Chapter 10

68 6 0
                                    

Mikael Dela Cerna Pov.

MATAPOS nga naming mamili ng mga abubot ni señorita. Dumiretso na kami pauwi dahil nabili na rin naman daw niya ang kanyang mga kailangan.

Ngunit hindi pa rin ako makabawi sa perang ginastos niya. Parang ako pa ang naghihinayang dahil ginastos lang niya iyon ng isang araw para lang sa mga damit niya.

Alam ko‘ng mayaman sila. Pero hindi ko lang maiwasang maghinayang dahil sa sobrang laki ng bill niya kanina, para ba’ng mapapanaginipan ko pa iyon mamaya.

“Saan mo nakuha ang mga damit na ‘yan?" nagtataka si inay habang nakatingin sa mga damit na inilalabas ko sa paperbag. Ang sabi kasi ni señorita ay kailangan ko pa‘ng labhan ito dahil hindi daw niya nais maamoy na bago ko itong isusuot sa lunes.

“Binilhan ako ni señorita dianneya, isasama niya ako sa skylight. Kailangan daw niya ng bodyguard," nangunot ang noo ni inay sa sinabi ko.

“Kailangan pala niya ng bodyguard pero bakit ikaw ang isasama niya?"

“Ayaw daw niya sa mga bodyguards ni sir manuel. Mga matatanda daw," natawa pa ako dahil sa huling sinabi ko. Pero totoo naman, matatanda na ang mga bodyguards ni sir manuel at ako lang yata halos ang batang naninilbihan sa kanila.

Pero hindi lang ako sigurado kung iyon nga ang rason ni señorita. Ayoko ng lang mag-isip ng iba kaya‘t iyon na ang sinabi ko kay inay.

“Ang layo pa naman ng skylight, sasakay pa kayo ng barko."

“Parang hindi mo naman kilala ang mga monteclaro, nay. Gagamit iyan panigurado ng chopper para hindi na pumila sa barko,"

Panandaliang napaisip si nanay sa sinabi ko. Iyon naman madalas ang mangyari, sa dami ba naman ng pera nila ay tiyak na mapapadali lamang ang biyahe namin ni señorita patungo doon.

“Kung ikaw pala ang napiling bodyguard ni señorita. Kailangan mong magpaka-bait doon, wala kang kakilala doon mikael. Huwag mong paiiralin ang katigasan ng ulo mo!" napangiwi ako sa sinabi ni inay.

“Parang dose anyos naman ako nay kung sermonan mo. Goodboy naman ang anak niyo, hindi naman ako mag-uuwi ng babae."

“Pinapa-alalahan lang kita, mikael. Baka bigla mabalitaan ko kay señorita na kinukulong ka na," nanlaki ang mata ko sa sinabi niyang iyon.

“Nay naman!"

“Ayusin mo lang ang trabaho mo, atsaka. Bantayan mo ng mabuti si señorita, sayo nakasalalay ang kaligtasan niya." nangiwi akong muli dahil sa narinig. Para namang delikado ang buhay ni señorita kung makapag-payo si nanay. Kung sa bagay, tiyak na nag-aalala lamang sa akin si inay dahil malalayo ako sa kanya ng unang beses.

Mamimiss ko rin siya dahil tiyak na matatagalan ako doon dahil nga sa trabaho ko.

________

LUNES NANG UMAGA...

Maaga akong gumising dahil aasikasuhin ko pa ang mga gamit ni señorita na dadalhina nito sa skylight. Mga limang maleta ang dinala nito na isinakay ko sa kotse niya, nasabi nitong gagamit kami ng private plane dahil hindi niya nais sumakay sa ibang sasakyan.

Dahil marami din ang kanyang dala pati ang gamit ko. Halos magsiksikan na iyon sa compartment ng kotse at sa loob.

“Kasya ba lahat ng damit mo sa isang maleta lang?" tumango ako habang nasa likuran ng kotse. May driver na maghahatid sa amin sa airport kung kaya’t hindi ako ang nagmamaneho doon.

“Iyong mga binili mo ang dinala ko, señorita. Nakakahiya naman kasi baka hanapin mo,"

Pinagtaasan niya ako ng kilay. “Ano pa ba ang porpose ng pagbili ko sayo ng bagong damit kung iiwan mo lang din?"

I Love You, Señorita Adonis Series #6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon