Chapter 13: Soon To Be...

33 3 7
                                    

Sabrina's POV

"Ano ka ngayon? Pinasubo mo pa ako sa kagagahan mo. Masyado ka kasing paranoid nag-eskandalo pa tayo sa loob," binatukan ko si Derick na parang basang sisiw na naglalakad.

"Aray! Eh, hindi ko nga alam naalarma kasi ako dahil sa nakita ko. Ikaw kaya kung nakita mo si Koji na may kasamang ibang babae. Baka dudugo agad ilong mo." At may gana pa siyang sumbatan ako about kay Koji. Kapal talaga ng face nito.

Inirapan ko na lamang siya habang nakaupo kami sa KFC fast food chain dito sa SM. Medyo napansin kong lagian na lang ipinaparealize sa akin ni Derick ang Koji na yan. Lagi na lang akong natatameme kapag binabanggit ang pangalan niya. At sarap ihawin itong katabi ko eh lalo na ang bibig ang daldal matapos magwala sa loob ng BENCH stall. Hay! Nako wala na akong mukhang ihaharap! Magiging viral ang video nito sa Facebok at Youtube.

*Flashback*

"Huy! Mga paparazzi ba kayo? Hindi naman mga artista yan kaya tigilan niyo na yang pagvivideo," nasa harap lang naman ako ng BENCH stall habang nag-sisigaw ang baklitang ito. Attention Catcher eh.

Pilit kong pinapatigil ang hindi magkandamayaw na audience sa pagpipicture at pag-vivideo.

"Miss umalis ka diyan baka ibato ko sayo itong camera ko," sinabi sa akin ni Kuya na nakaeyeglass na hawak hawak ang dambuhalang DSLR niya.

"Ang kapal mong dork, nerdy, wallflower, weird, imbeciles. Hmpft! Letche!" inirapan ko siya at todo bulaslas naman ako sa pagsasalita. Tumalim lahat ng mata ng mga nagvivideo sa akin kaya para akong tutang napahawak sa sarili.

"Ayun na nga aalis na ako," ngumiti ako ng mapakla saka bumalik kay baklita. Nakipag-away pa ako sa baklitang ito para hindi mavideohan pero todo ang bunganga.

*end of flashback*

"Wag mo ngang sinasali ang hudas na Koji na yan. Kairita to the veins!" pag-iirita ko.

"Kita mo! Ganyan na ganyan ang feeling ko sister," hinarap niya pa ako at sabay tawa sa harap ko.

"Wala akong paki sa feelings mo!" inirapan ko ulit siya. Grabe! Masakit na ang mata ko kakairap pero may mas sasakit pa doon eh ang puso ko. Chos! Basta damuho ka Koji!

"Kita mo itong froglet na ito. Chombagin kita diyan eh."

At ayun na nga kinuha nan man ang little salamin niya at make-up niya. Di talaga nahihiya ang baklitang ito nasa loob kami ng kainin ginawa niya pang parlor.

"Bakit dusty yang damit ko Kendra," narinig kong pinapagalitan ng isang momy ang anak niya dahil may mga polbo sa dress niyang black.

"Mommy, it's not my fault," malapit ng umiyak ang bata. Ang cute lang tignan pero nahiya naman ako sa English niya kinabog pa ako.

"Pwe! Ano yun?" paubo ubo ni ate na pinapagalitan yung bata kanina. Parang pumapak ng polboron kaya napaubo.

Napalingon siya sa gawi namin ni Derick na nanlilisik ang mga mata at may mga ulap ng namumuo sa ulo niya. Shit! si tita magsusupersayan na ata. Galit na galit na nakatingin sa likod ni Derick na malapit niya ng lamunin.

"Hoy! Stop that na bakla galit na si ateng sa likod mo," nginuso ko pa kung saan. Nakita ako ni ate kaya bigla kong binawi. Mamaya eh ako ang lalamunin niya ng galit.

"Just a minute. Konti na lang babawi ako kay Kevin babymylovesosweet," napahawak pa sa mamay niya na parang nagdadasal na kinikilig.

"Anong klaseng endearment yan? Sa Neptune mo ba kinuha yan?" I sarcastically said kaya nawala agad sa mukha niya ang kakiligan. Inirapan niya ako at bumalik ulit sa mahiwaga niyang salamin. So Narcissistic!

Cupid Stole My Heart, Break His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon