Chapter>10

63 0 0
                                    

Mas pinili kong hindi na magpakita sa kanila. Ayoko silang maistorbo. Ayokong makagulo sa kanila. Dahil ang buhay ko mismo, naging magulo na. Hindi ko lubos maisip na totoo ang mga pangyayari. Windang at tulala akong nakaupo sa toilet bowl ng banyo ng kwarto ni Jena. Umiiyak. Sumisinghot. At patuloy na umuutot.

Hindi naman ang tao ang dahilan ng sakit kapag nagkakaroon ng break-ups o mga ganitong pangyayari. Kundi ang mga alaala. Alaalang minsan mong naranasan ngunit palagiang sumasagi sa isip mo. Kahit gaano kaliit at kawalang kwentang alaala ito, nagdudulot pa din ito ng sakit na halos hindi mo ma imagine. Maging ang alaala mo sa sinalihan niyong contest ng  sabayang –utot o pahabaan ng ihi, masakit. Emotional torture, ika nga. Parang unti-unting tinutusok ng tinidor ang puso mo. Unti-unting dinudukot at nginangatngat ng daga ang utak mo. Sabog na nga akong maituturing sa mga panahong ito.

Paminsang-minsang sumasagi sa tenga ko ang halinghing ng dalawa. Pero kadalasan, hindi ko na napapansin ang paligid. Wala na akong pakialam kung kuhain man ng Malaysia ang Sabah o angkinin ng China ang citizenship ni Manny Pacquiao. Wala na rin akong pakialam kung magkaroon ng bagong Santo Papa ang mga ateista. Wala din akong pakialam kung mag snow sa Pilipinas(although pangarap ko ‘nung bata yun). Wala akong pakialam kung tumanda si Dora at Doraemon at sila ang magkatuluyan. Wapakels na din ako kung sakupin ng alien ang mundo. Malamang sa malamang, ako lang ang maiiwan dahil pihadong ayaw nilang mag abduct ng isang taong walang alam gawin kundi tumunganga at umiyak. Wala din akong pakialam kung magbago ang posisyon ng araw at sumikat ito mula North papuntang South. Wala akong pakialam kung makaimbento si DJ bumbay ng mga gamit na ikinekwento niya. Wala akong pakialam kung magkaroon ng batas laban sa political dynasty sa bansa(which I think is impossible).  Wala akong pakialam kung lumipat si LeBron James sa Los Angeles Lakers at di pa din sila mag champion. Wala ako pakialam kung sa hinaharap, mag champion sa World Cup ang half-Filipino at half-World na Azkals. Pero syempre, may pakialam ako kung magkaroon na ng ginto ang Pilipinas sa Olympics. Wala din ako pakialam kung magkaroon ng Harry Potter 8 kung saan mabuhay ulit si Dumbledore at aamin siyang isa siyang bakla.  Wala akong pakialam kung sa susunod na Pirates of the Caribbean movie, hindi na magkilos bading si Jack Sparrow. Wala akong pakialam kung mag champion ang Gilas Pilipinas sa Fiba World Cup kahit hanggang pwet lang sila ng mga kalaban nila. Kahit din mukhang pwet nila ang mga kalaban nila.

Wala akong pakialam kung makaimbento ang mga scientist ng gamot na nakakapagpabata para sa mga matatanda. O gamot na nakakapagpatanda sa mga bata. Wala akong pakialam kung mabuhay ulit si Micheal Jackson at gumawa ng mas realistic na MTV ng Thriller. O mabuhay si Cory Aquino at gumawa ulit ng People Power III laban sa sarili niyang anak. Wala din akong pakialam kung magsanib ang mga istasyong ABS-CBN at GMA at magkatuluyan sina Vice Ganda at Jose Manalo. Wala din akong pakialam kung magkaroon ng 2nd floor ang LRT(sana nga po..how I wish). Wala akong pakialam kung magkaroon ng aircon sa loob ng Jeep. Wala din ako pakialam sa kung sino ang magiging Presidente. Ng TODA sa lugar namin(although big issue yun kasi kandidato ang tatay ko dun). Wala ako pakialam kung ikasal na si Pnoy. Sa kasintanda niya. Wala rin akong pakialam kung ma reveal ang pagkatao ni Bob Ong. Wala din akong pakialam kung maging legal ang same sex marriage sa bansa.  Wala ako pakialam kung kunin na ako ng Diyos. Kunin niya na ako. Sana. Sana talaga.

(BG music: Parting time)

Dahil mas masakit pa ang nararamdaman ko kaysa pag-inom ng ihi ng daga o paglunok ng tae ng pusa upang mag-suicide. Mas masakit pa kaysa ginugunting na ulo ng ano. Mas masakit kaysa sapilitang pag dive ng piso sa kanal. Mas mahirap kaysa pagtawid sa zipline sa pamamagitan ng paghakbang. Ng walang harness. Mas di –kaaya-aya kaysa .. kaysa .. kaysa sa .. Hindi ko na kaya mag-isip. Hindi ko na alam ang nangyayari. Ang alam ko lang, umiiyak ako. Umiiyak ng walang tigil. Umiiyak ng walang tunog.

Di ko na alam kung ano ang tumutulo. Kung luha pa ba ‘to o sipon. Bahala na.

Hinintay kong lumabas ang dalawa. Tulala akong lumabas sa kwarto. Tulala’t nakatingin sa sahig. Walang ibang galaw ang katawan ko kundi ang voluntaring pagtibok ng puso ko at involuntaring paghakbang ng paa ko.

Nadatnan ko ang dalawa sa mesa. Pagod na pagod at gutom na gutom sa ginawang katarantaduhan. Gulat at nanlaki ang mata, nilapitan ako ni Jena at niyakap.

Kunwari, wala siyang ginawang kasalanan. Kunwari, virgin pa siya. Kunwari, wala akong nakita. Kunwari, di ako nasaktan. Kunwari, assignment lang ang ginawa nila. Hindi project ng paggawa ng bata. Kunwari, okay lang ako. Kunwari, masayang masaya ako sa napanood ko. Kunwari, may pakialam ako sa paligid ko. Kunwari, hindi ako nasaktan. Kunwari, hindi nagdudugo ang aorta ko ngayon. Kunwari, wala akong problema. Kunwari, totoong kaibigan si Jack. Kunwari ! Kunwaaariii ! Kunwaaaariiii ! Putang inaaaaa !!!

Natanggal ang pagkakayakap sa akin ni Jena nang mapuna niyang kinamusta na ng pisngi ko ang mga luha. Maninipis na pag-iyak ang nagpatuloy-tuloy sa akin. Nagulat din si Jack at tinanong ako kung anong problema.

Anong problema? Putang ina ka? Anong problema?!!!

Kaibigan lang naman kita na minsang iniputan ako sa ulo! Kaibigan lang naman kitang pinagkatiwalaan pero heto’t taglibog ka’t si Jena ang pinarausan mo. Kaibigan lang naman kitang dinamayan at tinulungan sa lahat ng pagkabigo’t problema. Kaibigan lang naman kita!!!!

Dahil sa sabog ako at waring retarded, tiningnan ko si Jack. Tiningnan ko ang mata niya. Sumalamin sa mata niya ang hitsura ko. Hindi na maaninag ang mga masasayang araw na binuno namin ni Jena. Hindi na rin tanaw ang mga ligayang dulot ng tagumpay at achievements ko sa buhay. Hindi na rin makikita ang ngiting matagal nang nakatatak sa mukha ko.

Pumunta ako ng cabinet upang kunin ang regalo ko. Unti-unti akong lumapit kay Jena at kinuha ko ang kamay niya. Inilapat ko ang regalo ko. Sabay alis. Kinuha ko ang bag ko sa sofa at dahan-dahang humakbang papuntang pinto.

One Day, Isang ArawWhere stories live. Discover now