Level 32 [One Of A Kind]

32.2K 431 59
                                    

Liam's POV

Hapon na, karaniwang gawain ko ay matulog o kaya magbukas ng PC para maglaro ng SF, pero sa ngayon, di ko na alam kung ano pang gagawin ko, ngayon ba naman na malaman laman mo na nasa loob ka pala ng isang lintik na laro... Utang na loob naman! Syempre naman mawawalan na ako ng gana na mabuhay uli sa dating gawi... Pero bakit ganun? Si mama at yung dalawang kapatid ko, para walang pinagkaiba.

Hindi ko alam kung totoo ba talaga o kalokohan lang yung pinagsasabi ni Jane at nung unknown person na ka-emailan niya, kasi walang pinagkaiba, pinagkaiba lang, dito sa mundong ito, LPO don't exist pero sa mundo na sa pagkakatanda ko na tunay na mundo kung saan kami galing ni Jane, it do exist...

Ang gulo! Ngayon ko lang narealize na ang hirap pala ng sitwasyon namin, noon, hindi ko naman ito masyadong pinagtutuunan ng pansin, pero ngayon pa na alam ko na ang totoo... Na hindi ako sigurado kung totoo nga ba. Napag-isip isip ko na din kung, ano na ang nangyari sa mga katawan namin? Kung tatantsahin ang buwan na kami ay nandito, tatlong buwan na kaming ganito, teka teka, kung tatlong buwan na kami dito, ano na ang kondisyon ng katawan namin sa tunay na mundo?

Problema nanaman...

Hindi ko natanong kay Jane ang tungkol dito, pero sa tingin ko wala din siyang kaalam-alam sa labas ng mundong ito. Grabe, ang tagal na pala akong naloloko ng mundong ito. May panlasa, may pakiramdam, nakakatulog, gumigising, nakakapaglaro ng basketball, computer games, pumapasok sa eskwelahan... Lahat magagawa mo dito ng parang walang pinagkaiba sa tunay na mundo... Pero hindi ito tunay na mundo, sabihin na natin na isa itong virtual clone world na kung saan...

"Syempre naman, mahal na mahal ko ata si Key... Mahal na mahal ko siya Liam" Sabi ni Jane.

Ako naman itong napalunok sa narinig ko, mahal niya si Key? Mahal niya ang isang katulad ni Key? Akala ko ba hindi totoo si Key? Isa lang siyang character na ginawa ni Jane para lang mapaglaruan, hindi mahalin? Lintik na... Nababaliw na ba siya? Akala ko ba ginagawa niya lang ang lahat ng ito para matapos ang pesteng larong ito at bumalik na sa dati ang lahat, hind para mafall siya sa isang character na hinding hindi naman mag-eexist kahit kailan maliban lang sa mundong ito, huwag niya namang sabihing gusto niya ang mundong tulad nito?

"Mahal mo siya? Pero diba isa lang siyang character na hindi naman nag-eexist, anong plano mo? Hindi din na--" Natigil ako sa pagsasalita ng magsalita kaagad si Jane.

"Kahit na, alam ko na yun Liam, alam ko naman na ako ang gumawa kay Key, ako ang dahilan kung bakit tayo nandito sa mundong ito, alam ko naman na hindi siya totoo, hindi siya nag-eexist sa real world, alam ko na yun Liam, alam ko din na darating ang araw na matatapos din ito, alam ko yun, kaya naman..."

"Kaya ano? Kaya patuloy mo siyang minamahal?! Jane, sinasaktan mo yang sarili mo, alam mo naman pala eh, at isa pa, mahirap magmahal ng isang tao na alam mong mawawala din naman pala sayo, masasaktan ka lang Jane"

"Alam ko yun, alam kong masasaktan din ako" Napayuko ito at para bang nag-uumpisa na siyang umiyak. Gusto ko na sanang tumigil pa at damayan siya, pero ayoko naman kunsintihin ang pagpagiging tanga niya.

"Alam mo namana palang masasaktan ka, bakit tutuloy ka pa?"

"Ganun naman talaga siguro Liam..." Inangat ni Jane yung ulo niya sa akin para magkatitigan kami, tama nga ako ng hinala, umiiyak na siya.

"Talagang masakit pero kayang tiisin hanggang nasa tabi ko siya, at handa akong masaktan, handang handa, kaya huwag kang mag-alala sa akin, choice ko itong piliing pahirapan ang sarili ko na magmahal ng taong mawawala din naman balang araw, don't worry, hindi ako magdradrama sayo kapag nakabalik na tayo sa mundo natin. Liam, masaya ako sa ginagawa ko, masaya akong masasaktang mahalin siya"

Online BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon