47th

5.7K 193 157
                                    

Walang Kapareha



"Balik agad kayo, please! Dalas-dalasan niyo naman ang pagbisita!" mahigpit ang yapos sakin ni Tita Maribeth na para bang ayaw niya na akong pakawalan. Halos madurog ang mga buto ko sa huling piga niya sakin. Napahalakhak ako.

"Oo nga, Ate! Kahit ikaw na lang, wag mo na isama yan si Kuya.." hirit ni Tim habang nakapamewang sa likod.

Sinamaan siya ng tingin ni Austin. "Eh kung bawiin ko yang iPhone mo?"

"Luh? Si Ate Solace naman nagbigay neto eh!" ani Tim sabay tago sa bagong phone niya na fresh from the box pa.

"Oo nga, wag ka nga, Kuya!" gatong din ni Adam bago bumaling sakin at nagpacute. "Thank you, Ate, sa bagong gaming set-up!"

"Wala yun.." ngiti ko.

Bumuntong-hininga si Austin. "Isa ka pa, masyado ka na ring namimihasa. Ayos na ayos pa nga yung binigay sayong Predator nung nakaraan,"

Nagtuloy-tuloy pa ang sermon ni Austin hanggang tuluyan kaming maihatid ng pamilya niya sa labas.

Bago ako makapasok sa sasakyan ay binulungan pa ko ni Tita. "Thank you ulit sa biyaya ha... Ibabalik ko 'yon, promise.."

She winked at me and I just smiled while assuring her that there's no need to. Unti-unti lamang nabura ang ngiti ko nang magtama ang tingin namin ni Austin pagsampa ko sa sasakyan. By the looks of it, he may have heard what her mom told me.

Nakumpira ko iyon nang manatili siyang walang kibo matapos paandarin ang sasakyan, hindi na nag-abalang ibalik ang magiliw na kaway ng mga iniwan namin. Austin's face was grim as he maneuvered the car, still not saying a thing until tuluyan kaming makalayo sa kanila.

"Pinauntang mo na naman si Mama.." it was a statement, not a question.

"No, I didn't.." malumanay na tanggi ko. "Hindi naman siya nangutang, kusa akong nagbigay.."

He didn't look so happy with my response.

"I already told you not to do that." now it sounds like he's nagging me.

"And I also told you I won't. Hindi ko maintindihan, ano ba kasing masama ron?"

We've been together for over a year now. Ilang buwan pa lang nang magsimula siyang magtrabaho ulit dito sa Pilipinas. Halos kasabay ng pagbubukas ng physical store ko. Nagkaroon ng offer sa kanya sa BFP rito at gusyo niyang subukan dahil competitive naman ang salary.

I love his family. Mabilis napalapit ang loob ko sa kanila kahit bihira kaming makapasyal dito sa kanila sa Valenzuela. His two brothers and even his cousins are goofy. Halos puro lalaki silang magpipinsan sa mother side. Kahit anong dasal daw ni Tita Maribeth na sana ay babae naman ang pangatlong anak ay bigo pa rin. Parang gusto raw nila i-Ctrl Z si Adam matapos i-ultrasound.

He sighed.

"I already told you how I feel about it, Solace.. It may be nothing to you but it's something to me,"

Natahimik ako. I bit my inner cheek as guilt slowly creep into me.

Totoong kinausap niya na ko dati tungkol doon. He clearly told me he wasn't comfortable with me doing that.

"I just... can't help it.. I heard magtatransfer na si Adam kung hindi mababayaran ang tuition niya this time.."

He heaved a breath. "He doesn't have to go to the most expensive school, anyway.. It would just be practical for him to transfer to a school we can afford,"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 05, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FidelityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon