Chapter 12

72 1 2
                                    

"Pwede na tayong mag camping dito sa labas ng bahay ninyo Scarlet, for sure tita and Tito will allow us. Hindi niyo na kailangan pang pumunta nang school para lang makapag camping," napangiwi kami pareho ni Scarlet dahil hindi pa rin ito Maka move on sa ginawa namin sa harap ng school.

Akala naman kasi niya ay plano talaga naming mag camping sa harap ng school tapos di daw namin expected na mapapa sarap yung tulog namin. Sa sobrang excitement daw namin ay hindi namin napasin yung oras.

Gusto ko siyang tanungin Kong saan niya ba napulit yung mga naiisip niya. Masyadong exaggerated pero dahil siya si Ate Dionne kailangan ko na talagang masanay. Isama mo pa si Tita Sunny, Tita Mariako, Kuya Sky, at higit sa lahat ay ang aking one and only bestfriend Scarlet.

" Pwede naman, need mo pa bang mag ask nang permission sa parents mo na dito ka magsi-stay?" Saad ni Scarlet saka ako nilingon, ngumiti naman ako dito saka marahang umiling.

"Hindi na siguro, how about you Ate Dionne? Papayagan ka bang mag over night dito?" Baka Pag tumawag ako sa parents ko ay sabihin pa nilang sagabal ako.

Kaagad namang tumango si Ate Dionne sa tanong ko.

" Papayagan ako pero kailangan ko pang umuwi para personal na makapag-paalam at Maka dala nang extra damit." Tumango naman kami pareho ni Scarlet. Mas mainam nga naman magpa-alam nang personal at mas mapanatag yung parents ni Ate Dionne.

"Can we come? Later pa naman tayo mag-cacamping ih, I miss you're Lola's suka na tuba Ate. If pwede lang naman." Napalingon naman ako kaagad Kay Scarlet dahil sa sinabi niya.

" Sure, why not. Eloisa, are you coming with us?" Tumango naman kaagad ako dito saka kibit balikat na tumingin Kay Scarlet. Wala naman kaming gagawin, para maka-gala narin at medyo curious din ako sa kung saan nga ba nakatira si Ate Dionne.

"So? Taralets!?"

------

"Wait, hinihingal na ako." Napabuntong hininga naman ako dahil pang apat na beses niya na itong reklamo.

"Sino ba naman kasi ang nag desisyon na maglakat lang tayo? Sabi mo walking distance lang? Pero kalahating oras na po tayong naglalakad dito na parang mga baliw, Isa pa't sobrang init." Naupo ako sa gilid nang kalsada na kaagad namang tinabihan ni ate Dionne at kalaunan ay sumunod din si Scarlet.

" Malapit lang naman kasi talaga, reklamo kasi kayo nang reklamo. Saka matatagalan talaga tayo dahil everytime na may makita kayong pwedeng upuan ay nagpapahinga tayo." Napapikit ako nang Marion dahil tinamaan ako dun. Hindi pa nga gaanong kalayo yung nilakad namin at mas matagal pa yung pahinga kesa sa paglalakad.

"Sorry naman, I didn't expect na ganito kainit yung weather, it's kaya naman to walk but the init talaga!" Himutok kaagad ni Scarlet saka sinisipa sipa ang barong nasa harapan niya na parang bata.

"Malayo pa ba?"

"Over there!"
"Nasa harapanan na natin,"

-----

"Bakit naman kasi sa labas kayo tumambay, yan tuloy grabe ang pawis niyo dahil sa init." Mas lalong kumunot ang nuo ko dahil sa sinabi nang lola ni Ate Dionne.

Nasa harapan na naman pala kami nang bahay nila Ate Dionne pero mas pinili nilang magpahinga sa labas kesa sa loob ng bahay.

"Magbihis na muna kayo. Dionne, pahiramin mo sila nang damit at baka magkasakit pa sila dahil natuyuan nang pawis." Saad nito sa apo na kaagad namang tumalima para Sundin ang utos nito. Habang siya naman ay binubuksan nang mas malawak ang bintana at saka hinarap saamin ni Scarlet ang electric fan.

Kaagad ko namang nilibot ang tingin sa buong bahay na siyang simple pero malinis na may pagka traditional design. Malalaman mong medyo luma na ang bahay at antique ang mga gamit.

"Lola, do you still have some stocks of Suka na Tuba? I wanna make pares to chicharon Sana for our camping later."ngumiti naman ang matanda saka naglakad tungo sa Isang kahoy na kabinet.

"Hindi naman ako nauubusan nang Suka hija, Hali kayo at amuyin niyo yung Suka na ginawa ko nong Isang linggo." Kaagad namang tumayo si Scarlet at sumunod din ako dahil sa curiousity.
Alam ko yung Suka pero yung tuba ngayon ko lang narinig. Hindi ba masisira yung Suka sa Isang linggong naka imbak?

"Habang tumatagal ay mas lalong umaasim ang sukang tuba hija, wag ka nang magtaka." Natatawang usal nang matanda nang makita niya ang mukha Kong halatang naguguluhan.

"Hmmm, it's maasim na nga po talaga. I miss this po, last month pa ata since I tasted you're Suka po." Saad ng kaibigan ko saka ako binalingan at binigay ang boteng hawak-hawak niya na may lamang sukang Tuba.

Nag aalinlangan ko itong kinuha pero pilit namang tinutulak ni Scarlet yung bote tungo sa ilong ko.

"T-Teka naman masusobsob yung ilong ko,"reklamo ko kaagad dito kaya binitawan niya ang bote saka ako nginisihan. Pati ang matanda ay naka abang din sa reaksyon ko.

"It's smells like vinegar," wala sa sariling usal ko. Napahagikhik naman silang dalawa saka pa nag sink in sa utak ko ang nasabi ko. Natural Amoy vinegar dahil Suka nga naman.

Pero for me may ibang atake yung Suka na Tuba kesa sa mga may brand na Suka. Hindi ko ma explain pero kasi medyo more on maasim din ako, malalaman mo talaga yung kaibahan nang with brands kesa sa dito sa tuba.

" Ito, tig iisang bote kayo. Pag naubos niyo yan pwede kayong bumalik dito para mag restock." Napa yes naman kaagad ni Scarlet saka masayang kinuha ang boteng binigay sakanya nang matanda.

"Alam mo lola my friend Elosa, she loves maasim po, pero nahihiya siya sainyo kaya ang tahimik. Pero you know po deep inside she's very excited to taste you're Suka na Tuba." Daldal nang kaibigan ko kaya natawa nalang kami pareho ni lola.

"Thankyou so much po talaga sa Suka lola, Im excited to taste this po and for sure bibisita pa po kami ulit dito." I sincerely said and bow a little bit dahil ganon ako mag Thankyou ih, or siguro dahil sa kapapanuod ko nang kdrama. Mannerism kumbaga.

Susunod......

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 09 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

His Secret Admirer (Raval Series #1)Where stories live. Discover now