22nd

5.3K 313 242
                                    

Kahit saan



"Chill... we don't even know yet what she's like. Whether she's cool or not. Malay mo—"

"Stop it, Davion! Basta! Ayokong masira ang trabaho ng assistant ko dahil sayo. I don't wanna see her wrecked and devastated at work one day because of you."

I can't believe we're having this conversation again! Hindi pa ba sapat yung obvious disapproval ko kahapon? Ito agad ang bukambibig niya nang muli kaming magkita! Talagang pinagnanasaan ang personal maid ko ni gago!

"What if she's cool with—"

"Oh, come on! Ilan ba sa mga naging fuck buddies mo ang hindi naattach, sige nga? Yung cool daw sa no strings attached pero halos mabaliw nung biglang ayaw mo na? I've seen the most composed and perfect girls transform into a completely different person because of you, Davion."

"Well she doesn't look like that type of girl—"

"Enough. Nasabi ko na ang gusto kong sabihin. Ayokong pagdating ng oras ay maipit pa ko sa gulo ninyong dalawa. I don't like dramas. So don't you dare involve yourself with Marina. Not with my Assistant." may pinalidad na wika ko. "That's it. Nothing can change my mind,"

Talagang hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong maipilit ang gusto niya. Mahirap na. Mabuti na yung nagkakaliwanagan kami.

That discussion didn't end well and I'm not really sure how things are gonna turn out from there. One thing is for certain, though. Davion's not pleased about it.

"Ano?" binunton ko ang iritasyon sa voice mail nang doon na naman ako maredirect matapos mareject ang tawag ko kay Davion for the nth time this week. "Magkalimutan na lang talaga, ganon? Dahil lang don? Fine! Bahala ka sa plates mo!"

I murdered the end button and threw my phone on the car seat. Malakas lang ang loob kong magbitaw ng salita pero ang totoo'y naiiyak na ko! Isang linggo na kong walang maintindihan sa Thermodynamics at Machine Design!

Ramdam ko ang pagtutubig ng mata sa inis. My gaze unconsciously turned to the rearview mirror. I was relieved to see the driver looking straight on the road instead of me. My bodyguard's driving for me.

So far ay wala akong mairereklamo sa kanya. He's focused on his job and he's very professional.

Nung una ay kinwestyon ko pa ang desisyon nila Mommy na kumuha ng bodyguard na hindi nanggaling sa isang security agency. But then, I found out that he actually is. Noon ko lang din nalaman na mas matanda pala siya sakin ng tatlong taon. I thought we're of the same age since we're batchmates. Apparently, pahinto hinto pala siya sa pag-aaral dahil sa trabaho. That's what I saw from his resume.

"Nasaan si Marina?" tanong ko sa kanya para basagin ang katahimikan.

He never really talk unless there's a need to. Halatang trained iwasan ang anumang unnecessary interaction para walang distraction. Well, mukha namang sanay talaga siya sa ganon. Kahit sa Art Club ay mailap siya. I can't even recall a lengthy encounter with him. He was just introduced to me as Don, which is short for Adonis, and that's it. Hindi rin naman siya ganoon kaactive sa club.

"Lumiban sa trabaho, Ma'am.. Kung may lakad ka ngayon ay ako na muna ang mag-aassist,"

Halos sumakit ang ulo ko kakaisip kung ano ang ibig sabihin ng una niyang sinabi kung hindi ko pa tinanong ulit sila Manang pag-uwi sa bahay kung bakit wala si Marina. Kadalasan kasi ay kasama ito sa pagsundo sa akin mula sa school kaya't nagtaka ako nang hindi siya makita kanina.

"Absent.. Nagfile ng sick leave,"

Hindi ko maiwasang mag-alala sa nalaman. Manang even told me that Marina actually tried to make it to work and she was already here earlier when she decided to call in sick. Anila'y pinahatid na lang nila ito sa bakanteng driver.

FidelityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon