Chapter 7

28 2 0
                                    


"Tatawagan mo pa ba ang parents mo to let them know na you're staying here while they're not around?" Usisa nito habang inaayos ang bed niya na parang Isang linggong hindi nafofold nang maayos ang comforter nito.

Lagi naman siyang malinis sa kwarto pero kahit Isang beses palang niya nahigaan ay kung saan-saan na umaabot ang comforter at mga unan nito. Kasing likot nang uod kung matulog ang Isang Scarlet Snow Raval. Buti nalang malaki ang bed niya, Queen size Bed kaya kahit anong likot niya ay hindi siya mahuhulog habang natutulog.

" Hindi na siguro, pinadala ko nalang Kay Nana yung gamit ko dito for school tomorrow. Pati narin uniform ko." Sagot ko naman dito saka naupo sa balkonahe nang kwarto niya.

Sobrang ganda talaga nang view dito, sa likod na bahagi kasi nang bahay nila ay ang harden na sobrang lawak at ganda. Alagang alaga ito ng parents ni Tito Winter pinagkatiwala nga lang Kay tita Sunny at Tita Mariako habang nasa states sila at nagpapagaling ang Mommy ni Tito Winter na si Gradma Summer dahil inatake ito sa puso. Sabi ni Scarlet ay dahil narin daw sa edad saka mas maaalagaan siya sa states at alam naman nating mas advance ang technologies sa states.

Pero lagi naman Silang bumibisita doon kahit sobrang busy nila. Pinaglala-anan talaga nila nang panahon ang pagbisita Kay grandma Summer.

"Papasok ka sa school tomorrow? Mas better siguro if magpahinga ka muna, sabay tayong aabsent kasi nag promise na ako na I'll take care of you." Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa sinabi niya. Ang sarap lang sa feeling na may kaibigan akong kagaya niya.

Hindi ko nakukuha ang atensyon ng sarili Kong pamilya at kapatid pero sobrang swerte ko naman sa kaibigan at pamilya nito. Mas nararamdaman ko dito ang pamilya na tinatawag, pwera nalang talaga Kay Cloud.

"Okay na naman ako, saka malapit na ang final exam natin. Mas mahirap humabol PaG ganon," sa totoo lang ay mas kinakabahan ako habang patuloy na tumatakbo ang oras.

Hindi ko Alam kung anong patutunguhan nang buhay ko. At kung may patutunguhan nga ba ako.

Habang nadadagdagan ang edad ko ay mas natatakot ako na ewan. Pero masaya naman siguro dahil kaya ko nang tumayo sa sarili Kong mga paa.
Kakayanin kahit mahirap, Yun ang motto ko sa buhay na kailangan kung panindigan.

"Sa talino mong yan? Pero if that's what you want then G. Teka nga, do we have assignment ba? Nakalimutan ko na ih, pag nasa bed na ako yung mind ko is gusto na talagang magpahinga."daldal nito saka kinakalikot na ang mga gamit siya sa school.

"Meron tayong gagawin na reaction paper, 2k words pataas. Natapos ko na yung sakin, pero bat ngayon ko ka lang nagtanong? Bukas na ang deadline non ih. Makakaya naman ngayong Gabi yan, kaso wala nga lang tulugan." Alam ko nalang mas productive ang utak ni Scarlet PaG time of deadline na. Cramming is really her thing, pero okay lang naman dahil nagagawa niya bago ang pasahan.

"Really? Then I need to start na pala, give me 2 hours. Sleep ka muna diyam habang busy ang lola mo here." Napabuntong hininga nalang dahil sa sinabi nito. Hindi naman ako makakatulog nang mahimbing habang siya ay nagca-cramming na.

"Tutulungan nalang kita, hati nalang kaya tayo. Tig 1k words tayo para mas mabilis." Kaagad ko naman itong tinabihan sa table niya pero iniwas lang nito ang papel niya saakin saka ako sinimangutan.

"No! You need to rest nga, kaya ko na naman to. It's my fault naman kaya need Kong mag suffer ngayon. Gigisingin nalang kita PaG lunch time na, please, sleep kana." Wala akong nagawa kundi ang mahiga pabalik sa kama niya dahil Pag sinabi na niya ay hindi na magbabago pa ang isipan niya.

"Fine, pero kung nahihirapan kana saka kailangan mo nang tulong ko magsabi ka lang huh." Usal dito saka kinuha ang phone ko sa table malapit sa kama niya.

Baka nasa baba na si Nana dahil siya ang maghahatid ng gamit ko dito.

"Yes poe, pero Keri ko na to. Sleep kana nga diyan, wag Kang phone ng phone diyan. Saka don't talk to me na para makapag focus na ako." Napailing nalang ako dahil umiral na naman ang pagiging nanay niya saakin. Don't talk to her na daw pero siya lang naman yung daldal ng daldal.

"Opo nay, matutulog na ang anak niyong may sakit. Focus kana diyan," hindi naman na siya magsalita pa, paniguradong nagfofocus nga nga sa ginagawa niya.

Wala akong nagawa kundi ang ipikit nalang ang mga mata ko, hindi pa ako inaantok pero wala naman akong magawa. Kaya mas mainam nalang sigurong itulog ko nalang ito.

(Tok,Tok,Tok)
Kusang nagmulat ang mata ko dahil sa katok mula sa pintuan ng kwarto ni Scarlet.
Mabilis akong tumalima sa pintuan nang makitang akmang tatayo si Scarlet.

"Ako na, ipagpatuloy mo nalang yang ginagawa mo." Hindi naman na siya nagsalita pa kaya binuksan ko na ang pintuan ng kwarto niya.

"You're things," napakagat labi ako nang makitang si Cloud pala ang kumatok. Nandito parin ang kakahiyan na pinagsasabi ko sakanya nong lasing ako. Everytime na nakikita ko siya ay parang nagpa flashback lahat ng pinag-gagawa ko.

"Kukunin mo o kukunin mo?" Wala sa sariling kinuha ko ang dala-dala niyang gamit ko saka siya pinagsarhan nang pintuan. Pero binuksan ko naman kaagad nang marinig ang daing nito sa labas.

Pero doon ako nagkamali, nagkasala pa talaga ako dahil sa katangahan ko.

"Hala s-sorry! Bat kasi hinarang mo pa yang kamay mo." Hindi ko napansin na nahulog ko na ang mga gamit ko at basta-basta nalang hinawakan ang hintuturo niyang namumula na dahil sa pagka ipit.

Mas lalo akong nataranta nang makitang dumudugo ito, hindi ko Alam kung anong gagawin ko.
Basta-basta ko nalang sinubo ang daliri niya dahil Yun lang ang natatandaan Kong ginagawa ko dati Pag nagkaka-sugat ako.

"What the! Omygosh Eloisa! Kuya!?" Parang kidlat na kumalas si cloud saakin saka nag iwas ng tingin saakin.

Para itong kamatis sa sobrang pula,mula Tenga hanggang leeg niya.

Pero yung mga gamit ko na nahulog ang nagpa pula talaga ng mukha ko, bat naman kasi nasa taas ang underwear ko, ang mas nakaka hiya pa ay barbie yung print ng panty ko na kamatch nang bra ko.

Kainin nalang ako ng lupa please!
Susunod....

A/N: short update, Another update para bukas🥰
EDITED VERSION✅

His Secret Admirer (Raval Series #1)Where stories live. Discover now