CHAPTER FIFTEEN

1 0 0
                                    

CHAPTER FIFTEEN

Nagpaalam na ako kay Dos pero hinalikan muna sya sa lips at smack lang iyon, nagwave na ako ng kamay pagkatapos ay pumasok na ako sa loob. Ewan pero natetense ako pag andyan si Lolo.

Pagkapasok ko ay nadatnan ko sila na kumakain at kasama si Lolo. Si kuya ay kumakain na rin.

"Andito kana pala." Sabi ni Mommy. Kaya dali-dali akong nagbless kay Lolo. Kahit hindi ko sinunod ang gusto ni lolo ay takot parin ako dito.

"Where have you been?" Tanong ni Lolo. "I'm with my boyfriend earlier." Sagot ko. Napakunot noo naman sya. "Is that so? Bakit di mo sya pinapunta dito?" Tanong niya. Ayoko, baka sabonin si Dos ng mga tanong.

"May gagawin pa kasi sya." Palusot ko bago umupo. Napataas naman ang isang kilay ni Lolo.

"Sige papuntahin mo bukas si Nathan. Ang boyfriend mo." Napatingin naman ako sa kanya. What the? "Hindi ko na po boyfriend si Nathan." Naibaba nya naman ang kinakain nya at parang nagulat sa sinabi ko.

"Sino naman ang boyfriend mo?" Tanong ni Lolo. "Dos ang pangalan niya." Sagot ko.

"May ganyan palang pangalan." Yes, parang di pa sya nakakarinig ng ganoong pangalan.

"Imbitahan mo ang boyfriend mo bukas para mag dinner. Gusto ko syang makilala." Tumango nalang ako. Ewan pero kinakabahan ako. Pero dapat lang naman makilala ni Lolo ang boyfriend ko kasi apo niya ako.

Nanatili kaming tahimik ni kuya habang kumakaim pero sila Daddy ay nakikipagkwentohan kay Lolo.

Nagpaalam na ako na pupunta na sa taas. Nilabas ko agad ang cellphone ko at tinext si Dos.

To: Dos
Hi, pinapapunta ka ni Lolo for Dinner daw.

Ilang segundo rin ay nagtext back si Dos.

From: Dos
Sige, pupunta ako.

Napabuntong hininga ako. Baka kung ano-ano sabihin ni Lolo kay Dos.

Hindi ko nalang inisip iyon at ginawa nalang mga assignments ko. Hindi ko na tinext si Dos dahil alam kong gumagawa rin sya ng assignments nya.

MONDAY
Naglalakad ako sa hallway dahil paapunta iyon sa room namin. Iniisip ko parin yung mangyayari mamaya.

Nagulat ako ng bigla may humawak ng braso ko kaya napatingin ako. Si Tala pala.

"Hoy, malalim ata iniisip mo." Tiningnan ko lang sya. Binungkal niya ba?

"Kanina pa kasi kita tinatawag pero di ka manlang lumilingon." Understandable, dahil kanina ko pa iniisip yong mangyayari mamaya.

"May problema ba? " Tanong ni Tala pero umiling lang ako kaya sabay nalang kami nagtungo sa classroom

Pagdating namin ay nandoon na sila Mavi at Tashana. As usual ay nagaayos si Tashana ng kanyang mukha. Umupo na ako sa tabi ni Tashana.

"Girl, dama ko vibes mo. May problema ka?" Tanong niya. Napatingin naman ako kay Tashana na ngayon ay nakataas na ang kilay sa akin na para bang naghihintay ng sagot ko.

"Nagaway kayo ni Dos?" Tanong niya pero umiling ako. "Andyan na si Ma'am. Mamaya nalang." Sagot ko.

Lumipas ang ilang oras ay wala man lang akong natutunan dahil iniisip ko kung ano ang posibleng mangyari mamaya.

Nandito kami ngayon sa cafeteria at kumakain. "Sabihin mo na." Sabi ni Tashana kaya napatinin silang tatlo sa akin. Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. "Nandito na kasi si Lolo." Lumaki naman ang mga mata nila. Alam kasi nila na ayaw ko si Lolo.

I knew I loved you (Song Series 1)Where stories live. Discover now