Chapter 9

36 2 0
                                    


"My love for you is like a hidden treasure that will keep safe and I will cherish, only whispered in the dark to keep it safe in my heart."

The best choice that I ever made is to keep loving you through my letters, kung letter nga itong ginagawa ko.
Mas gusto mo namang ganito diba? Ewan ko ba kung bakit nagustuhan kita. Oo na't almost perfect ka pero bakit ang sungit mo? Pero sige lang, bumawi ka nalang Pag nafall kana sakin. Eme pero Sana nga, malakas ang loob Kong sabihin to kasi hindi kita kaharap. Hindi ko kailangang magpanggap na kaya ko ang presensya mo kasi sa totoo lang sobrang intimidating mo.
Masaya na akong masilayan ka at patuloy kang sisilayan hanggang ikaw parin ang tinitibok nitong puso ko...❤️
From your future wife🌷

--------

"Mom, can I ask something for my birthday po?" Sobrang bilis nang panahon at bukas ay 17 na ako, I want to be independent na kahit hindi pa ako legal pero malapit narin naman kasi.

"What it is? Since hindi ka naman magkakaparty dahil aalis kami nang daddy at ate mo to visit you're grandparents." Yeah right, as if I have a choice.
Nasa Davao city ang parents ni Dad kaya for sure magtatagal sila don parang reunion narin daw pero hindi ako kasama.

"Kung okay lang po Sana na payagan niyo akong mag condo na. Next year pa po ako mag e-eighteen pero gusto ko pong maging independent. Kahit Yun nalang po yung gift niyo for my birthday po." Yun ang plano ko for myself at gusto Kong punan ang dapat punan para sa sarili ko. Mag enjoy na walang komocontrol sa buhay ko.

"Fine, I'll talk to your dad about that. Samahan mo nga pala si Elaisa mamaya, magmamall ata with her friends. Saka yung mga kasambahay natin is naka day off kaya wala siyang kasama at magdadala nang pinag shopping niya. Alam mo naman ang ate mo Pag nasuot na niya hindi na inuulit pang suotin." Pero for sure saakin parin bagsak nang pinaglumaan ni Elaisa.  Pero sobrang showy naman kasi nang mga damit niya, ang magagamit ko lang talaga ay mga dresses, atleast matino mga dresses niya dahil active sila Mommy sa simbahan. Kailangan presentable ang unica hija nila.

"Okay po, mamimili narin po ako nang kakainin namin ng friends ko for my birthday." Nagdadalawang isip nga ako kung mag pipicnic ba kami or ituloy nalang yung camping namin na pilit sinasuggest ni ate Dionne.

"That's good, basta wag mong iiwan mag Isa ang ate mo mamaya. Kailangan niya ng taga dala nang iba niyang gamit or pinamili." Pagkatapos niyang sabihin Yun ang kaagad niya naman akong tinalikuran.

Okay fine, magiging alila ako for today's video. Dapat hindi magbago ang mood ko hanggang bukas dahil it's my day.

Nagbihis narin ako kaagad at baka bugahan ako nang apoy ng dragon. Ayaw pa naman non ang pinaghihintay siya, pero anong feeling kaya pag sino-spoiled ka nang parents mo? Siguro ayaw mo nang tinatanggihan ang mga request mo, at nakukuha mo lahat nang gusto mo sa simpleng ungot mo lang sa parents mo.

Alam Kong spoiled ng sobra si Eloisa dahil nga may kaya ang parents namin, pero what if bumaliktad ang mundo? Makakaya niya kayang maging independent?

Tsk, bakit ko ba siya pinoproblema.

Speaking of the devil.

Hindi na ako umangal pa nang binuksan niya lang ang pintuan nang kwarto ko nang wala pahintulot o kahit Pag katok man lang. Feeling ko tumanda siya nang paurong dahil sa manners niya ih.

"Bilisan mo, aalis na tayo my friends are waiting for me na. Bakit ba kasi ang tagal mo? Bilis! Sa car kana dumeritso,bagal-bagal kasi," nagdadabog pa nitong sinarado ang pintuan nang kwarto ko.
Kasalanan ko bang ngayon lang sinabi saakin na samahan ko siya? At hindi ko naman alam na aalis kaagad.

Nagpolbo, tint, saka perfume nalang ako. Ganon naman talaga ginagawa ko kapag aalis, wala nang bago. Nangangati mukha ko sa make up kahit hindi naman ako naglalagay saka hindi rin naman ako allergy sadyang hindi ko lang gusto. Mahilig kasi akong maghilamos kaya useless din ang make up if ever.

Bumaba na ako kaagad saka dumeritso sa sasakyan, nang mabuksan ko ang sasakyan saka sumalubong saakin ang naka simangot na itsura nang ate ko.

"Doon ka sa unahan, mainit. I don't like masikip at baka mahulas yung make up ko." Saad kaagad nito nang makitang tatabi ako sakanya. Walang salita naman akong lumipat nang pwesto sa front seat.

Kaagad naman kaming umalis, napabuntong hininga ako nang malamang dalawang oras pa ang byahe namin. Akala ko ditong mall lang sa Quezon City, dadayo pa pala kami gustong puntahan ni Elaisa na boutique.

Pinikit ko nalang ang mga mata, napag desisyunan Kong matulog nalang kesa naman tanawin ang puro usok sa labas na halos wala nang puno. Iba talaga ang tanawin sa province kesa sa cities, sa Cities na puro pabrika, ang mga puno na pinutol na at higit sa lahat ang hangin na alam mong polluted na.

Kaya kung ako sa susunod, magpapatayo ako nang sarili Kong bahay sa probinsiya, I'm into farming din kasi. Kung may pera lang ako ay hacienda ang itatayo ko, pangarap Kong magkaroon nang farm. Sariling mga tanim na gulay and fruits, mas better Yun saka mas tipid if ever.

Yung probinsiya na sobrang sarap nang simoy ng hangin, ang tanawin na sobrang berde at tinig nang mga ibon na umaawit.
Kasama ang pangarap ko na makasama si Cloud---

"Arayy," napasintido ako ng tinapunan ako ni Elaisa nang bag niya.

"Can you stop doing that," nanggagalaiting usal nito.

"Doing what?" Nagtataka ko namang tanong sakanya, matutulog lang naman ako ih.

"Don't ask me! Ask manong driver, papansin"napangiwi na lamang ako dito saka hinarap ang driver namin pero Pati siya ay natatawa rin.

"Umuungol mo kasi kayo habang may tinatawag na pangalan,"napanguso naman ako dahil dito. Gosh! Baka pangalan ni Cloud ang nasabi ko. Wala sa sariling tiningnan ko ang pwesto ni Elaisa pero inirapan lang ako nito.

"A-Anong pangalan po yung sinasabi ko? Malakas po na talaga?" Kinakabahan Kong tanong dito dahil alam Kong may gusto si Elaisa Kay Cloud ih, hindi niya rin alam na gusto ko Rin si Cloud. Pag malamang niyang tiyak kakalbuhin niya talaga ako.

"Hindi naman po gaanong kalakas pero alam mo namang maselan ang ate mo. Hindi namin narinig Kong anong pangalan ang tinatawag mo, pero Isa lang po ang sigurado, malakas po kayong umongol."

His Secret Admirer (Raval Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon