CHAPTER SIXTEEN

1 0 0
                                    

CHAPTER SIXTEEN

Di na ako kumain at pumunta nalang sa kwarto ko. Nagaalala ako kay Dos. Hindi pa sya nagtetext sa akin.

Ano ba kasing nagyayari sa utak ni Lolo? Bakit pinahiya niya si Dos. Oo kahit na ganon ang nangyari hindi naman kasalanan ni Dos iyon. Hindi ko alam kung anong mukhang ihaharap ko ngayon kay Dos.

Naguumpisa palang kami tapos may sagabal na agad.

TUESDAY

Hindi ko nakita si Dos ngayong araw. Hindi rin sya sumabay sa akin kumain kanina sa cafeteria. Si Gab lang ang sumabay sa amin hindi naman niya sinabi kung bakit wala ang kaibigan nya. Hindi narin ako nagtanong dahil baka nasaktan talaga sya sa nangyari. I'm sorry Dos.

Hindi rin sumasabay si Melanie sa amin dahil wala naman si Dos. Hindi ko muna sya pinansin ngayon araw dahil mas may nag-aalala ako kay Dos ngayon.

Sinubokan ko naman syang puntahan sa Department nila pero wala akong nakitang Dos. Hindi ba sya pumasok? Lungkot ang nararamdaman ko ngayon. Ano kayang ginagawa nya ngayon?

Kumain na kaya sya?

WEDNESDAY

Panibagong araw at hindi ko pa rin nakikita si Dos ngayong araw. Hindi sumabay sa amin si Gab. Si Tala naman ay masyadong busy dahil inaasikaso nya ang sportfest. Si Mavi at Tashana ang kasama ko ngayon. Nandito kami ngayom sa Gazeebo dahil wala ang morning class namin.

Pinuntahan ko si Dos sa Department nila pero wala rin akong Dos na nakita kahit isang anino. Nakita ko naman si Gab.

"Gab." Lumapit ako sa kanya para magtanong. "Nakita mo ba si Dos?" Tanong ko pero umilimg lang sya. "Pasensya kana Joy, may gagawin pa kasi ako. Next time uli." Paalam niya kaya ngumiti nalang ako. What happened?

Hindi ka uli nagpakita sa akin ngayon. Anong nagyayari Dos?

FRIDAY

Lumipas ang biyernes at hindi ko pa sya nakikita. Hindi narin ako makapag focus sa mga lecturer kaya minsan ay tinatawag ako or pinapagalitan. Buti hindi ako sinusumbong kila Dad kundi lagot talaga ako.

"Teh ano bang nagyayari sayo?" Tanong ni Tashana at kumain ng sandwich. Nandito kami ngayon sa cafeteria kasama naman namin ngayon si Tala.

"I feel like the dementor sucked my happiness inside me." Sagot ko pero napakunot noo naman sila. Palibhasa mga di nanunuod ng Harry Potter.

"Alam mo teh baka busy lang talaga si Dos." Busy? Bat di man lang magtext? "Kabago-bago niyo, ganyan pa." Sabi ni Mavi kaya nalungkot naman ako.

"Magiging ayos rin ang lahat." Sabi ni Tala kaya ngumiti naman ako sa kanila. Sana nga.

Bigla akong napatayo nang makita ko si Dos sa malayo at nakatingin sa akin. Is that Dos?

Hindi ko na pinansin ang pagtawag sa akin nila Tala dahil dumiretso ako kay Dos. Tama nga ako si Dos ang nasa harapan ko ngayon.

Kita ko ang lungkot sa mga mata nya. "Dos." Ngumiti naman sya sa akin. Hinila ko naman sya palabas ng cafeteria at pumunta kami kung saan ang pinaka memorable na place ko.

Nandito kami sa Garden at umupo. Si Dos ay nakatingin lang sa akin. "Ayos kalang ba? Hindi mo ko tinext, masyado ka bang busy?" Sunod sunod kong tanong pero umiling lang sya.

"I just found out the truth. Tama ang Lolo mo." Nagulat ako sa sinabi niya anong tama ang lolo ko which part? Nagugulohan akong tumingin sa kanya. Anong tama?

I knew I loved you (Song Series 1)Where stories live. Discover now