CHAPTER EIGHT - ACQUAINTANCE PARTY PART 1

1 0 0
                                    

CHAPTER EIGHT - ACQUAINTANCE PARTY PART 1

Nandito ako ngayon sa aking kwarto at inaayosan ako ng mga hinire ko na make up artist. Nakasuot na ako ng binili long gown noong sabado.

White ang suot kong gown at ang hairstyle ko naman ay kinulot muna ako atyaka naka-bun ang buhok ko at may tinira sa magkabilaang side ng mukha ko.

"Napakaganda mo naman iha." Napangiti ako dahil sa sinabi niya. "Iha para kang ikakasal dahil sa suot mo pero alam kong ikaw ang pinakamagandang bride doon." Bride? Well white nga naman ang suot ko kaya parang ikakasal.

May kumatok naman at nakita kong si Kuya iyon. "Matagal pa ba iyan?" Tanong niya. Nakita ko ang damit ni kuya na bagay na bagay sa kanya. Nakatux na black. Alam kong gwapo si kuya per nagtataka ako bakit wala pa itong nililigawan?

"Tapos na oh." Iniharap ako kay Kuya at kita ko namang gulat sya. "Wow, buti nagmukhang tao ka naman." Gusto ko syang batohin ng blower nakakainis. Masyadong epal. Tumayo na ako at tiningnan yung mukha ko sa salamin.

Napa-wow naman ako sa sarili ko dahil tinatanong ko ang sarili ko kung ako ba talaga itong nakikita ko sa salamin. "Wag mong maliitin ang powers ko." Napangiti naman ako kay Regie. Iyong make-up artist. Pumunta na kami ni Kuya sa baba at syempre di makakalimutan mag picture dahil baka magtampo si Mommy bakit wala man lang picture. Ako ang unang nagpicture kay Kuya at sumunod naman sya para picture-an ako.

"Dalagang dalaga ka na talaga." Napatingin naman ako kay Manang habang inaayos ang gown ko sa ibaba. "Naku manang, oo maraming nagkakagusto riyan sa alaga niyo." Inirapan ko nalang sya. Di rin kami nagtaggal sa bahay dahil baka ma-late kami kaya nagpaalam na kami kay Manang. Ngayon ay may driver kami dahil ayaw daw ni kuya na ang ganda ng suot niya tapos sya ang gagawin kong driver. Ang arte niya lang.

Nakarating na kami sa school at dumiretso na sa court kung saan nandoon ang party. Pagkapasok naming doon ay naramdaman ko agad ang paglamig ng paligid. Marahil ay naka aircon ang court. Ang ganda ng pagkaayos ng court at napatingin naman ako sa stage na may nakasulat na Acquaintance Party. Syempre di mawawala ang Mask ko na kulay puti dahil ang theme ay masquerade.

Humiwalay na sa akin si kuya dahil hahanapin niya daw si Mavi ako naman ay pumasok nang tuloyan at alam kong maraming nakatitig sa akin ngayon. Marami ring nagbubulongan kaya napaisip ako kung pangit ba itong sinuot ko. Tumingin naman ako sa paligid na ako lang pala iyong nakaputing gown. Hinanap ng mata ko sina Tashana.

"Are you lost?" Napalingon naman ako sa likuran ko. Kahit may mask sya ay alam kong si Dos iyon. Iyong labi niya ay alam kong si Dos iyon. Tiningnan ko sya na naka black tuxedo, at amoy ang kanyang pabango. Inalis niya iyong mask niya at tama nga ako. Si Dos ang nasa harapan ko.

"Dos." Ngumiti muna ako bago ko ialis ang mask ko. Nagkatitigan na naman kami, gusto kong umiwas pero parang sinasakop niya ako sa mga tingin niya.

Inalok niya ang kanyang kamay. Kaya kinuha ko naman iyon. Ibinalik niya na ang mask niya at ako naman ay ibinalik ko na rin. Pumunta kami sa right side ng table. Kumbaga ang mga table ay nasa right and left at yung nasa gitna is dancefloor para mamaya.

"You're beautiful." Sabi sakin ni Dos habang inalalayan ako maupo. Napangiti naman ako. "Ang gwapo mo rin." Banggit ko at ngumiti naman sya sa akin. Tumabi sya sa akin, ewan ko at kinakabahan ako kapag kasama sya. Pinagtitinginan kami ng ibang tao dito. "Bakit tayo pinagtitinginan?" Tanong ko kay Dos.

"Ikaw lang kasi yung pinakamagandang suot dito." Ewan ko ba kung bola lang ang sinabi niya pero naniwala naman ako. May lumapit naman sa amin na babae at lalaki. "Girl!Ikaw bayan?"Si Tashana pala itong nasa harap ko. Ang ganda ng suot niya at napatingin naman ako sa katabi niya, sigurado akong si Gabo iyon.

I knew I loved you (Song Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon