Chapter 8

50 5 0
                                    

Third Person Pov.

Natatanaw ni dianneya si mikael na nakatayo sa hindi kalayuan habang pababa siya ng hagdan. Nangunot ang noo ng dalaga dahil nagtataka siya kung bakit parang rebulto itong nakatayo doon habang nakatingin sa kanya.

Suot niya ang isang pulang maxi dress na walang sleeve. Nakalugay ang mahaba niyang buhok habang may dalang libro na babasahin niya doon sa likuran..

Mahilig kasi siyang magbasa, at habang wala pa siyang trabaho ngayon sa skylight ay sinusulit pa nito ang kanyang bakasyon.

Marahan ang pagbaba niya sa hagdan maging ang paglapit nito kay mikael. Ganoon pa rin ang reaksyon ng binata kung kaya‘t mas lalong nangunot ang noo ni dianneya.

“You look amaze on something," hindi napigilang punain ng dalaga ang reaksyon ni Mikael habang nakatingin sa kanya.

Doon na rin muling bumalik sa wisyo ang binata na ngayo‘y nagawa na niyang mag-iwas ng tingin.

“May iniisip lang ako, señorita. Pero kung iniisip mo na namamangha ako sayo, ayos lang." Nagawang ngumisi ngayon ni Mikael kahit totoo namang namangha siya sa dalaga kanina.

Pakiramdam nito ay hindi na mawawala sa isip niya ang nangyari sa bar kagabi. Sa tuwing mapapatingin siya sa labi ng dalaga ay naaalala lamang nito kung gaano iyon kalambot.

“Feelingero ka talaga no?" Umismid ang dalaga dahil madali kung uminit ang ulo niya kay mikael. Ngunit hindi naman niya maitatangging may ka-gwapuhan ang binata.

Sa totoo lang, kung titingnan mo si Mikael ay hindi mo naman aakalaing hardinero lamang siya. Sa kagwapuhan nito at kakisigan ng kanyang katawan ay mapagkakamalan mo itong modelo, idagdag mo pa na malakas ang dating niya sa bawat babae.

“Binibigyan na nga kita ng choices, señorita. Huwag mo ng tanggihan,"

Hindi nagbigay imik si dianneya, muli lamang niyang inirapan si Mikael bago ito lagpasan.

“Just make me some hot coffee,"

Natawa si Mikael sa utos ng dalaga. Dumiretso ito sa likuran at natitiyak ng binata na tatambay lang ito sa harapan ng pool.

Dahil sa utos ni dianneya. Gumawa ng kape si Mikael na sakto lamang sa kanyang panlasa, dinagdagan lamang niya iyon ng gatas dahil baka hindi gaanong tipo ni dianneya ang may matapang na lasa.

Inilapag iyon ni Mikael sa gilid niya habang nagtitipa sa cellphone si dianneya. Hindi pa rin siya lumilisan sa gilid nito dahil baka bigla ay may i-utos muli sa kanya ang dalaga.

“Where‘s mom and dad?" Nilingon ni mikael si dianneya ng magsalita ito. Dahil sila lang naman dalawa ang naroon, natitiyak naman ni Mikael na siya ang kinakausap ni dianneya.

“Hindi ko alam kung saan sila pumunta, señorita. Madalas naman na maaga silang umalis para sa kumpanya ninyo,"

“Do I need to work there? I know you can handle that place, bakit ako pa?" Nangunot ang noo ni Mikael dahil sa pinagsasabi ng dalaga.

“Hindi kita maintindihan, señorita."

“Why are you always saying that? Your a monteclaro, you have rights in our bussiness, Noah!"

“Noah?" Nangunot ang noo ni Mikael, doon rin niya nakita na ang mga sinasabi ni dianneya ay sinisend nitong voice message sa kapatid.

“Whatever!"

Binaba ni dianneya ang cellphone matapos sabihin iyon. Doon na rin niya nilingon si Mikael na may masamang tingin.

“Kung hindi kita kinakausap pwede huwag ka‘ng sumagot," napakamot sa ulo ang binata ngunit hindi nawawala ang ngisi nito.

I Love You, Señorita Adonis Series #6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon