Chapter 43

50.4K 913 137
                                    

Chapter 43

 

“Andrea? Ano bang sinasabi mo dyan? Gabi na, matulog ka na.”

“Hindi na ako bata pa. Sagutin mo ang tinatanong ko!” Bukas ang pinto at alam kong nasa labas lang sila Andie.

“Ang sabi mo noon, hindi mo alam ang tungkol saakin.” Tumango lang siya bilang sagot. Hindi pa din nawawala ang pagtataka niya sa mukha.

“Ang sabi mo anak mo sila.” Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang mga nagbabanta kong luha.

Katulad ng sagot niya kanina, tumango nanaman siya.

“Hindi mo sila anak. Ako ang anak mo! Ako ang tunay mong anak pero mas pinili mo sila!” Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon niya sa mukha. Mula sa pagkatataka napalitan ito ng pagkagulat.

“Nagpakasal akong hindi nalalaman ang tungkol sayo. Alam mo yan.” Paliwanag niya saakin.

“SINUNGALING! Ang sabi ni mama, nagpakasal ka sa iba dahil may babaeng nabuntis ka!”

“Andrea! Tama na.” Naramdaman ko ang paghawak saakin ni Andie sa braso ko pero agad ko din tinanggal ang kamay niya saakin.

“Pabayaan mo ako Andie.”

“Andrea.”

“Hindi ko pa din maintindihan kung bakit kayo ang pinili niya. Buong buhay ko gusto ko ng isang masayang pamilya. Yung lumaking may kinikilalang tatay.” Pinunasan ko ang luha ko at saka nag-umpisang maglakad palabas sa silid. “Masaya ako noong nakilala ko si papa. Pero yung hindi ko naman siya madalas makita, yung may inuuwian siyang ibang pamilya. Yun ang masakit. Ang malala pa nalaman ko ito ng hindi sainyo mismo galing. Kaya hindi mo din ako masisisi kung malayo ang loob ko sayo.”

Iniwan ko silang tatlo sa silid. Ito ang pamilyang kinasuklaman ko ng ilang taon. Ang pamilyang kinainggitan ko. Ang pamilyang dapat ay saamin.

“Andrea. Buksan mo ang pinto!” Nag-aayos ako ngayon dahil aalis ako. Hindi ko kayang mag-stay dito ngayong gabi.

“Andrea!” Bago pa magiba ni Andie ang pintuan binuksan ko na ‘to. Hinayaan ko siyang pumasok at ako naman ay bumalik sa ginagawa ko.

“saan ka pupunta? Bakit ganyan ang suot mo?”

“Bar.”

“Hindi ka pwedeng lumabas.” Kitang-kita ko ang ekspresyon niya sa salamin. Galit siya at halatang ayaw sa suot ko.

“Hindi ko kailangan ang approval mo sa kahit anong gagawin ko.” Sabi ko saka ako naglagay ng lipstick.  

Inaamin kong natatakot ako kay Andie. Ang tingin niya ngayon saakin ay kakaiba. Nakakatakot siya.

“Sinong kasama mong lalabas?”

“Kahit sinong makilala ko mamaya. Heto naman ang tingin saakin ng mga tao, hindi ba? Sa ganitong paraan lang din naman tayo nagkakilala, tama ba?” Humarap ako sakanya at saka lumapit.

“Wala kang pakialam sa kung anong gagawin ko. Hindi kita kapatid at lalong hindi kita boyfriend.”

Nagulat ako nung bigla siyang tumayo. Napaatras ako dahil mas ramdon ko ang galit niya ngayon. Mas nakakatakot siya kumpara kanina.

“Hwag na hwag mong sasabihin yan!”

Nagpumiglas ako nang bigla niyang hawakan ang magkabilang braso ko.

“Bitiwan mo ako Andie!”

“Tell me anything but that!” Bago pa man ako makapag-react, he forcefully kissed me. Ilang ulit ko siyang tinulak papalayo saakin. Parang reflex nalang na dapat ko taalaga siyang itulak. Sa ginagawa niyang ito parang pinapatunayan lang niya na mali ang akala ko sakanya.

Nang matulak ko na siya, kusang kumilos nalang ang katawan ko at agad siyang sinampal. Halos mamanhid na ang kamay ko sa pagsampal sakanya.

Pareho kaming hindi makapaniwala sa mga ikinilos namin. Hindi ko ko inakalang magagawa niya saakin ang ganitong bahay. Hindi ko siya mapapatawad sa pagpapaalala saakin sa mga bagay na dapat nabaon na sa limot.

Bago ako umalis, tinignan ko siya ng masama at saka pinunasan ang mga labi ko sa harapan niya.

“Wala kang pinagkaiba sakanya.” Ito ang mga huling katagang nasabi ko sakanya bago ako umalis.

For my own good, I am letting go of something that once meant a lot to me. I need to let it go and close this chapter of my life.

*****

LOL! ang tagal na ng ANDREEN scenes. si Zydn kaya? kumusta? bakit kaya nawawala siya sa mga update? anong pinagkakaabalahan niya? NASA TABI KO KASI SIYA *O*

sarreh kung nagiging lame na ang UD. Mukhang maiiba nasa isip kong ending. ang gulo kasi ng utak ko XDDDD sa mga bago kong reader ganito kasi talaga ako. paiba iba kaya hindi ako nag-iisip minsan ng plot kasi utak ko di ko din mahulaan. HAHAHA

ang konti na ng nagcocomment. nasasad ako TTOTT chos!

Prove Me WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon