Chapter 1

204 11 0
                                    

Impit akong napatili ng makita siyang nasa harden habang nagbabasa ng libro.

Naka tanaw ako mula sa bintana ng kwarto ni Scarlet, ang bukod tanging pinagpala nang may kapal na kaibigan ko. Kanina pa ako pabalik balik dito sa pwesto ko para lang masilayan siya.

At sa wakas nga at sinuwerte ako at nakita ko siya mula rito.

Sobrang seryuso nito habang nagbabasa na parang ayaw magpa istorbo.

Salubong ang kilay nito na animong may kaaway na kaharap pero libro lang naman pala.

"What are you doing there?"napapitlag ako sa gulat ng balingan ito ng tingin.

Saka ko lang nakita ang nag iisa kung kaibigan na ngumunguso sa harapan ko.

Hindi ako nagsalita kaya naglakad na lamang ito tungo sa pwesto ko at siya na mismo ang tumingin sa tinitingnan ko.

Ngising aso naman siya ng makita kung ano—-hindi ano!kundi SINO ang sinisilayan ko.

"Your so creepy, Eloisa. But i'll support you for that!" usal nito kaya ako naman ang Napanguso.

Suportado siya masyado ng malaman niyang may lihim akong pag tingin sa kapatid niya.

"Hindi naman ako napapansin at mapapansin non kahit kelan ih, " hindi ko mapigilang mapabuntong hininga habang sinasabi yun sakanya.

"Sa dinami-rami naman kasi ng magugustuhan mo bakit pa si kuya? Alam mo namang pusong bato yun at kasing cold ng ice sa lamig. At alam mo namang ilang years ang Tanda niya saatin." seryusong saad nito saakin saka siya naupo sa harapan ko. Yeah right, 5 years gap. But that's not the problem anyways, I don't care about the age gap. Yung feelings niya ang tiyak na Malabo.

Totoo naman kasi yung sinasabi niya. Marami naman akong manliligaw pero kasalanan ko bang nahulog ang loob ko sa taong hindi ko inaasahan. Kahit kailan hindi naman natin kayang diktahan yung puso natin kung sino ang mamahalin at kung kailan ito mararamdaman.

"How about kuya Sky? Dont you find him attracted or what?" iningusan ko siya dahil sa sinabi niya.

May isa pa siyang kuya at yun ang kakambal ni Cloud.
Magkamukha naman sila pero iba yung nararamdaman ko sakanilang dalawa.

Everytime na nakaka harap ko si Sky ay parang wala lang, I can call him kuya and treat him as an older brother naman but for Cloud, I don't think so.

Samantalang pag si Cloud ay nagwawala ang puso ko na parang may langgam na nagpi-fiesta. At kahit kailan ay hindi ko siya tinawag na kuya, over my dead body!

Ang laswa naman kasing pakinggan na makiki-kuya ako eh alam naman nilang may gusto ako dito.

"Ayaw ko nga. Baka katayin ako ng mga babaeng nagkakandarapa sakanya." sikat naman kasi masyado si Kuya Sky sa School dahil masyadong friendly.

Bali-balita rin na meron daw siyang girlfriend ngayon na pinag bubuntunan ng galit ng mga fan girls niya.

"Speaking of kuya Sky. Medyo worried ako kay Ate Dionne dahil lagi itong napapa away because of kuya. Kawawa naman yung bestfriend niya."napalingon naman ako sakanya ng sabihin niya iyon.

Bestfriend!?
Baka ito yung nalilink kay Kuya Sky na lagi niya raw kasama at girlfriend niya raw.

Sobrang ma iissue talaga ng mga tao sa School.

"Bestfriend niya pala yun? Marami kasing bali-balita na girlfriend niya raw yun at lagi silang nakikitang magkasama."saad ko sakanya pero umismid lang ito at Napa irap sa hangin.

Napailing nalang ako sa naging reaksyon niya. Kung hindi ko lang siya kilala ay mapag kakamalan mo siyang sobrang taray.
Pero mukhang mataray lang naman siya pero mabait naman talaga.

His Secret Admirer (Raval Series #1)Where stories live. Discover now