Level 26 [Loving Him]

35.2K 563 57
                                    

****K A R U G T O N G****

Jane's POV

"Girlfriend, dito ka muna ah, bibili muna ako ng inumin natin" (~^_^~) Paalam sa akin ni Key, nandito ako ngayon sa Center Park ng school, nakaupo sa bench... Nag-iisip, iniisip ko si Key at ang mundong ito.

Key... Hahahaha, bakit ka pa nabuhay? Kung isa ka lang character game, bakit ka pa nag-exist? Nakakainis ka naman, kung kailan naman napamahal na ako sayo, malalaman ko ngayon na kahit anong oras, pwede kang mawala, ay mali, di ka nga pala talaga nag-eexist...

Paano ka nga ba nabuo? Paano ka nabuhay? Bakit ako? Bakit sa akin ka napunta? Ano ba ang purpose ni God at binigay ka pa niya sa akin, nope, pinahiram ka lang pala niya sa akin. Nakakainis naman, sana ikaw na lang ang totoo, sana yung mga lalaking walang kwenta, sana sila yung hindi nag-eexist hindi yung tulad mo Key, Key... Ang daming tanong na gusto kong masagot pero sa lahat ng yun, ito ang gustong gusto kong masagot.... Hanggang kailan ka lang ba mag-eexist? Kasi kung sakali ngang nasa laro tayo, may hangganan lamang ito.

"Oh, umiiyak ka ba girlfriend?" Hindi ko napansin, nasa tabi ko na pala siya, agad ko namang pinunasan yung luha ko kaso wala pa din eh, nakita niya na, useless lang ang pagsisinungaling o pagdedeny na umiiyak ako.

"May iniisip lang kasi ak--" Di ko na natuloy yung sinasabi ko kasi nagulat ako kay Key kasi dinikit niya yung malamig na soda can sa mukha ko...

"Key, ano ba.." Magrereklamo pa sana ako, ANG LAMIG KAYA!

"Hahahaha, see? May nararamdaman ka.." Ngumiti siya sa akin sabay hawak ng kamay ko ng napakahigpit...

"Jane, I exist, kung di ako nag-eexist edi sana wala kang pakiramdam ngayon, nakakausap mo ako, nahahawakan mo ako, nakikita mo ako at higit sa lahat, nagmamahalan tayo, so don't worry Jane, I exist, nag-eexist ako at ngayon, na nasa tabi mo ako, eto ako, minamahal ka" Ngumiti nanaman siya sa akin.

Ako naman, lalo pang naiyak, hindi dahil sa mga sinasabi niya, naiiyak ako kasi... Sayang naman, sayang naman ang relasyon namin... Sayang...

"Teka, paano mo naman nalaman na yun ang iniisip ko?" Tanong ko kay Key

"Syempre, kilala kita Jane eh... Pumanik na nga tayo sa itaas" Paanyaya niya sa akin

"Ayoko pa, kita mo naman, ang sarap sarap ng upo natin dito oh, maya na tayo pumanik" :)

"Huh? Sure ka? Okay lang ba sayo na pinagtitinginan tayo dito?" Nagulat ako sa sinabi ni Key at....

OO NGA NO? O_O SO KANINA PA PALA KAMI PINAGTITINGINAN NG MGA ESTUKALANDYANTE NA NAGKAKANDARAPA SA BOYFRIEND KO?

-.- "Sige na nga"

Di pa din ako masanay-sanay na pinagtitinginan ng mga tao, tuwing kasama ko si Key.

Sabi ko naman kasi sa inyo readers, si Key nga AGAW PANSIN, kumbaga siya yung tipo ng tao na kahit isama mo sa libu-libong tao, kahit pa bilyon pa yan! MAPAPANSIN. Sa gwapo netong boyfriend ko, naku! Kaya naman, kapag may haliparot na nagtatangkang ahasin siya, ako itong nagmamala-asiong salonga para lamang masugpo ang sangkaterbang KALAN na gustong agawin si Key ko..

Ganyan ko siya kamahal, mahal na mahal... Ang pagmamahal ko sa kanya ay parang palabas ni Coco Martin, walang hanggan...

Huh, CORNY ko lang, pero kahit corny, okay lang, mahal ko siya eh, mahal na mahal na mahal na mahal, I love you Key kage bunshin no jutsu times 10000000 times 100000000 times 1000000000...

At ngayon, nakalimutan ko nanaman ang tungkol sa Love Plus Online, dahil naniniwala na akong, nag-eexist si Key, totoo si Key, totoo siya, nagpapatunay nun ang pagmamahalan naming dalawa.

Online BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon