Level 31 [Virtual World]

32.2K 465 62
                                    

Jane's POV

"Late ka nanaman! Ano ba naman ang nangyayari sayo Jane?" Reklamo sa akin nung adviser ko.

"Sorry sir, di na po mauulit" Sabi ko.

Na-late nanaman ako dahil di ako nagising ng maaga, sa puyat malamang. Kakaisip sa mga pangyayari na kay gulo-gulo at yung lintik na level 16 na yan! Sa bagay simula naman na nainlove na ako kay Key, inisip ko na na totoo ang lahat ng ito, na totoo talaga sila, kasi alam ko one day pwedeng mamaya or bukas, kahit kailan pwedeng mawala ang lahat ng ito. Kaya every hour na kasama ko si Key, na nasa mundo pa din ako na ganito, sinusulit ko na.

Pansamantala akong pinapunta sa Library, as usual, doon naman ang istambay ng mga late at nagulat ako na pati si Liam ay late din pala.

"Jane!" Tawag sakin ni Liam. Nilingon ko siya saglit at inalis ko din yung tingin ko sa kanya. Lutang ako ngayon, iniisip ko kasi yung mga pangyayari...

"Hoy Jane!" Nagulat na lang ako, nasa tabi ko na pala siya.

"Bakit ba kasi?" Tanong ko.

"Kanina pa kita tinatawag... May gusto sana akong tanungin sayo..." Di pa siya tapos magsalita pero tumayo na ako sa kinauupuan ko para pumunta sa CR, wala lang talaga ako sa mood makipag-usap.

"Maya mo na ako kausapin" Sabi ko.

"Wait!" Hinawakan niya ako sa kamay at...

"Importante ito, gusto ko sanang malaman, Jane, sino ba talaga si Key?" Tanong niya.

Sino si Key? Online game boyfriend ko siya, ako ang gumawa sa kanya, isa lang siyang character sa isang game na biglang nag-exist. Si Key? Ahh, mahal na mahal ko yun kaso sayang din kasi may ending din ang love story namin, tae, ano ba itong iniisip ko, akala ko ba Jane dapat sinusulit mo ang oras na kasama mo si Key? Kasi di din natin alam kung hanggang kailan ito... Malay mo nasa last level ka na pala ng LPO, malay mo bukas or mamaya lang end na ng game... Waah >_< Naguguluhan nanaman ako.

"Jane! Ano na? Sino ba talaga si Key?"

Hinarap ko si Liam at ngumiti muna ako bago ko sabihin sa kanya na si Key ay...

"Siya ang boyfriend ko" Sabay talikod kay Liam pero may nasabi siya na nagpahinto sa akin sa paglalakad at ito ang...

"Ano yung Love Plus Online? Nasa loob ba tayo ng isang virtual world? Laro lang ba lahat ng ito?!" Agad ko siyang nilingon.

"Huh? Hindi kita maintindihan Liam, anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

Nilabas niya yung phone niya at pinakita niya sa akin yung.... Wait, that's my ym account! Teka, di ko na-log out siguro yun nung nanghiram ako sa kanya ng...

"Binasa ko yung coversation mo with this unknown person, syempre hindi ko ito makikilala dahil nakasulat ang pangalan niya in hangul, Jane, ano ba talaga ang nangyayari? Nasa loob ba tayo ng isang laro?" Tanong niya. Tumalikod ako sa kanya at sinabi kong hindi ko alam sabay takbo papalayo kay Liam pero sadyang napakabilis ng pangyayari, hihawakan niya yung kamay ko at hinila niya ako papalapit sa kanya.

Ang lakas niya, hindi ako makapalag sa mahigpit niyang hawak sa akin, kung sasabihin ko naman sa kanya ang totoo, baka magalit siya sa akin... Baka sisihin niya ako kung bakit siya nadamay, dahil kundi lang ako naglaro ng LPO, wala sanang ganito, pesteng laro yan! Hindi ko naman alam na magiging totoo lahat ng yun, kasi napaka-imposible... Sobrang imposible.

"Sabihin mo sa akin ang totoo, anong alam mo Jane? Sige na naman na, gulong-gulo na ako" Sabi niya.

"Akala mo ba ikaw lang ang naguguluhan, pati din ako, Liam, naguguluhan na din ako"

Online BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon