CHAPTER FIVE

1 0 0
                                    

CHAPTER FIVE

Tinalikuran nalang namin si Nathan na naiwan doon na nakatingin ng masama sa amin.

"Are you ok?" Tanong ni Dos sa akin. Tumango naman ako.

"Hoyyy ano yang, court court pinagsasabi mo dyan?" Napatingin naman kaming dalawa kay Gabo na ngingiti ngiti sa amin.

"Baliw." Rinig kong bulong ni Dos.

"Ah paanno, mauna na ako. Baka ma-late pa ko eh." Paalam ko sa kanila at nginitian sila. "Salamat nga pala." Sabi ko kay Dos at tinalikuran sila.

Pagkapasok ko sa room ay di ko parin maalis sa isip ko yung sinabi ni Dos. Court? Liligawan nya ako? Pero baka assuming lang ako.

"Oh anyare sayo?" Napalingon naman ako sa nagtanong at si Mavi iyon. Bigla kong naalala noong sabado iyong mga pinagsasabi niya sa phone call. Tsk gusto ko syang kurotin.

Umupo na ako sa seat ko. Napansin kong wala pa si Tashana kaya napalingon ako sa likoran ko. "Tala? Asaan si Tash?" Tanong ko. "Hindi ko nga rin alam eh. Di naman nagrereply sa text ko kung papasok ba sya o hindi." Napatango nalang ako. May 10 minutes pa si Tashana para hindi ma-late kay Ma'am Matabang.

Napangiti naman ako nang makita si Tashana na kakapasok lang. Halata sa mata nya ang pagod at namumugto ang mata niya. Galing ba sya sa pag iyak?

Umupo na sya sa tabi ko. Nakakapanibago dahil usually ang hyper nya. Binabati niya kami agad tuwing umaga.

"May problema ba?" Tanong ko. Nakatingin na sya sa akin ngayon at parang iiyak na. Lumapit naman sa amin si Tala at Mavi. "Inaatake si Daddy sa puso." Halatang gulat kaming tatlo at tuloyang umiyak si Tashana.

Napalingon naman kami nang may kumatok sa pinto. Si Gabo. "Pinaparating pala ni Ma'am Matabang na di sya makakapasok sainyo kasi may sakit sya." Naghiyawan naman mga kaklase ko at napatingin naman ako kay Gabo at nakatingin na sya ngayon kay Tashana na umiiyak. Mabilis naman nya iyon inalis at nagpaalam na.

"Girls, tara punta tayo sa Gazeebo. " Yaya ni Tala. Inalalayan namin si Tashana para lumabas.

Nang nandoon na kami sa Gazeebo at nakaupo ay biglang nagsalita si Tashana. "Kahapon idinala si Daddy sa hospital." Naririnig ko ang pag hikbi nya at si Mavi naman ay himihimas ang likod ni Tashana.

"Akala namin ni Mommy ay makaka-survive sya. Pero wala na si Dad." Lalo syang umiyak. Niyakap naman sya ni Mavi. Nakakagulat parin yung balita niya.

Nakakagulat parin dahil parang kailan lang ay pumunta kami sa bahay nila Tashana at andoon pa si Tito Arthur. Daddy ni Tashana.

Nakatingin ako ngayon kay Tashana at naawa ako sa kanya. Naiisip ko palang na mamatay ang isa sa mahal ko sa buhay ay naiiyak na ako.

Lumipas ang oras at maaga kaming umuwi ngayon para bisitahin si Tito. Sabi nila ay ngayon iniayos ang kabaong. Pagdating namin doon ay maraming tao. Andoon rin ang mga kamaganak ni Tashana.

"Tashana, andyan kana pala." Napatingin naman ako kay Tita Arianna na namumugto ang kanyang mga mata. Ikaw ba naman ang mawalan ng mahal sa buhay atyaka asawa.

"Mom. Dinala ko na sila dito." Sabi ni Tashana at lumapit naman sa amin si Tita at niyakap namin sya. "Condolence po Tita." Sabi naming tatlo.

May lumapit naman sa amin na babae at naka shades na black. "Tashana, ikaw muna bahala kay Mommy." Ate pala ni Tashana. Si Ate Shan. Hindi ko sya nakilala dahil naka shades sya.

Sinunod naman ni Tashana ang Ate nya. Ngayon kami nalang ng ate niya ang naiwan. "Maraming salamat pala sa pagpunta niyo dito." Sambit sa amin ni Ate Shan.

I knew I loved you (Song Series 1)Where stories live. Discover now