CHAPTER TEN

1 0 0
                                    

CHAPTER TEN

Isinayaw naman ni Kuya Noah si Mavi. Napatingin ako kay Kuya na ang sama ng mukha. Nakabusangot. So totoong may gusto sya kay Mavi? Aasarin ko sana sya pero hindi ko na tinuloy dahil baka sakin pa sya magalit.

Hindi rin nagtagal ay natapos na at nandito na kami sa labas para umuwi. Nauna nang umuwi sina Mavi and Tashana dahil may sundo naman sila kasama naman ni Mavi si Tala. Kaya ngayon ay kaming tatlo nalang ni Dos at Kuya.

"Akala ko ba ay iyon ang kakantahin mo? Pero bakit parang naiba yata?" Napatingin naman kami kay Nathan na ngayon ay parang galit kay Dos. Bakit ba sya galit kay Dos?

Iyong tinutukoy niya bang kanta is yung kinanta ni Dos sa cafeteria noon? Iyong nagalit si Nathan. Oo nga bakit di nila iyon kinanta?

"Change of plans." Sabi ni Dos. Sa inis ni Nathan ay umalis nalang sya. "Dos sumabay ka na samin ni Joy." Sabi ni kuya kaya di nalang ako komontra. Baka kasi abangan sya ng mga tropa ni Nathan.

Di rin nagtagal ay nakarating na kami sa bahay nila. Nagpasalamat nalang sa amin si Dos at saka ngumiti sa akin kaya nagpaaalam narin ako ng maayos.

Bigla kong naalala di pala kami nagpicture ni Dos sa party.

Ang bobo ko minsan.

Bigla kong naisip yung mga nangyari kanina at iyong mga patingin-tingin ni Dos habang kumakanta.

"We're here." Sabi ni kuya kaya napatingin naman ako sa bahay at may nakita kaming van.

Pagkapasok namin sa bahay ay nakita ko si Mommy na agad kaming sinalubong ng yakap. I miss her.

"Ang ganda mo naman anak." Napatingin naman sya kay kuya. "At ang gwapo naman ng binata ko." Sabi niya.

"Kamusta ang party?" Tanong ni Dad kaya niyakap ko rin sya. "Masaya naman po Dad." Sabi ko at tumango naman sya. Naikwento naman ni Kuya ang nagyari sa party at ipinakita niya rin yung pinicture niya kanina sa party.

"Ang akala ko kapartner mo si Nathan?" Tanong ni Dad kaya kinwento ko ang nangyari kung bakit kami nagbreak. Kita ko naman sa kanila ang lungkot.

"Are you ok?" Tanong ni Dad sa akin kaya tumango naman ako at ngumiti naman sya.

"Gusto kong makilala si Dos." Bulong sa akin ni Mommy pero nginitian ko nalang sya. "O sya habang di pa kayo nagbibihis. Magpicture muna tayo." Sumangayon naman ang lahat sa sinabi ni Mommy.

Pagkatapos ay pumunta na ako sa kwarto at nagbihis ng pangtulog. Nang makaayos na ako may kumatok kaya binuksan ko. Si Mommy.

"Anak kamusta ka ngayon?" Tanong ni Mom. Inaalala niya ba na hindi ako ok kasi nahbreak kami ni Nathan? "Ayos lang naman po Mom." Sabi ko kaya ngumiti naman sya.

"Anak wag kang mang gamit ng tao para maka move on ka ah." Sabi ni Mom. Tumango naman ako, hindi ko naman gagamitin si Dos para lang maka move on ako.

"Oo naman po." Sagot ko kaya ngumiti naman sya sa akin.

"Oh sya magpahinga ka na dyan." Sabi ni Mommy. Pagkatapos niyang umalis ay napaisip agad ako sa sinabi niya.

Hindi ko naman ginagamit si Dos para makamove on. Sinabi ko naman kay Dos na kung pwede ay maghintay sya ang sabi niya naman ay oo.

Pumunta nalang ako sa study table ko dahil sabado naman kaya susulitin ko nalang. Nagdrawing ako ng kung ano-ano. Ang totoo talaga ay gusto kong maging animator. Ang layo sa tine-take ko ngayon noh?

Sabi nga ni Lolo ay pareho daw kami ni na hindi tuwid. Ang kinukuha ni kuya ay Bachelor Science in Architecture. Di ko alam kung tama. Ang gusto kasi ni Lolo ay mag doctor kami pero hindi ko rin iyon sinunod dahil kinuha kong course ay Bachelor of Science in Bussiness Administration.

Kapag kinuha kong course na may kinalaman sa Arts ay baka itakwil na ako ni Lolo. Ayaw ko naman mangyari iyon dahil nakakatakot.

Minsan nga ay naiiisip ko na kung suportahan ako ni lolo katulad nila mommy ay siguro masaya akong gumagawa ng assignments about arts. Pero hindi. Dahil gusto niya ay sya ang masusunod. Hindi naman kami nagpatalo ni Kuya dahil sinuway namin sya.

Una ay nagalit pero kalaunan ay hindi na dahil matataas naman ang grade namin. May dos naman ako pero di katulad kay kuya na puro may 1 sa grade.

•••

Nakaramdam nalang ako ng pag uga sa akin at nakita ko naman sa harapan ko si Mommy. Nagising naman ako. Hindi pala ako natulog sa higaan ko.

"Anak di kana nagtanghalian." Napatingin naman ako sa orasan at alas-tres na pala ng hapon. Bakit di ako ginising ni Manang?

Inayos ko muna ang sarili ko. "Bakit di niyo po ako ginising?" Tanong ko kay Mommy. "Umalis din kami Anak ng kuya at Daddy mo." Eh bakit di ako sinama? Parang di pamilya ah.

"Ayusin mo na ang sarili mo dahil mag naghihintay sayo sa baba." Napakunot noo naman ako. "Sino po?" Tanong ko at ngumiti naman si Mommy bago niya sabihin. "Si Dos." Agad naman akong kumilos. Bakit nandito si Dos?

Nang maayos ko na ang sarili ko ay bumaba na ako at nakita ko si Dos na may hawak na bouquet of sunflowers.

Magkaharap kami ngayon sa sofa ni Dos dahil katabi niya sila Mom and Dad. Katabi ko naman si Kuya.

"Bakit ka pala nandito iho?" Tanong ni Mommy. Kaya napatingin naman kaming lahat kay Dos. Ibinigay muna sakin ni Dos ang sunflower at napangiti ako dahil magaganda ito. Pero baka malanta to?

"Gusto ko sanang imibitahan ang anak niyo sa bahay, dahil may munting salu-salo at kaarawan iyon ni Nanay." Sabi ni Dos. Oo iniimbitahan niya ako na pumunta sa kaarawan ng Nanay nya. Pero bakit straight magtagalog tong si Dos?

"Oo naman iho." Sabi ni Mommy kaua sumangayon naman si Daddy.

Matapos ang pagpapaalam ni Dos ay inihatid ko sya palabas ng gate. Nagpaalam na sya kila Mommy at Daddy si kuya naman ay kumaway nalang sakanya at may pangitingiti pa. Don't tell me bet nya si Dos.

Nang makalabas na kami sa gate. "Salamat nga pala dito." Tinuro ko iyong hawak-hawak kong bulaklak.

"Nagustohan mo ba?" Tanong niya kaya tumango naman ako.

"Kita nalang tayo bukas, sundoin kita dito. Hindi na ako pwede magpagabi." Tumango ako. "Ingat ka." Sabi ko

Nang makaalis na sya napangiti naman ako. Napayakap ako sa sunflower na binigay niya.

Pagkapasok ko ay nakita ko si Mommy na nakangiti sa akin at alam ko ang mga ngiting yan. Gusto niya ng kwento kaya nagpaalam nanako na pupunta na ako sa taas.

Kapag kasi nag-stay pa ako sa baba ay pipilitin lang ako ni Mommy magkwento.

Pagkapasok ko sa kwarto ay excited kong nilagay ang sunflower at tinitigan lang ito. Mukha na siguro akong tanga.

Biglang may nagtext sa akin at tiningnan ko naman iyon.

From: Tashana
Girl, tara gala us tomorrow!

Eh? Gagala?

To: Tashana
No, I can't may plans na ako. Sorry, see you on monday muah!

Hindi naman na nagreply si Tashana. Siguro ay nabobored na sa bahay nila kaya ganon.

SUNDAY

Naghanda na ako ng aking sarili. Dami kong pinagpilian na damit pero ang nagwagi ay ang white dress. Hindi sya gaano revealing dahil bawal iyon sa simbahan. Tinernihan ko narin ng aking white na sling bag.

Kumatok naman si Mommy at sinabi ay nandyan na raw si Dos kaya dali dali naman akong lumabas. Nakita ko syang napatayo at medyo namula.

Bakit nagmula yon?

Niyaya ko na syang lumabas ng bahay.

"Saan mo muna gusto pumunta bago tayo pumunta sa bahay?" Tanong ni Dos sa akin.

Gusto ko sana ay sa mall pero baka mabored din ako. Baka ayaw rin ni Dos doon.

"Pwede bang doon nalang sa may taniman. Iyon sa may sunflower." Napangiti naman sya at tumango.

May kakaiba sa ngiti nya. Parang mas lalong naglow. Pinansin ko ang suot nya at litaw ang pagkagwapo niya. Iyong buhok niya ay maayos feel ko mas smooth pa ang buhok niya kesa sa akin.

I knew I loved you (Song Series 1)Where stories live. Discover now