araw silang nanghuhula sa kung anong gagawin ng mga nasa paligid nila. Maaaring kumuha ang isang tao ng payong at tusukin sa tumbong ang kasama niya.

Maaaring kumuha ng barbecue stick ang ama at itusok ito sa mata ng anak niya. Pwedeng kumuha ng tyani ang lola at dukutin ang dila ng apo niya. Maaari ring ipasagasa ng isang ina ang sanggol niya sa LRT. Siguro’y magagawa ng kalabaw na suwagin sa tiyan ang amo niya. Siguro’y mapagtatanto ng mga aso sa dog show na inaalipin sila at ngatngatin ang ilong ng mga amo nila. Siguro’y magrerebelde ang mga manok sa poultry farm at tutukain ang utong ng amo nila. Pwedeng maghimagsik ang mga langaw sa mga tao at  pumasok ang mga ito sa iba’t ibang butas sa katawan at salakayin ang iba’t ibang laman loob ng mga tao. Maaaring magkaroon ng sariling utak ang mga robot at magkaroon ng robot invasion sa buong mundo. Syempre, ligtas ang Pilipinas. Wala namang matitinong robot ang bansa. Kung maghimagsik ang mga ito, palyado itong sasalakay. At kung meron man, bilang sa daliri ng centipede.  

O baka itong si Buknoy, kagatin ang paa ko at magtawag ng resbak at pagpyestahan ang kidney, pancreas, liver, heart, lungs, bladder at testes ko.

Napatingin sa akin si Buknoy. Bigla akong kinabahan. Kahit malayong mangyari, baka magkatotoo ang mga iniisip ko.

Hinimas ko ang ulo ni Buknoy at pinabalik ko sa pagkakahiga. Sumunod naman ang aso. Hay salamat. Iniwan ko si Buknoy sa mahimbing na pagkakatulog at umuwi ako sa amin. Kailangang gawin kung anong dapat gawin. At kailangang iwasan kung anong dapat iwasan.

Siguro nga, may mga taong sadyang sandali lang ang role sa pelikula mo. Ngunit kahit simpleng paglakad o pagdaan sa set ay may napakaimportanteng dahilan. At may malaking epekto. Magpasalamat na lamang tayo at kahit papano’y nagkakamayan kayo at nagkakilala ng sandali.  Nagka-apir at nagka-ututang dila kahit sa maikling panahon. Naging kabungguang-balikat at kapalitang kuro-kuro ng sandali.

Nakalipas na at kailangang mag move on. Mahirap man, pero hindi imposible. Ayon nga kay Einstein,”To keep in balance is to keep moving forward”.

Hindi tayo pwedeng lumakad ng patalikod. Kailangang harapin natin kung ano mang hangin o delubyong sasalubong sa atin. Hindi tayo pwedeng magpaapekto sa mga ibang bagay dahil lamang sa galing sila sa nakaraan. Kung anong araw ngayon, yun ang araw na kailangan nating pakisamahan at pakibagayan. At kung anong araw kahapon, yun ang araw na wag natin kalimutan bagkus kunin ang aral dito upang gamitin sa kung anong araw bukas, ang araw na kailangan nating paghandaan at pwedeng baguhin kung ating gugustuhin.  Hindi nakatakda ang buhay ng tao. Base ang hinaharap niya sa kung anong ginawa niya sa nakaraaan at kung ginagawa niya sa kasalukuyan. This is my time. Today my life begins.  

.

 --------THE END--------------

One Day, Isang ArawWhere stories live. Discover now