Chapter 3

55 6 0
                                    

Mikael Pov.

Inutusan nga ako ni señorita dianne na linisin ang kotse ng bisita niya. Umulan kasi kagabi at mukhang dumaan ang kotse nito sa putikan, medyo madumi iyon ngunit hindi naman na bago sa akin ang maglinis ng kotse.

Iyong kay sir manuel ay kada isang linggo ay pinalilinis niya sa akin. Si maam francine naman ay dumidiretso na sa car wash at hindi na niya iyon dinaragdag pa sa trabaho ko.

Maarte nga kasi iyon at gusto pa niyang dumaan sa car wash ang kotse niya kesa sa akin.

Hindi tulad ni sir manuel, kuntento na siya sa linis ko dahil may gamit din naman siyang pang-pakintab na mukhang nabili niya pa sa mamahaling mall.

"Huwag mong gasgasan iyan," pasimple lang na umikot ang mata ko. Nasa gilid pa siya habang inaayos ko ang mga gagamitin ko, bakit ko naman ito gagasgasan. Hindi naman ako ganoon katanga para malamatan ang kotseng nililinisan ko.

"Kaya ko ito, señorita. Pumasok ka na, baka naghihintay na sayo ang bisita mo." tumaas ang kilay niya sa sinabi ko. Hindi ko alam kung natunugan ba nito ang sarkasmo sa huling salitang binanggit ko dahil sa reaksyon niyang iyon.

Bakit ba kasi kailangan pa niya akong panoorin?

"Why are sounding like..." huminto siya at hindi na tinuloy pa ang sasabihin. Natawa na lang siya sa hindi ko malamang dahilan.

"Kaya ko na dito, baka mabasa ka. Magalit pa ang nobyo mo," hindi nagbabago ang reaksyon niya sa sinabi ko. Parang gusto ko na ngang mag-umpisa at sadyain siyang basahin.

"You must know how to clean his car. Alam mo, baka mahal pa 'yan sa buhay mo." doon na ako natawa sa sinabi niya. Grabe talaga siya kung magsalita, akala niya ba mananalo siya sakin.

"Pinagmamalaki mo ba iyong mukhang supot sa loob? Halata naman na mas malaki 'yung akin 'don, ang totoy lang 'non señorita." namimilog ang mata niya dahil sa mga katagang binitawan ko. Hindi ko alam kung napikon ba siya o talagang napuna lang nito na totoo ang sinabi ko.

"Ang bastos mo talaga!"

"Oh, kalma." akma niya akong hahampasin ng umatras ako. "Wala akong sinabing bastos, señorita." inangat ko ang kamay ko upang ipakita ang aking braso. Dahil nakasando nga lang ako, makikita mo doon ng husto ang malaking braso na talaga namang hindi mo matatanggihan.

"Ito ang tinutukoy ko, mas malaki pa ang muscle ko. Baka isang ipit ko lang 'don sa braso ko, lumuwa na mata niya."

Umirap siya, tila hindi na apektado sa sinabi ko bago nito ipagkrus ang kamay sa kanyang dibdib. "I don't care to your muscle. Just do your work, make it quick."

Tumalikod na siya matapos sabihin iyon. Pasalamat talaga siya at babae ito, makapag-titimpi pa akong patulan siya. Kailangan ko lang din siyang pagpasensyahan tulad ng ginagawa ko sa mommy niya, ngunit iba itong anak niya.

Mas nilamangan pa niya ang kaartehan ni maam francine. Paniguradong dodoble ang sakit ng ulo ko nito araw-araw.

KALAHATING oras ko lamang nilinis iyon. Nagmamadali na kasi ako dahil medyo nagugutom na nga ako. Pinagdala nga ako ng inumin ni solen na siyang nakita kanina ni señorita. Medyo umaarko ang kilay niya habang pinapanood kami, iba kasi ang ngiti sa akin ni solen na hindi mo makikita sa kanya tuwing kaharap niya ako.

"Ang ganda ni señorita, pero hindi ko type ang boyfriend nito." nasa loob na ako ng kusina. Pagpasok ko at tapos na silang kumain, sila señorita daw ay nasa likuran kung saan nakaupo sila sa mga upuan doon at may ginagawa.

Hindi na ako nag-usisa pa sa kanila. Hindi pa rin naman ako nagbihis kahit na basang basa na ako. Nagugutom na kasi ako, masyado akong pinapagod ng babaeng iyon na para bang nais na lamang niya akong magtrabaho.

I Love You, Señorita Adonis Series #6Where stories live. Discover now