Chapter 1

85 3 0
                                    

Mikael Dela Cerna Pov.

Nakaupo ako sa sarili kong silid habang pinupunasan ang ilong ko. Matapos kong mai-akyat ang mga bagahe ng babaeng iyon. Hindi ko na tinangka pang pumasok sa kwarto niya, iniwan ko na lang ang mga maleta sa tapat ng kanyang pinto.

Bahala siya ang magbuhat sa mga gamit niya!

Siya na nga itong tinutulungan, siya pa ang galit. Kung makasigaw daig pa ang nahila ang anit sa lakas, tsk. Iba talaga pag mayayaman, kaya ayokong nakaka-salamuha ng mga babaeng tulad niya.

Manang-mana siya kay maam francine. Maarte din kasi ang mommy niya, hindi na ako magtataka kung ganoon din ang ugali ng anak niya.

Maarteng inglesera.

"Mikael?" kumakatok si nanay sa aking pinto dahil nga ni-lock ko iyon. Alam kong wala naman na akong gaanong trabaho ngayon dahil araw nga ni linggo. Tuwing linggo kasi ay pahinga namin dito, mabait naman si sir manuel. Hinahayaan niya kaming mag-day off maging ang ilang kasambahay dito sa mansyon.

"Bakit, nay?" binuksan ko ang aking pinto. Salubong ang aking kilay habang may towel na nakatapal sa ilong ko.

Siguradong namumula pa rin ang ilong ko na parang kamatis.

Kasalanan talaga ito ng babaeng 'yon.

Mababawasan pa ang kagwapuhan ko.

"Ipagmaneho mo si señorita dianne, may pupuntahan daw ito," mabilis na nagsalubong ang kilay ko dahil sa utos ni nanay.

"Bakit ako nay? Wala ba siyang personal driver? Atsaka, ayokong makasama 'yon. Tingnan niyo ang ginawa niya sa ilong ko," ipinakita ko kay nanay ang namumula kong ilong. Ngunit natawa lang siya na mas lalong kinanuot ng aking noo.

"Ano bang nangyari diyan sa ilong mo?"

"Binato lang naman niya ako ng sandals!" nakaduro pa ang daliri ko sa distinasyon sa itaas. Para bang naroon ang babaeng iyon na ngayo'y tinutukoy ko.

"Baka hindi naman iyon sinasadya ni, señorita. Sige na, puntahan mo na siya sa labas. Wala si sir manuel ngayon, nasa opisina na," napabuntong hininga ako habang naiiling. Ano pa bang magagawa ko? Magiging driver lang naman ang isang tulad kong gwapo sa isang dalagang amazona.

Tsk. Subukan lang talaga niyang pairalin ang ugali niya sadista. Makakatikim siya sakin.

"Sige na, nay. Wala naman akong magagawa eh. Masunurin kaya ako sa nanay teresa ko!"

Sinamaan niya ako ng tingin matapos ko siyang akbayan. "Ayusin mo ang trabaho mo dito, kael! Babalik na ako kila samuel bukas, aasikasuhin ko pa si jacob," nangiwi ako dahil sa rason ni nanay.

"Susmaryosep naman, nay. Ano 'yon baby damulag? Kulang na lang ay lagyan mo ng pampers ang lalakeng 'yon at ihele sa duyan!" umamba siyang sasapakin ako ngunit mabilis akong nakailag.

"Huwag mong pinagsasalitaan ng mga ganyan ang monteclaro. Malamang pagsisilbihan ko sila, ang batang 'yon ay alaga ko na simula noong bata pa siya!" umikot ang mata ko bago mailing.

"Oo na, nay. Mas inalagaan mo pa nga sila kesa samin. Pero ayos lang, kaya ko naman alagaan ang sarili ko 'non at kapatid ko," bumuntong hininga si inang sa sinabi kong iyon.

"Alam mo naman para sa inyo ni matteo itong ginagawa ko, kael. Kailangan kong magtra--"

"Oo nay," pinutol ko na ang sasabihin ni nanay dahi alam kong magiging MMK lang ang drama niya hangga sa mapadpad na kami sa ginastos niya noong bata pa ako."Alam ko naman 'yon. Binibiro ko lang kayo, masyado kayong seryoso sa buhay. Pero alam niyo, hindi rin naman ako titigil sa pagtatrabaho hangga sa hindi nakakapag-tapos si matteo. Ako ang bahala sa kapatid ko,"

I Love You, Señorita Adonis Series #6Where stories live. Discover now