Chapter 9

52 3 0
                                    

Third Person Pov.

Nagawang maubos ni dianneya ang pagkaing niluto ni mikael. At dahil may natira pa sa niluto ng binata ay kinain na niya iyon habang si dianneya naman ay nagtungo na sa kanyang silid upang maligo na.

Dahil kailangan na niyang magtungo ng skylight sa darating na lunes. Nais niyang mamili ng mga bagong damit at sandals na masusuot sa trabaho niya.

Marami naman siyang reserbang damit ngunit ang katulad ni dianneya ay isang salawahan na kung nasuot na niya ng dalawang beses ay hindi na niya ito nais pang ibalandra sa maraming tao.

Matapos nga niyang maligo ay nagsuot siya ng maiksing dress na may kulay maroon at puting guhit sa leeg. Hapit na hapit iyon sa maganda niyang katawan kung kaya‘t lalong tumitingkayad ang kanyang ganda. Nakalugay din ang mahaba nitong buhok na ngayo‘y natuyo na dahil sa ginawa niyang blow dryer.

Nag-apply lang din ito ng light make up dahil umaga rin lang naman. Tutungo lang din naman sila ng mall upang bumili ng mga nais niyang dalhin sa skylight.

“Where‘s mikael?" pagkababa nga niya ng hagdan ay nasalubong nito si danica na may dalang walis. Si mikael agad ang hinanap ni dianneya na nagpa-bago ng awra ni danica.

May gusto si danica kay mikael, at kahit sinabi ni mikael na hindi niya gusto si dianneya. Nagagawa pa rin nitong magselos dahil napapadalas ang kanilang pagsasama.

“Nasa kwarto niya po, señorita. Naghahanda na po." tumango si diannenya bago hugutin ang cellphone sa pulang pouch nito. Nagtipa siya ng numero kung saan dinial nito ang number ni noah.

“I‘m going in skylight this coming monday, ikaw na ang bahala kay mommy and daddy. Just focus in your studies," natuwa si noah dahil pumayag na rin si dianneya na asikasuhin ang negosyon nila sa skylight. Nais kasi ni dianneya na si noah ang humawak doon ngunit hindi naman niya mapilit ang kapatid dahil iba ang gustong tahakin ni noah.

“Thankyou so much, ate. Mag-aaral akong mabuti,"

“That‘s good, umiwas ka muna sa mga babae mo."

“Sureness," binaba na ni dianneya ang tawag bago ipaloob muli ang cellphone sa pouch nito. Dahil medyo natatagalan na siya kay mikael, lumakad na ito upang magtungo sa silid ng binata.

Kumatok siya dalawang beses sa pinto kung saan mabilis din naman iyong nabuksan. Bumungad na sa kanya si mikael na may suot ng pantalon ngunit ang t-shirt nito ay nakasabit pa sa balikat niya.

Hindi maiwasan ng dalaga na hagurin ang katawan nito dahil sino ba naman ang hindi matitigilan sa walong abs na meron ang binata.

“Kanina ka pa ba naghihintay, señorita? Pasensya na, medyo gusto kasi ‘tong damit ko kaya pinlantsa ko muna," nag-iwas ng tingin si dianneya habang isinusuot na ni mikael ang pulang t-shirt nito.

Hindi naman na baduy si mikael sa mga isinusuot niyang damit kahit moreno siya. Nakakadagdag kagwapuhan nga ang kulay nito na siya namang gusto ng ilang kababaihan.

“Nauna pa akong magbihis sayo, i thought your already prepared." natawa si mikael bago mapakamot sa kanyang batok. Iyong ngiti na ipinapakita niya kay dianneya ay hindi nakakasawang tingnan, lalo na at nakadaragdag sa karisma nito ang dalawang dimples niya sa pisngi.

“Pasensya na, señorita. Nagmamali ka ba?" umirap ang dalaga sa tanong nito bago siya tumalikod.

“Huwag ka ng magtanong, let‘s go. Make it quick," natawa na lamang si mikael sa inasal ng dalaga. Ngunit hindi maitatago ng binata ang pagkamangha sa katawan ni dianneya, iinisip nga nito kung totoo ba iyong mga dibdib niya o baka suot lang ng dalaga ang makapal nitong bra kaya malaki silang tingnan.

I Love You, Señorita Adonis Series #6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon