Chapter 4

92 8 0
                                    

"Inumin mo itong gatas At ng mainitan ang tiyan mo. Hindi kana nakakain kagabi dahil sa hinimatay ka. Hindi narin kita ginising dahil ang himbing na ng tulog mo."wala sa sariling tinanggap ko ang tasang binigay ni Nana at sumimsim doon. Pagkatapos niyang ibigay ang tasa ay saka  naman ito nag-ayos ng mga dami ko sa closet.

Hindi ko alam kung Anong nangyari kagabi dahil pagka gising ko nasa kwarto na ako. Naging tuloy tuloy naman ang pagtulog ko dahil sa naka inom pa ako.
Pag siguro hindi ako makatulog ay iinom nalang ako ng alak. Pero Ayaw ko na,last ko na iyon. Ang sakit ng ulo ko huhu!

"A-Anong nangyari kagabi, Nana?" tanong ko naman dito ng matapos niyang ayusin ang mga damit ko sa closet. Bahagya ko namang inayos ang buhok kong magulo.
Ngumiti naman ito saka lumapit sa pwesto ko at marahang sinuklay ang buhok ko.

"Nadatnan ko nalang si Cloud sa sala na karga-karga ka. Kaya nakisuyo na akong dalhin ka sa kwarto mo." what!? Si Cloud? Bigla naman akong napatingin sa suot ko na iba na ngayon. Wala na ang jeans at t-shirt na suot ko kagabi kundi napalitan na ng pantulog.

Napanganga akong napatingin ulit sa pwesto ni Nana. Siya naman siguro ang nagbihis sakin diba!?

"I-Ikaw yung n-nagpalit ng damit ko,Nana diba?" Halos hindi ko na masabi iyon dahil bumabaluktok ang dila ko.

"Syempre naman!Ano ka bang bata ka. Akala ko ay kung ano na. Ano nga ba ng nangyari sayo at nahimatay ka?" Nagtataka ko naman itong tiningnan. Hindi niya ba naamoy na amoy alak ako kagabi?

"A-Ano,Hindi ko po alam..."tanging naiusal ko dito At iniwas ang tingin sakanya.
Imposibleng hindi niya ako nabuko kagabi na naka-inom ako.
Ayaw ko rin namang magsinungaling Pero natatakot naman akong sabihin sakanya ang totoo. Matanda na si Nana para pag-alalahin ko pa.Kung kaya ko naman sarilihin ay gagawin ko talaga.

"Nang maihiga ka ni Cloud sa kama mo ay nakisuyo pa siyang pakuluan ka ng maligamgam na tubig. Pagbalik ko ay pinupunasan kana niya ng wipes sa mukha."Napalunok ako ng mariin dahil sa sinabi ni Nana. Posibleng hindi ako nabuko nito dahil sa ginawa ni Cloud. Pero Bakit naman niya ako pagtatakpan!?

Ano nga bang nangyari kagabi!?
Mas lalong sumasakit ang ulo ko nang pilit kont inaalala ang nangyari kagabi.
Sana naman ay Wala akong ginawang kahiya hiya!

Napahawak ako sa sentido ng Mas lalo itong sumakit.

Siguradong hangover ito!
P

ero wine lang naman ang ininom ko auh, sobrang baba naman ng alcohol tolerance ko kung ganon.

"Anong nangyari!? May masakit ba sayo? Gusto mong dalhin na kita sa hospital?" sunod-sunod na tanong ni Nana habang inaalalayan akong mahiga ulit sa kama.

"O-Okay lang ako,Nana. Kailangan ko lang ng pahinga."napatango naman ito At inayos ang kumot sa katawan ko.
Hinagkan pa nito ang nuo ko at saka siya nagpakawala ng isang buntong hininga.

"Sinisinat ka,Eloisa. Lulutuan kita ng chicken soup saka ka uminom ng gamot. Wala pa naman dito ang parents mo ngayon."tingin ko nga ay tama siya. Iba din ang init ng pakiramdam ko.

"Po?Ng ganito kaaga Wala sila?" Nagtataka ko namang tanong dito. Napalingon ako sa wall clock ko ng makitang alas sais palang ng umaga.

Pag ganitong oras ay malamang natutulog pa si Mommy. Habang si Daddy naman ay naghahanda palang Para sa trabaho.

"Pumunta sila sa beach, pangpalubag loob siguro sa kapatid mo. Nagkagulo kasi kagabi. Hindi na naabutan ng kapatid mo si Cloud kaya tudo iyak siya dahil minsan lang daw itong pumayag paunlakan siya pero Wala Ring silbi dahil nauna nang umuwi si Cloud. Ewan ko ba sa batang iyon At nagpaalam na ng maihatid ka sa kwarto mo."May kakaibang kirot akong naramdaman ng marinig ang sinabi ni Nana. Pero May parte na umaasa dahil sa ginawa ni Cloud.

Hindi ba niya inantay ang kapatid ko dahil Nakita na niya ako?

Natawa ako ng pagak. Nababaliw na ako sa mga iniisip ko. Dahil alam ko naman sa sarili ko na kailanman ay Walang pakialam yun saakin. Pinapakisamahan niya lang ako dahil kaibigan ko ang kapatid niya.

"A-Alam ba nilang masama ang pakiramdam ko?"Halos mautal ako sa naging tanong ko kay Nana.
Mas bumigat ang kabog ng dibdib ko nang umiwas ng tingin si Nana saakin.

Sa inakto palang nito ay alam ko na. Bakit pa nga ba ako magtataka!? Si Ate naman ang lagi nilang priority kesa sakin.

"Magpa pahinga lang ako,Nana." Yun nalang ang naiusal ko bago nahiga ng patalikod sa pwesto ni Nana. Doon kusang tumulo ang mga luha ko.
Para itong ulan na sunod sunod ang pagpatak. Pagod na akong umiyak pero hindi ko naman maiwasan.

"Ihahatid ko nalang dito mamaya ang pagkain mo. Wag kang mag-alala,Eloisa. Malapit ng matapos ang paghihirap mo. Mararamdaman mo rin ang pagmamahal ng totoong pamilya mo. Magpakatatag ka,ija." hindi ko na magawang sumagot pa dito dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Nana. Anong totoong pamilya!?Mas sumasakit lang ang ulo ko dahil sa sobrang pag iisip.

Impit akong napasinghot ng madinig ang yabag si Nana. Doon ko lang napagtanto na lumabas na pala ito ng kwarto dahil sa pagbukas At pagsara ng pintuan.

Mas lalong bumuhos ang luha ko ng tuluyan ng makaalis si Nana.

Bakit ko ba nararanasan ito?
Kahit na ganon ay mahal na mahal ko parin ang parents at kapatid ko.
Kahit pagbabaligtarin ko pa ang Mundo ay sila parin ang pamilya ko.

Pilit kong hinihinahon ang sarili ko.
Dapat sanay na ako sa ganito.

Nang gumaan ang pakiramdam ko ay saka naman ako napapikit  ng mariin nang May imaheng pumapasok sa isipan ko.

Mga pangyayaring naganap kagabi!

Nanghihina akong napaupo sa kama at napahawak sa nuo ko.

Biglang nagplay sa utak ko lahat mula ng umuwi ako hanggang sa nakaharap ko si Cloud!

Halos sabunutan ko na ang sarili ko dahil sa mga pinagsasabi ko kagabi.

Naaalala ko rin na sinabi ko dito ang totoo kong nararamdaman sakanya!What a stupid,Eloisa!

Wala akong mukhang maihaharap sakanya!

Tiyak na Mas lalong hindi ako nito papansinin dahil alam niyang May Gusto ako sakanya. Ano ba naman kasi ang pinagsasabi ko kagabi!

Pag nakainom ka pala ay Walang preno yung bunganga mo kahit tahimik kang tao. Huhu I hate myself dahil napaka careless ko.

Pero Kahit anong ngawa ko naman dito ay hindi na magbabago ang nangyari dahil tapos na. Ang magagawa ko nalang ay harapin ang kahihiyang naidulot ko.

(Beep,Beep,)

Napalingon naman ako sa gilid ng kama ko kung saan nalagay ang cellphone ko. Dahan dahan naman akong gumapang papunta dito.
Baka importante.

Binuksan ko kaagad ito saka bumungad saakin ang pangalan ni Scarlet.

From:Scarlet my bestfriend

Hello,Goodmorning!I wanted to visit you pa naman pero need mo pang magpahinga.
Sa Sunday nalang kita bibisitahin,Gusto rin sumama ni Mommy kaya SEE YOU!Pagaling ka,mwah mwah.

Susunod.....

A/N:Super lame ata ng ud ko🤧Thankyou parin sa paghihintay.

EDITED VERSION✅

His Secret Admirer (Raval Series #1)Where stories live. Discover now