Chapter>9

66 0 0
                                    

Magarbo na naman ang hagdan nila Jena. Imported daw ito, sabi niya. Pero sabi ko, “Hindi naman lahat ng imported, pang-mayaman”.

‘Yung kahoy na ginamit sa paggawa ng bahay namin, galing din ibang bansa. Mga inanod lang sa karagatan. Marahil ay galing daw ito sa China o ibang bansang nakapalibot sa Pilipinas. Imported pa rin, wala nga lang bayad. Walang papeles. Walang kontrata. Smuggled? Baka. Pero wala namang batas na nagsasabing bawal mamulot ng basura ng ibang bansa. Sa maraming pagkakataon, sa paraang hindi natin napapansin, namumulot tayo ng basura ng ibang bansa.

Maganda si Jena. Maputi. Matangos ang ilong. Mapupungay at nangungusap ang mga mata. Mahaba ang kumikinang na buhok. Wala nang hahanapin pa. Nag rereflect sa hitsura niya ang ganda ng kanyang pagkakagawa.

Akma na akong papasok nang may marinig akong boses. Pamilyar. Paborito kong boses. Boses ni Jena.

“Wait there. I’ll take a shower”

Anong shower? Bakit may shower? Sino kausap? Ano ang kausap? Bakit kausap? Anong gagawin nila? O anong ginagawa nila? O anong ginawa nila?

Bigla akong napaisip sa gitna ng mga pangyayari. May naalala akong nasabi ni Aling Marie na kasamang kaklase ni Jena. Gagawa daw ng assignment.

Kailangan ba mag shower kapag gagawa ng assignment? Kailangan di mag-amoy utot sa harap ng notebook at kapag hawak ang ballpen? Kailangan fresh kapag magsasagot ng mga tanong? Bakit?

Upang malaman ko ang nangyayari, agad akong pumasok. Sa kabilang kwarto. Magkatabi ang banyo ng kwartong ito sa banyo sa kwarto ni Jena. May bahagya itong butas sa may bandang itaas na papasukin ko para makalapag sa banyo niya. Nagdasal muna ako bago gawin ito. Sana wag mapagkamalang natapong bulalo ang mga buto ko at mapagkamalang parte ng goto ang utak ko kapag nagkamali ako ng tapak dito. Sana’y wag din gamitin ang dugo’t lamanloob ko bilang panggawa ng dinuguan. Maraming naninirahang lason sa mga ito kaya’t pinapayuhan ko ang lahat na mag-ingat. Hindi nawawala ang lason kahit isang dekada mong pakuluan ang mga ito. Sadyang nasa katawan ko na ito. It’s in my blood, ika nga. Congenital. Since I was born. I was born this way.

Tumungtong ako sa toilet bowl hanggang sa maakyat ko ang lagusan patungong kabilang kwarto. Nang biglang may narinig akong boses.

“I’m near done na. Wait wait lang dyan.”

Boses na naman ni Jena. Dahil dito, lumakas ang pagnanasa kong maki tsismis sa mga nangyayari.

Nakalipat na ako sa ibang banyo. Sa banyo na ni Jena.

Sa di-inaasahang pagkakataon, nadulas ang paa ko sa kanina ko pang tinutungtungan. Agad sumunod ang kalabog.

Nagulat si Jena.

“What’s in there?”

Sa di-inaasahang pagkakataon, nakaharap ko ang pusa nila.

Agad akong sumigaw ng “Meow!” para magkunwaring pusa ang may kagagawan ng kalabog at mapagtakpan ko ang katangahan ko.

Mukhang galit ang pusa sa akin. Akmang ikakalmot na niya ang mga matatalas niyang kuko sa baku-bako kong mukha nang tawagin siya ng amo niya.

“Stacey!”, boses ni Jena.

Agad lumabas ang putanginang pusa. Naiwan ako na muntik nang sumabog ang puso sa kaba. Hingal-kabayo ang dinatnan ko matapos ang mabilis na pangyayari.

Bahagyang nakabukas ang pinto dahilan sa paglabas ng walanghiyang pusa. Konting siwang sa pinto ang nagsilbing pamboso ko sa mga nangyayari.

Lumabas si Jena suot suot ang tapis ng kagandahan dala ang amoy ng karikitan. Bahagyang basa ang buhok. Sa mabuting pagkakataon, kita ang buong kama mula sa siwang. Inaaninag ko ang taong kausap ni Jena nang magulat ako.

Si Jack. Ang isa-sa-malalapit ngunit plastic kong kaibigan. Isa siya sa mga pinakainiiwasan ko sa aming magbabarkada. Di kapogian. Malakas lang ang self-confidence. Madalas mangarap.

Agad hinubad ni Jena ang tapis. Nabulatlat ang makinis at maputi niyang katawan sa harapan ni Jack. Hinawakan ni Jena ang damit ni Jack at agad itong pinalapit sa kanya. Sabay silang bumagsak sa kama habang magkadikit ang marurumi nilang labi sa isa’t isa. Matagal na halikan ang naganap. Pagkatapos, agad bumaliktad ang pagkakaposisyon nila. Ang kaninang nasa itaas na si Jena, ngayo’y naglipat at napuntang ibaba.

Pinagtatanggal ni Jack ang pagkakabutones ng damit niya. Nalantad ang katawang pang-itaas niya. Bumalik sa paghahalikan ang dalawa. Hawak-hawak at dinadama ni Jena ang simbolo ng kasarian ni Paul habang patuloy sila sa pagpapasahang-laway. Itinataas-baba ni Jena ang pagdama dito kasunod ang pag-ungol ni Jack.

Tumayo si Jack habang nakaharap sa nakaupong si Jena. Inatasan ni Jack si Jena na pagsilbihan siya’t tanggalin ang kasuotang-pangibaba niya. Walang pag-aalinlangang ginawa ito ni Jena sa paghahangad na pagsisilbihan din siya ni Jack maya-maya. Pagkatanggal, agad tinikman ito ni Jena. Sunod-sunod na hinaing ng sarap ang ipinapamalita ni Jack.

Naiiyak ako habang pinapanuod sila. Para akong nanonood ng live bold show, pero hindi ako tinitigasan. Parang youjizz, pero walang paglilibog na nangyayari. Ang matinding init na dati kong nararamdaman ay agad na napalitan ng mariing sakit na tagos hanggang buto. Walang anumang nakakapagpalambot sa akin kapag nakakanood ako ng mga ganito, eto lang hapdi na ito na ngayon ko lang nararamdaman.

‘Yung feeling na nilalapastangan ng kung-sinong lalaki ang kapurihan ng mahal mo. ‘Yung feeling na matagal mong nirespeto’t inalagaan iyan. Tapos ano? Aapihin ng walanghiyang tag-init na lalaking iyan?

Buti sana kung inaapi talaga eh. Atleast, alam kong hindi nagpapabastos si Jena at pinapangalagaan niya ang puri niya. Buti sana kung lumalaban si Jena mula sa mapang-api, atleast doon, malalaman kong ako pa rin ang mahal niya at hindi siya mangangaliwa dahilan lamang sa simpleng putok ng init na ginagawa sa kanya. Buti sana kung hindi payag siya sa mga ito, at agad siyang sisigaw ng tulong. Sa paraang iyon, mala-FPJ akong lalabas sa banyo at kukuha ng ballpen upang maipagtanggol siya. Atleast, may karapatan akong gilitan sa leeg ‘yang lalaking iyan. Hindi pa ako makakasuhan. Buti sana kung hindi niya pinapatira ang sarili niya. Buti sana kung ganoon.

Pero hindi. Payag siya. Payag din si Jack. Ako lang ang hindi payag. Ako lang ang umiiyak ng walang ingay at sumisinghot ng sipon nang hindi nakakabulabog sa ginagawa nila. Ako lang ang nag-iisang nagtitiis manood sa palabas na kahit kailan ay hindi ko naisip na mapapanood ko sa buong buhay ko. Maganda sigurong gawan ng pelikula ang love triangle namin. Ang title?

“Init ng dalawa, Pag-iyak ng Isa” o kaya “Isang putok, Isang himutok” o pwede ring “Dalawang Uri ng Ungol: Sarap At Hirap”. Maaaring “Pagtigas niya, Paglambot ko”.

Siguradong patok ito sa mga parokyano ng bold movies sa Recto. Daig pa nito ang blockbuster movies na gawa ng Star Movies, Regal, Viva, GMA o Sampaguita Films. Trailer pa lang, tiyak na pipilahan ito ng mga tao.  Magiging trending sa twitter ang premier nito at pag-uusapan ang red carpet walk ng mga artistang nagsisiganap.    

One Day, Isang ArawWhere stories live. Discover now