Level 42 [Last Battle]

23.7K 527 119
                                    

Liam's POV


10...P*tcha! 30 minutes na kaming nasa loob ng van ah?! Tss. Kanina ko pa kinukilit itong si Scarlet na pumasok na kami sa loob, mamaya na raw. Hantayin daw namin ang mga pulis... Lintik na! Paano kung may nangyari na sa kanila sa loob?

"Caile... Ilang minuto na lang darating na ang mga pulis" Sabi ni Scarlet sa isa pa naming lalaking kasama. Hindi ko siya kilala, pero parang malaki ang papel niya sa sitwasyon namin ngayon.

"Bakit ba ang tagal nila?! Baka mamaya kung ano pa ang mangyari sa loob.. Scarlet, iligtas natin si Sachzna" Sabi naman nito.

Naiinip na rin ako kaya di ko na napigilan yung bunganga ko na magsalita.

"Hindi pa ba tayo papasok?" Reklamo ko sa kanya.

Tumingin lang siya sa akin, sabay tingin ulit sa orasan, nak ng! Hindi nanaman niya ako pinansin. Inulit ko ulit ang sinabi ko, sa pangalawang beses napasigaw ko na siya.

"Ano ba Liam?! Akala ko ba matalino ka? Kumalma ka nga! Kung papasok tayo kaagad, sa tingin mo maliligtas natin sila agad agad? Baka nga mamaya tayo pa ang maging dahilan para lalo silang mapahamak... Kumalma ka nga!"

"Paano ako kakalma kung nasa panganib si Jane?!"

Nahinto ang sigawan namin ng dumating na isa isa ang mobile ng mga police. Sumenyas si Scarlet na lumabas na kami. Si Scarlet ang tumawag sa mga police, matagal na pala nilang plano ito, ang planong hulihin si Sachzna.

Planado lahat, kilos, timing, lahat nakaplano na. Sasama sana kami sa loob pero di kami hinayaan nung isang pulis. Nagpumiglas ako syempre, pero ayaw nila kami isama sa loob, sila na raw ang bahala. Kahit si Scarlet, di rin siya pinapasok sa loob.

Nainis naman ako, ano pang ginagawa ko dito kung di rin pala ako makakatulong?

Naghanap ako ng pwedeng pasukan, inikot ko yung buong paligid, kahit pa may nakamasid sa aming isang police. Lintik na...

"Liam, tara dito" Napalingon ako kay Scarlet. Binggo! May alternatibong daanan na siyang nakita. Ngayon, kailangan lang namin iligaw ng pansin itong parak na nakabantay sa amin.

No one's POV

"Jane!" Malakas na sigaw ni Key habang papalapit kay Jane, pero hindi siya makalapit dito dahil pilit siyang pinipigilan ng mga tauhan ni Sachzna.

Matagal ng plano ito ni Sachzna. Matagal niya nang gustong gumanti sa amaamahan niya na pumatay sa mga magulang niya. Pero kahit ganun, kahit gaano man katindi ang galit niya sa amaamahan, hindi niya pa rin magawang magalit sa tinuring niyang kapatid na si Key.

Kahit lumalabas na galit din siya kay Key, sa totoo lang, mahal na mahal niya ito. Mahal niya ito higit pa sa kapatid. Pero iniisip niya na lang na kailangan magbayad ng ama ni Key sa mga kasalanan nito sa kanya.

"Ahh!" Malakas na sigaw ni Key ng hampasin siya sa ulo ng isang tauhan ni Sachzna.

Napaatras si Sachzna, tanda na naaawa na siya sa kapatid niya. Gusto na nitong tulungan ito, pero pakiramdam niya, kung tutulungan niya ito, mauuwi lang sa lahat ang pinaghirapan niya.

Lalo pang nabugbog si Key ng masipa ang kanang binti nito, napaupo ito sa sahig saka pinagsisipa ng mga tauhan ni Sachzna.

Napaupo na si Sachzna sa sahig. Nilapitan ito ng alalay niya, pero sinabihan ito ni Sachzna na huwag siyang lapitan.

Online BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon