23

187K 4.6K 4.9K
                                    


"Congratulations, Nat! Another win na naman!" 

Sabay-sabay yumakap sa akin sina Kobs, Zahra, at Laya nang makababa ako ng school bus after namin mag-compete ni Yori for the preliminary rounds. Siyempre, nanalo kami! Maraming na-eliminate na ibang university. Last week naman, nag-compete ako sa journalism contest as part of the broadcaster team, and nanalo rin kami. Bukas, may competition naman ako for the Quiz bowl. Ako kasi 'yong nag-champion last year. 

Si Yori, may competition sa e-games in two days kaya busy siya. Lahat ng competitions ay nagsisimula na. Pati sina Lai at Seven ay busy na rin sa training dahil malapit na rin ang competition. Next week, manonood kami ni Yori ng volleyball match ni Seven for the elimination round. Magkasunod na araw pa competition nila ni Lai. Busy months na talaga.

"Let's eat." Bumaba si Yori ng bus at nanatili sa likod ko. Nakasuot siya ng team jacket namin at nakalagay ang dalawang kamay niya sa bulsa. "Then, I have to go to my training." 

"Kakain muna kami! Miss you, girls!" sabi ko at nagpaalam sa kanila. Sa klase na lang kami nagkikita. Minsan pa ay excused ako kasi nga may competition. 

I was back in my element. I really loved competing. Iba kasi ang saya kapag may naa-achieve ako. Iba 'yong feeling kapag nananalo. Parang ang galing-galing ko, ganoon. May ipagmamalaki ako, lalo na kina Mommy... pero since palagi naman akong nagko-compete, parang naging normal na lang sa amin na nananalo ako. Doon nanggagaling 'yong pressure to do well. 'Yong pressure to win.

Nasanay na ang mga taong nananalo ako kaya kailangan kong manalo palagi. Kung hindi, nakakahiya. Wala akong mukhang maihaharap. 

Nang makalakad na kami papalayo ni Yori ay agad kong pinagkrus ang braso ko sa dibdib ko. Aakbay sana siya sa akin kaso umiwas ako para matanggal ang kamay niya. Kumunot ang noo niya at nagtataka akong tiningnan.

"What did I do?" tanong niya. "Is this about earlier?"

"Bakit kasi ang pogi-pogi mo?! Ngiting-ngiti ka pa kanina roon sa mga girls sa kabilang team!" nagtatampong sabi ko. 

"Eh?!" Lumabas iyong Japanese accent niya. "Of course, they wanted to take photos." 

"No, dapat poker face ka lang. Parang ganito..." Ni-relax ko ang mukha ko at pinakita sa kanya ang hitsura ko. Tinuro ko ang mukha ko para alam niya kung ano dapat ang gagawin niya sa susunod. Of course, I was joking, pero nakakatawa kasi ang reaksyon niya dahil sineseryoso niya ako. Hindi pa ba siya nasanay? 

"I don't think that's polite," pakikipagtalo niya sa akin. Pinigilan ko ang tawa ko at umakto pa ring nagtatampo. 

"Ah, ganoon? Sige, mamamatay na lang ako sa selos! Ayaw kong may nginingitian kang iba! Gusto ko ako lang! Kung hindi mo kaya 'yon, para saan pa lahat ng 'to?!" pagdadrama ko. 

"O.A., ah."

Doon na ako natawa nang malakas at mahina siyang hinampas sa braso kakatawa. Nakukuha na niya pati 'yong mga phrases na sinasabi ko. Hinimas niya ang braso niya at tiningnan ako nang masama kaya mas lalo akong natawa habang naglalakad kami. 

Kumain kami sa karinderya malapit sa school dahil kailangan niyang bumalik kaagad. Hinubad niya ang jacket niya pagkaupo at nilagay sa bag. Ako naman ay nilapag ang tray namin dahil ako ang bumili ng pagkain para sa amin.

May pumasok na ibang mga estudyante sa university namin at agad lumipad ang mga tingin nila kay Yori. Sa dalas naming magkasama, alam naman na siguro ng buong university na kami ni Yori. Pino-post ko rin siya sa Instagram ko tapos picture namin ang profile picture niya. Nakakainis nga kasi kapag siya ang nasa post ko ay ang daming likes at views. Simula noong naging sikat siya sa streaming, nag-private na ako ng account. Mga schoolmates ko lang ang pinapapasok ko or mga kakilala. 

An Old Summer Daydream (Old Summer Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon