32nd

5K 298 86
                                    

Soft lips



The scores I got in my majors were mediocre but I was more than happy! Sapat na sakin na nakapasa sa finals dahil sobrang hirap! Ilang araw akong hindi mapakali matapos ang exams dahil sa takot na bumagsak. Fortunately, I got the ones we reviewed right.

"Isa pa. One, two, three." kasabay ng pagbilang ni Adea ang pag-akbay ni Davion sa balikat ko.

Today's our graduation ceremony at nasa pila na kami ng section namin habang naghihintay na magsimula ang pagmamartsa.

Bihira akong ngumiti sa pictures pero hindi napigilang umangat ng sulok ng labi ko nang mag-flash ang camera. Madalas kasi ay naka-fierce at nag-iinarte lang ako sa harap ng camera pag nagseselfie.

Inabot ni Adea ang phone samin at agad kong tinignan ang mga kuha. Seeing us in black toga makes me want to tear up a little bit. We've come so far. I was almost sure I'd be delayed in this course when I was just starting. But here I am now, graduating.

"Picture-an ko rin kayo!" wika ko sa dalawa bago inangat ang camera.

Parang ayaw pa ni Adea pero nang magpose na si Davion at nagbilang ako'y wala na rin siyang nagawa. I was laughing at the contrast of their reactions. Mga naka-tatlong click ata ako sa camera bago nakuntento.

"Will Adea play professionally after college?" tanong ko kay Davion nang bumalik na ulit si Adea sa pila niya. Hindi rin naman kami magkasunod sa pila ni Davion pero dito raw muna siya sa pwesto ko hangga't hindi pa naman nagsisimula.

"Yeah.. She's being scouted by a lot of teams since last year," he said while holding my hand. "Ayaw pa ngang sabihin samin kung alin ang napili niya. I'm guessing it's either Petron or Akari. Their offers were crazy massive. It's obvious they badly want her for their teams,"

I slowly nodded. "Does that mean hindi niya rin magagamit ang undergrad course niya? Parehas pala kami,"

"Tito still wants her to go to grad school while playing pro," he shrugged. "Para daw may lugar pa rin siya sa kompanya sa oras na huminto na siya sa paglalaro ng volleyball."

"That's great, then!" lumiwanag ang ekspresyon ko "Magkasama pala kayo!"

Sa pagkakaalam ko ay airline business ang pag-aari ng pamilya ni Adea. I once asked her why she took Engineering instead of Aviation or Magangement and she said it was her Dad who advised her to. Mas malawak daw kasi ang technicalities na makukuha niya rito. Sabi ni Davion ay in-line din naman ito sa interes ni Adea bukod sa volleyball kaya't pabor din sa kanya. Walang pilitang nangyari.

"Saan pala banda sila Tita?" tanong ko kay Davion nang sumagi sa isip ang pamilya niya.

"Near the stage. Gusto ka ngang isama sa dinner mamaya. Sabi ko, may after-party din sa inyo kaya't hindi pwede."

Legal kami both sides kaya't walang problema pagdating sa mga magulang. Magiliw ang Mommy niya at palabiro. She's very welcoming of me! Yun nga lang ay hindi lang din kami masyadong nagkakasalamuha tuwing nasa kanila ako dahil business-oriented din si Tita at madalas abala sa negosyo.

Hindi nagtagal ay kinailangan na ring bumalik ni Davion sa pwesto niya. He was right next to Adea.

"Hindi ka selosa, 'no?" I heard Christy commented while eyeing Davion. Siya ang kasunod ko sa pila kaya't siya ang nakakausap ko rito.

Nagtatakang sinundan ko ang linya ng tingin niya. Noong una ay hindi ko pa agad nakuha ngunit nang matanaw si Eunice, isa sa mga naging ex-fling ni Davion noong second year, na malapit sa pwesto nito ngayon ay tingin ko'y napagtanto ko na ang tinutukoy niya. Katabi kasi namin sa pila ang section nila Eunice.

FidelityWhere stories live. Discover now