Chapter 10: A Glimpse of Past

21 3 1
                                    

Hi! Naka 10 chapters na ako. Kung nagustuhan niyo leave a COMMENT. VOTE. READ. SPREAD TO OTHERS. PARA MABILISAN RIN ANG UPDATE. ICHISMIS NA ITO! HAHA :)
THANKS FOR READING THIS. LOVE YEAH!
---------------------------------------------------------------------------------

Sabrina's POV

*Flashback*

"Goodmorning classmate, I'm Luke Castellan Caronan Baylon. You can call me Luke or Castie. Nice meeting you all," seryosong seryoso ang mukha ng bago naming classmate. Nice meeting you? Eh nasaan ang nice dun kung ganyan ang mukha mo poker kung poker.

"Nice meeting you Luke! Castie!" paghihiyaw naman ng mga classmate kung todo tulo ang laway at sipon. Napansin kong tumitili ang ibang babae at todo bulungan sa katabi nila. Gosh! Elementary pa lang ganayan na sila umasta. How much more kung lalaki (grow) na sila? Mga SPG itong mga ito. Kailangan ng SUPER PARENTAL GUIDANCE!

Agaw pansin naman ako ng hindi ko napansin na sinabi ko ang buong pangalan niya, "Nice meeting you Luke Castellan Caronan Baylon." Kaya napalingon siya sa gawi ko nasa row 1 column 2. Dahil medyo malapit ako sa kanya tanaw ko ang kanyang mukha. Parang hindi siya pure Filipino dahil sa istura pa lang ay matured niyang tignan. Apelyido na nga lang alien na dito sa Pilipinas.

Sinungitan niya ako at he rolled his eyes on me. Ay ang samang bata ganito siya magwelcome eh ang ganda ganda ng bati ko sa kanya. Sayang laway ko dun ahh. Napahiya ako sa mga classmate ko kaya todo bulong nila sa akin.

"Ay napahiya si Sabrina? Nakakatuwa," sabay tawa ng hindi malakas ni Trixia. Nasa harapan ko siya kaya pagkatapos niyang sabihin yon ay inirapan niya ako.

"Ang epal niya kasi,"bulong ng isang babae sa likod ko. Si Pegasus naman iyon. Epal daw ako? Nahiya naman ako sa mukha niyang kabayo na may pakpak.

Hindi na ako lumingon at hindi ako nagpatinag sa mga bulong na wala naman kwenta na tulad nila. Hindi yan makakatulong pagkalaki ko. Napayuko na lamang ako dahil napahiya ako sa mga classmate ko na siyempre nakatingin pa rin sa akin.

"Okay quite na class. Saan ka kaya pwedeng umupo Luke?" bulong ni teacher. Hindi na ako lumilingon dahil medyo pumangit ang araw ko. Ang sarap ihampas ng batang ito; maldito niya.

"Maam. Dito na lang siya. Rosa alis ka dito," sabi ni Beatrice. Wow? Landi lang Beatrice ano? Alam kong mayaman ka pero paalisin mo si Rosa na mas matalino sa iyo. Dapat sa row 4 ka eh kasi kalandian lang ang alam. Kung hindi lang nakiusap ang nanay mo.

"Waahh! Ma'am here na lang. This would be the right place for him. English speaking than I will entertain him," tumayo si Amanda sa kinauupuan niya. Hindi siya laking America pero dahil nagpapatutor siya how to speak English kaya magaling magsalita. Nasa row 3 kasi siya kaya feel ko ayaw ni teacher Melanie. Nagtataka kayo kung bakit nasa row 3 siya well magaling lang naman siya magsalita without even thinking kung ano- ano ang pinagsasabi.

Ayan inagawan niya ako ng eksena siya na ngayon ang umagaw ng pansin kaya kumawala na rin ang mga titig sa akin. Hay! Thanks Amanda. Your my Attention Catcher Saviour!

"Alam ko na doon ka na lang Luke," sabay turo ni teacher sa isang bakanteng upuan. Hindi pa rin ako lumilingon dahil yun na nga pahiya. Nilalaro ko na lang ang eraser sa kamay ko. Narinig ko ang paggalaw ng upuan at lamesa namin. Wag niyang sabihin na dito siya uupo sa tabi ko.

Napalingon ako sa gawi niya oo nga si Luke Castellan Caronan Baylon nga ang nasa tabi ko. Wow ang saya naman ng araw na ito. Sumulyap ako ng kaunti sa kanya pero bigla ko naman na inalis ito baka sungitan lang ako.

Cupid Stole My Heart, Break His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon