Chapter 20: What If's

9 1 0
                                    

Nakakadismaya lang na patay na si John Snow ng Games of Thrones. Lahat na lang namamatay kulang na lang pati yung mga viewers!

This is not related to my story CSMHBHH. Kaway kaway diyan mga die hard fans ng GOT.
---------------------------------------------------------------------------------

Sabrina's POV

What if Koji was the one lying in the bed at the Heavenly Hospital?

Bakit sigurado ka bang babalik siya sayo kapag nagpakita ulit?

What if he will come back to me and explain everything?

Bakit may magbabago ba?

What if I'm wrong thinking stupid things about him?

Bakit hindi ka na ba natuto sa unang encounter sa kanya?

What if he will sincerely beg for forgiveness?

Bakit maniniwala ka na naman sa matatamis niyang salita?

What if he will confess again that he loves me more than in the past?

Bakit nabugog na ba ang ulo mo para mabilog ka na naman ng katangahan mo? Hindi ka naman baliw kung meron ka sa mental at mas lalong hindi ka bobo kasi nag-iisip ka.

"Wahhhh!" napasigaw na lang ako sa study table ko dahil sa mga what if's na yan. Gulong gulo ang isipan ko dahil everytime na may katanungan ako tinatanong rin ako ng konsensya ko.

Para akong tanga na nakatunganga habang nakaupo sa study table ko. Nagmumukha na ngang 500 pesos na ang mukha ko dahil sa kakaisip sa nakita ko. Guni- guni ko lang ba iyon because I'm longing for his presence? O sadyang dahil sa takot ko kanina baka kaluluwa niya ang nakita ko? Hmpft! Hayaan na nga lang hindi naman original ang mukha ni Koji dahil baka kamukha niya lang iyon. Pero bihira lang ang mukhang gwapo na kastandard ni Koji.

"Hey girl?! Are you okay? Saang lugar na ba nakarating yang kaluluwa mo?" ayan nag-uumpisa na naman siya sa pagiging sarcastic niya. Ang sarap lang paluin ang ulo para tumino pero mas lalong naging kalog. Chos!

"Bestie may nakita kasi ako sa hospital..." hopeless na tono ng boses ko. Tipong naYolanda ako sa nangyayari at mga nasasaksihan ko. Gosh! Mamumuti na ata ang brain cells ko sa kakaisip.

"Hospital? May nakita ka? Oy! Iba na yan best ha?" tinapik ako sa balikat na may halong takot at pagiging malanding tono ng boses.

"Timang! Hindi pa ako nababaliw," sabay hampas sa balikat niya. Kung ano- ano kasi ang iniisip niya. Duh?! Mababaliw na lang ako kapag nagpakita sa harapan ko si Koji.

Biglang may dumaan na anghel sa harapan naming dahil biglang tumahimik ang bakla at hindi siya nagreklamo. Ang awkward lang ng hindi siya nagsasalita at hindi siya nang-aasar. Nakakamiss na rin kasi iyon dahil sa ilang weeks na nasa hospital siya ay wala akong kasama sa boarding. I miss my human alarm clock! Chos!

"Huy best! Kamusta na kayo ni Luke?" biglang binasag ni Derick ang katahimikan na namamagitan sa amin.

"Luh?! Walang kami ano? Hindi ko siya boyfriend," sabay pagtataray sakanya. Ano kasing sinasabi nito at iniisip niyang boyfriend ko si Luke?

"Di ka naman assuming ano? Anong pinagsasabi mong boyfriend?" napatawa siya.

"Sabi mo kasi kamusta na kami," para akong basang sisiw sa mga sinabi ko. Assume much ata ako? Ito na ata at bumabalik na ang true power of being sarcastic ni Derick.

"Girl?! Kapag kinakamusta ko kayo boyfriend agad? Hindi ba pwedeng friend muna kayo?" yeah! Sarcastic king is finally home!

"Linawin mo kasi," sabay bato sa kanya ng unan na hinahagkan ko.

Cupid Stole My Heart, Break His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon