Chapter>4

97 0 0
                                    

Eto ang gusto ko sa LRT. Kahit gaano kainit o kaalinsangan sa labas, solve naman ang pakiramdam mo pagpasok ng tren. Parang absolute zero ang temperature. Ginaw at lamig ang babati sa’yo pagpasok mo. Pero buti na lang, sa dami ng tao, na reregulate ang init at lamig sa loob.

 As the First Law of Thermodynamics says, there will be a continuous transfer of heat from a hotter object to a colder object until it approaches the average temperature of the two(Kita mo nga naman. May natutunan din pala ako sa Physics nung highschool).

Pero kung naiinitan ka pa, pwede ka namang magdala ng pamaypay, electric fan o ceiling fan sa loob. Yun ay kung kapareho mong naiinitan sa loob ang mga katabi mo. Itutok mo sa kili-kili mo para matuyo ang pawis na kanina’y naninirahan dito. O di kaya’y itutok mo sa kili-kili ng katabi mo kung sakaling naaasiwa ka sa agos ng ilog sa leki-leki nya.

Pero kung mistulang nagyeyelo na ang mga katabi mo sa lamig at hindi na makagalaw, huwag mo nang subukang magdala kundi sandamukal na pasa ang babaunin mo paglabas.

Eh kung kulang pa, magsaksak ka ng aircon sa loob at ilagay sa pinakamababang temperatura para magmukhang winter wonderland ang loob ng tren. Hahalo ito sa aircon ng LRT at lalong lalamig sa loob.   Dyahe nga lang sa babayaran mong bill sa sandaling pagsaksak nito. Pero sulit na kasi’y isang sigaw mo lang ng “freeze” sa loob, parang instant wish na matutupad agad ang sinambit mo. At dahil di nakapaghanda ang mga kasama mo sa gagawin mong kagaguhan, gulantang sila sa biglaang pagbagsak ng temperatura.

Wala nang malikot na gagalaw-galaw sa loob. Wala nang mag-aaway. Wala nang mga magsisisigaw ng “Malowang pa sa getna oh!”. Wala ka nang kaagaw sa mga safety handrails. Gawin mo na ang lahat ng gusto mo. Hipuan mo na ang gusto mong hipuan. Hawakan mo na ang gusto mong hawakan. Halikan mo na ang gusto mong halikan. Wala nang pipigil sa’yo.Wala na kasing makagalaw eh. Ikaw na lang.

 Nagyelo’t naligo na sa snow ang lahat. Animo’y nag piyesta sa isang blizzard nang nakahubad. Parang naligo sa Arctic Ocean nang naka-boxer. Parang namasyal sa Antarctica nang naka-brief. Mistulang nagyoga sa loob ng freezer.

Panget nga lang din kasi baka mahirapan magbukas ang pintuan. Magyeyelo ang pinto at mahihirapan kang makalabas. Kailangan mo pang kuhain ang katabi mo at ipukpok ito para mabasag ang yelong pumipigil dito. Ayos! Para kang gargantaur na may hawak na zombie.

Paglabas mo, wag kang magpahalatang may ginawa kang kabulastugan sa loob. Ay! Oo nga pala. Bunutin mo muna yung isinaksak mong aircon sa loob. Itago agad sa bag kung kasya. Pero kung hindi, ibalibag sa mga kasama para hindi mapagbintangan. Wala namang CCTV sa loob kaya okay lang. Lumabas nang normal. Kahit may di normal kang ginawa, mas maganda pa ding umaktong kaaya-aya sa iba.

Kapag may sumita sa’yo, takutin mo. Sabihin mo, “Isa akong icebender at dahil sa inis ko sa kanila, pinatigas ko sila na kasintigas ng *toot* ko. Gusto mong magaya sa kanila?”. Pihadong maiihi sa takot ang sumita sa’yo at mababaliw sa trauma na dinulot mo. Kung nanonood pa siya ng “Avatar: The Legend Of Aang” eh di malayong magbigti ito sa himalang nalaman na totoo pala ang mga cartoons.

“Guyz! N0 cL4553s! W4nN4 m4K3 G4L4?”

Nag GM yung kaklase kong proud half Jejemon and half conyo.

 Bakit naman kaya sinuspend? Wala naman akong nakikitang dahilan para ikansela ang klase. Di naman umaambon. Kadalasan kasi, ambon pa lang ang nagaganap, sinususpend na ang klase sa pangambang baka magdulot ito ng pagbaha, o baka pag lumala, delubyo, o pag lumala pa ng husto, Armageddon.

Mayabang si Haring Araw sa pagprisinta nito ng sikat niya na kapos na sa Vitamin D. Parang takot na takot ang mga ulap at ayaw nitong balandrahan ang tindi ng kinang ng araw. Kung meron man, walang halong dumi ang mga ito at namumukadkad sa puti. Kasimputi ng mga damit na nilalabhan ng mga di-naman-ganoon-kaepektibong sabong panlaba.

Wala namang okasyon. Di naman kamatayan ng mga bayani. O mga nagpapanggap na bayani. Di naman birthday ni Mayor, Vice Mayor, Konsehal, Kapitan, Tanod, anak ng tanod, anak ng kapatid ng pamangkin ng apo ng tanod o kung sinu-sinong poncio pilatong may posisyon sa magulong lipunan.

Baka naman death anniversary ng prof namin sa World History. Kadalasan kasi, kapag nagsisilabasan ang sungay namin dahilan sa galit sa isang professor, inuunahan na namin ang takdang araw ng pagpanaw niya at agad na namin itong pinapatay sa isip namin. Madalas naming pag-argumentuhan kung anong araw namin siya papatayin. Madalas pa nga din kaming maghanda ng mga papel na bulaklak at iaalay sa kunwa-kunwariang puntod na gawa din mismo sa papel. Kunwa-kunwarian din kaming iiyak. Iyak na daig pa ang crying ladies ni Sharon. Pagkatapos ay magsheshare kami ng mga di malilimutang moments kasama ang professor na iyon. At gaya ng inaasahan, puro masasamang moments iyon. Isang halakhakang mala comedy bar ang magaganap pagkatapos.

“Anjan pa ba c Jena? Wanna see her na.”, reply ko.

“54V!3 n!Y4 MH46k!k!t4 d4W K4y0? D! Mh0U Vh4 k4T3xT?”

“Hindi eh. Baka umuwi na. Puntahan ko na lang.”

“0 5h!Gu3.. bUT !F u W4nT t0 m4K3 g4L4, SM L4n6 K4M!”

Bakit na naman kaya? Ang daming weird things ngayon. Signs na ba ito ng paggunaw ng mundo? Sasakupin ba tayo ng mga alien? Babangga na ba ang planetang Nibiru sa Earth? Kung hindi alien, sino ang sasakop sa atin? Di kaya ang mga engkanto’t malignong matagal nang nagpaplanong patumbahin ang mga tao? Siguro, ang mga mangkukulam? Matagal na kasi silang outdated sa mundo. Kapag Halloween, di sila gaanong napapansin. Puro lamanlupa’t kaluluwa ang bida. Nagpapapansin kaya sila? O baka ang Atlantis? Aangat at babawian tayong mga tao. O baka climate change na ito. Di kaya naapektuhan na ng climate change ang lahat ng bagay-bagay sa mundo? Maging ang mga okasyon at pagdiriwang sa Pilipinas?

Pero maapektuhan na lahat, wag lang ang pagmamahal sa akin ni Jena. Sana wag magrotate ang puso niya at manatili ang pagmamahal niya sa akin. Sana wag siyang mauntog sa kung saan-saang pader at manatili sa kanya ang gayumang ipinalaklak ko sa kanya. Dejoke lang.

“Central Station na po. Central Station”

Dito na lang ako bababa. Tutal, sobra naman ang allowance ko, ibibili ko siya ng regalo. Sosorpresahin ko sa pagkikita namin.

One Day, Isang ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon