Level 11 [Certified Kalan]

54.5K 974 117
                                    

 Jane's POV

 Unti-unti kong minulat yung mga mata ko... Well, panaginip? =D YES! Haay... Akala ko totoo na ang lahat :) Naku, di ko alam kung totoong nangyari yun for sure kasama na ako sa listahan ng mga estudyanteng pinaglihi sa KALAN

KALANdian :))

Agad na akong nagluto ng aking agahan, at masayang naligo kahit sobrang lamig nung tubig.

Pagkaligo ko, nagbihis na kaagad ako, di kasi ako yung tipo na babae na maarte sa katawan, maglolotion, magpopolbo, magpapabango, ay ewan -_- Sayang lang oras.

Pagkatapos kong magbihis at magsipilyo, lumabas na kaagad ako ng apartment ko.. :)

"I'm BACK!!!!" Di ko napigilan ang sarili ko na mapasigaw sa tuwa dahil lahat ng iyon ay panaginip lamang :))

Pagbaba ko ng apartment namin, sumakay na kaagad ako ng jeep at bumaba sa mismong tapat ng school namin.

Ang sarap ng feeling :) Kahit medyo malungkot ako kasi panaginip lang yun, okay lang mas gusto ko ang buhay ko na hindi ako KALAN :)

Nasa labas pa lang ako ng school namin, napansin ko na pinagtitinginan ako ng mga tao, tumingin naman ako sa likod ko, baka kasi iba yung tinitignan, feeling lang ako at tama naman ako kasi

si Key ang pinagtitinginan, bakit di siya pagtitinginan eh yung sasakyan na gamit  niya ay limousine...

O.O OH PUTAKTE SA DINGDING! O.o

"Oh Jane :) Good Morning"

"BUHAY KA PA?!" Napasigaw ako sa gulat. T_T So talagang nabuhay siya? Nagsihintuan yung mga taong nakarinig sa sigaw ko. Nakakahiya T_T

"Huh? Oo, nakakausap mo nga ako eh" sabay ngiting pamatay

:"""> ANG GWAPO NIYA TALAGA... Pero... Kung ganun?

~guidance

"Next time na mangyayari ulit ito, gusto ko makikita ko yung guardian mo, understand?" Ang taray nung guidance namin T_T Katakot

"Yes ma'am" Mahina kong sagot kasi nanginginig na ako sa takot :< Yaay~

"Haay, akin na nga yang student's notebook mo, pipirmahan ko na"

Inabot ko naman sa kanya yung SN ko, sabay pirma kung saan yung offense ko anyway di naman ako nasuspend... Salamat sa mommy ni Aly :< Akala ko katapusan na ng mundo ko.

~Classroom

"Oh nandyan na pala si Jane eh"-syrra

Pahamak na Syrra ito -___- Imbis na makakapasok ako ng classroom ng payapa, sinabi pa na nandoon na ako yan tuloy pinagtinginan pa ako ng mga kaklase namin.

"Jane, umupo ka na lang sa bakanteng upuan"-ma'am

Tss~ Nawalan pa ako ng magandang spot para sa TLE subject namin -_-

Dahil nga lahat sila ay nasa bandang harapan at ako'y sabog, umupo ako sa pinakasuluksulukan ng classroom namin syempre sa likod.

Doon nakatanga lang ako buong TLE time, bangag sa mga pangyayari, dahil

ako'y Certified Kalan na -_-

Di na big issue yung ginawa ko kay Key... Eh mga sanay na mga kaklase ko sa ganung pangyayari, nagulat lang talaga sila sa akin kasi nagawa ko yun at sa harap pa ng adviser naming panot -_-

Online BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon