Chapter 14 - Rumors

85 7 0
                                    

Chapter 14

Rumors


Cordelia's POV


Even after lunch, everyone is still talking about me and Dan. Bawat lakad ko ay may mga matang nakatitig sa akin, pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa, at mga bibig na ako ang binibigkas.

"Tapos suot mo pa hoodie niya," pagtawa ni Faye.


Gutom na gutom na 'ko kaya inuna ko ang pagpunta sa cafeteria kaysa maligo saglit at magpalit ng pangitaas. Kaso parang nakakapangsisi. May mga estudyante pa ngang palihim akong kinuhanan ng picture. Hindi ko naman magawang lapitan sila at sabihing i-delete ang picture dahil baka sabihin, naga-assume ako at feeler.

Hindi na lang ako nagsalita at um-order na ng lunch ko. Pagupo sa table namin ay nangaasar na ngisi naman ni Alice at Adrian ang sumalubong sa'kin.


"I held myself earlier but I had to ask now. Are you and Dan seeing each other? You need to tell us, I mean we're your friends!" Alice demanded.

From the corner of my eyes, I saw Rohan glanced at me.


"Oo nga Lia, tell us!" asar pa ni Faye na halatang nagpipigil ng tawa.

"Kumain na nga kayo. Para kayong ewan." I avoided their eyes and started eating pasta.


"Do you like him?" Muntik na 'kong mabilaukan nang biglang magsalita si Rohan. "Nililigawan ka niya?"

"Spill the beans, sister!" Adrian teased.


Sasagot na sana ako nang may mag-text sa phone ko.


From: Dan

12:10 pm

Hi, baby 😉


Isa pa 'to!!! Mangaasar! I'm sure nakarating na rin sa kanya ang balita.


I turned around and saw Dan laughing at me. Inirapan ko siya kaya mas lalo siyang humagalpak ng tawa.

Lagot ka talaga sa'kin mamaya!


Umayos na 'ko ng upo ngunit natigil nang makita ang mga ngiti ng mga kaibigan ko. Only Rohan looked serious with his jaw clenched.


"Grabe! Magkalayo nga kayo pero 'di naman kayo makatiis na 'di magusap!" pagtawa ni Alice.

"Wow, nakabingwit agad Lia! Nice!" Adrian teased me.

Erik just chuckled while Faye laughed.


"Congrats," Rohan said, smiling at me.

"It's---"

"Basta sa Friday, 'wag na 'wag kayong mawawala ha." He cut me off before I could even deny the rumor.


"Malamang! Nando'n jowa ko noh!" Alice rolled her eyes.

"Gusto mo magdala pa kami ng banner!" biro ni Faye.

A Royal DisguiseWhere stories live. Discover now