Chapter 2

14 3 0
                                    

(Continuation) Eugene POV;

Nakatingala ako ngayon sa kisame. Its been 1 week since iwasan at layuan ko sila Ishia at Keiro. Tumigil na din sa pangungulit si Ishia. Na guguilty ako tuwing nakikita ko sya, pero mas lalo akong nasasaktan dahil bukod sa pinaka matalik ko syang kaibigan, lagi ko syang nakikita kasi nasa iisang room lang kami.

Ang awkward pag mag ka group kami, pero parang okay lang ang lahat sa kanya tuwing may part kaming gagawin sa activities. Nabigla ako nang biglang may tumapik sa'king binti

"Nak mag bihis kana" utos ni nanay.

"San tayo ma pupunta?" Nagtataka kong tanong.

"Aattend tayo sa burol"

Mabilis akong napa upo ng maayos at naka tingin lang sa kanya "Burol nino?"

"Hindi ba na banggit sayo ni Ishia?, na wala na ang lola nya?"

Napatayo agad ako sa kama "Ano?!!" Gulat na pagkakasabi ko.

Nagtatakang syang tumingin sakin nag makita ang reaction ko.

"Okay lang ba kayo ni Ishia?"

Umiwas agad ako sa mga mata nya "O-oo naman ma...medyo hindi kami halos nakaka pag usap kasi busy daw sya sa bahay"

Ayaw ko mang magsinungaling, pero ayaw ko ding mag alala sya sakin.

***

Andto kami ngayon sa bahay nila Ishia. Andto rin ang ibang parents ng classmate namin na naging matalik na kaibigan ng lola nya. Habang nagkukuwentuhan at busy ang lahat nag uli uli muna'ko sa bahay nila.

Napatigil ako nang makita ko si Ishia. Masama ang tingin nya. Sa bawat hakbang nya mas lalong lumalakas ang tibok ng aking puso.

"Bat ka nandito?" Mataray nyang sabi nang maka lapit na sakin.

"H-hindi ba pede?" Nahihiya kong tanong.

Nag cross arm sya at tinginan ako ng seryoso "There's nothing you will do here, its better kung mag sstay ka nalang sa inyo"

"H-hindi naman dapat talaga ako sasama....kaso....napilitan ako gawa ni mama" pag rarason ko.

"Napilitan?" Sarcastic nyang tanong. "Di ba magaling ka sa pag aacting? Bat hindi mo nilabas talento mo?" Dagdag pa nya.

Medyo na iinis na nalulungkot ang nararamdaman ko habang kausap sya. Hindi ako sanay sa gantong attitude ni Ishia ngayon. I miss her smile lalo na ang pag ka excite nya tuwing nakikita ako at may bagong chika lagi.

"Ishia" mahinang pagtawag ko ska huminga ng malalim. Bago pa man ako makapag salita ulit, tinalikudan nya na agad ako. Mabilis ko syang sinundan.

Bigla syang huminto nang makarating na kami sa labas ng bahay "Will you stop following me?!" Galit nyang saad.

"Magusap tayo"

"Wala tayong dapat pag usapan" sabay talikod na ulit sakin.

Binilisan ko ang paglakad at hinawakan ko agad ang kanyang braso "Magpapaliwanang ako Ishia"

Huminto sya at binawi nya ang kanya braso "Magpapaliwanang?...para san pa? Its been 1 week Eugene" naiiyak nyang saad.

"Pakinggan mo muna ako please" pag kokombinsi ko.

"Pakinggan? For what? Sinubukan mo ba'kong pakinggan nung mga araw na iniiwasan mo'ko?"

"Ishia I'm so--" hindi ko na napag patuloy ang sasabihin ko nang marinig ko ang kanyang mga sinabi.

Undecided Feelings [ON GOING]Where stories live. Discover now